Chapter 8: I will Never Give Up

66 9 0
                                    

Chapter 8: I will Never Give Up

His POV

Alam ko darating ang araw na mapapatawad at mamahalin mo ulit ako... And when that day came I will hold you tight and I will never let you go...

Lunathalia's POV

Umiiyak akong umuwi ng bahay, buti nga at nakarating ako ng safe dito sa bahay... Pagadating ko alam kong nagtataka si kuya Lezander, Mommy at Daddy kung anong nangyari sa akin, binalewala ko nalang ang mga tingin nilang nagtatanong kung anong nangyari sa akin... Siguro naramdaman nila at nakita nila mula sa akin na gusto ko munang mapag isa kahit ngayon lang... Kahit ako naman nagtataka kung bakit ang aga nilang nandito sa bahay dahil normally nasa trabaho pa sila ng mga oras na umuwi ako pero hinayaan ko nalang at nagtuloy ako sa kwarto ko...

Wala akong ginawa dito sa kwarto kung hindi sumiksik sa isang parte ng kama at umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung bakit bumalik ulit lahat ng sakit na naramdaman ko noon, inalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Kiel... He was my first sa lahat except nalang dun sa alam niyo na pero lahat ng mga masasayang ala ala namin ay ang mga bagay na kahit kailan ay ayaw ko ng maalala dahil paulit ulit lang akong nasasaktan... He was my bestfriend back then, till the day that we fell inlove with each other or should I say I fell inlove with him kasi kahit kailan hindi naman niya ako minahal... I don't know pero kahit ilang beses na sabihin niyang mahal na mahal niya ako hindi ko na kayang maniwala, dahil na rin siguro sa mga ginawa niya... Mga ginawa niyang hinding hindi ko mapapatawad at makakalimutan kailan man...

Sa kakaiyak ko hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako, nagising lang ako ng marinig kong may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto ko, tinignan ko kung sino... Si kuya Lezander lang pala... Umupo siya sa kama ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay niya.

"Princess, alam na namin ang nangyari..." Sabi ni kuya sa akin... Alam ko naman na kahit hindi ko sabihin malalaman nila pero na natili akong walang kibo at nakatingin lang kay kuya Lezander...

Bumuntong hininga siya "Sorry kung walang magawa si kuya para dito, alam mo naman na mahal na mahal ka namin nila mom at dad, at gagawin namin ang lahat mapasaya ka lang lalo na ako, nagiisang prinsesa kita eh sana maintindihan mo" pagpapatuloy niya... Wala pa rin akong kibong nakatingin lang sa kay kuya... Parang wala lang akong lakas para magsalita dahil narin siguro sa kakaiyak ko... Hinalikan aki sa noo ni kuya at tumayo na siya...

"Magbihis ka na at bumaba, magdidinner na tayo" sabi niya at bahagyang ngumiti sa akin... Tumango lang ako at lumabas na siya sa kwarto ko.

Tamad na tamad akong bumagon, parang pagod na pagod ako pero ito tumayo parin ako para maligo at magayos nang makapagdinner na kami alam ko namang hindi sila kakain hanggat wala ako duon... Hayyy Thalia huwag mo na muna siyang isipin... Pilit kong paalala sa isip ko habang pababa ako ng hagdan.

Nakarinig naman ako ng mga boses na parang nagtatawanan sa may dining area, may bisita siguro sila dad... Pero nabigla ako ng pagdating ko sa dining area ay nandun siya at ang buong pamilya nila... Anong ginagawa niya dito? May gana pa talaga siyang magpakita matapos ng ginawa niya kanina...

"Nandiyan ka na pala baby, kanina ka pa namin hinihintay" masiglang sabi ni dad sa akin, lumapit nalang ako sa kanila at humalik sa pisngi ni mom and dad...

"Hi po Tito, Tita, Ate Dane... Sorry po kung natagalan ako di ko na po kasi namalayan na nakatulog na ako" pilit na ngiting sinabi ko sa kanila

"It's okay hija, nagkakasiyahan naman kami habang hinihintay ka" nakangiting bati ni Tita Keisia sa akin

"Baby umupo ka na" sabi ni mom at kaagad naman akong umupo sa tabi ni kuya Lezander na kaharap si Kiel na walang kibo at nakatingin lang sa pagkain...

How Will it End?Where stories live. Discover now