Chapter 12: Her Answer

38 3 0
                                    

Chapter 12: Her Answer

His POV

Tatanungin na kita, at handa kong tanggapin kahit ano pang isagot mo sa akin...

Lunathalia's POV

Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa beach resort na pagmamayari ng pamilya nila Kiel...

Natutulog ang mga pinsan ko at mga kaibigan ko... Ako naman nakasandal ang ulo sa balikat ni Kiel habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok... Mahal na mahal ko talaga siya...

Tanong nalang Kiel, yun nalang...





Nagising ako ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan...

"Wake up na Love, nandito na tayo" nakangiting bungad sa akin ni Kiel..

Nandito na pala kami at umaga na nakasinag na ang araw... Madaling araw kasi kami umalis kanina sa bahay...

"Okay" nakangiti kong sagot sa kanya at umayos na...

Paglabas namin sa sasakyan ay nalanghap na namin ang sariwang amoy ng hangin at dagat... Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag bakasyon niyo na hahahaha... Nagbubunga lahat ng pagpupuyat at paghihirap mo sa isang buong semester...

Pumasok na kami sa isang malaking villa...

"Ito ang magkakasama sa kwarto... Thalia, Andrea at Alex sa blue na pinto... Queen, Ces, Curiel at April sa pink na kwarto connected ang kwarto ng mga girls... Sa boys naman Kio, Mio, Dame sa brown na kwarto and lastly kaming dalawa ni kuya Jared sa black na kwarto" nakangiting sabi ni Kiel kaya naman pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto namin...

Nagpalit na kami ng damit at ng makita nila ang suot ko na summer shorts at sleeveless na damit...

"Ano yan?!" Tanong nila ate alex sa akin na naka swimming attire na alam niyo na... One piece lang hehehe... Maganda ang katawan naming magpipinsan kaya may maipagmamalaki talaga kami kaso nga lang nagusap kami ni Kiel kanina na no two piece or one piece kasi baka daw di niya mapigilan ang sarili niya a makapatay ng tao na titingin sa akin...

"Magpalit ka!" Sigaw ni ate andrea sa akin

"Bakit naman ate? Anong problema sa suot ko? Okay naman ah atsaka nagusap na kami ni Kiel about dito" mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanila

"We don't care okay... Bakit pa tayo biniyayaan ng magagandang katawan at makinis na balat kung itatago mo rin lang! Ito yung isuot mo" sabi ni ate alex sa akin sabay about ng blue na one piece na kapareho ng sa kanila na may butas sa may bandang bewang...

Kaagad naman akong nagpalit dahil mahirap na baka mabugahan pa ako ng apoy may pagkadragon din yung dalawang yun... Lumabas na ulit ako ng Comfort room at nakangiti silang dalawa ng lumapit ako sa kanila

"Okay na ba?" Tanong ko sa kanila at nagthumbs up naman silang patango tango pa sa akin...

Lumabas na kami ng kwarto at dala dala ko ang manipis na blaser ko na ginagamit sa beach...

Pababa na kami ng hagdan nang mapatingin ako sa tulala na si Kiel kasama ang mga pinsan ko na inaasar siya...

"Sabi ko ng wag kang magsusuot ng ganyan eh" sabi niya sa akin

"Bakit? Di ko ba bagay?" Tanong ko sa kanya

"Bagay na bagay mo nga eh at mukhang makakapatay na talaga ako ng tao sa labas natitingin sayo lalong lalo na ang mga lalaking titingin sa iyo" sabi niya sa akin kaya naman nagtawanan ang mga pinsan ko pati na rin ako

"Ang corny mo pala talaga Kiel" natatawang sabi ni kuya Mio

Napansin ko naman si kuya Dame at Queen na naguusap sa isang sulok... Naku I smell something fishy.

"Tara nang lumabas at kinikindatan na rin ako kanina pa ng dagat" patalon talon pang sabi ni April haha kahit kailan talaga

"Magtigil ka April kahit kailan talaga isip bata kang babae ka" sabi ni Curiel

"Wala kang pake ate!" At yun na ang umpisa ng pagbabangayan ng dalawa

"Love dikit ka lang sa akin ah... Para maprotektahan kita sa mga mata nila" bulong ni kiel sa akin ng makalabas kami

"Magtigil ka nga ang OA mo talaga kahit kailan" natatawanng sai ko sa kanya

"Totoo naman eh, ikaw kasi nagsuot ka pa ng ganyan" sabi niya sa akin

"Pinapalit lang nila ate alex at ate andrea ang suot kong shorts at sleeveless kanina" paliwanag ko sa kanya

"Kahit na ba" sabi niya at mas nilapit ako sa kanya

-*-*-*-*

Lumipas ang buong maghapon namin ng masaya at nagaasaran...

Ngayon naman nakapalibot kami sa isang bonfire na ginawa namin kanina matapos kumain ng dinner

"Maglalaro tayo ng truth or dare, dapat kayang sagutin o gawin kundi may consequence" pagpapaliwanag ni ate alex

"Okay!" Sabay sabay naming sagot sa kanya at pinaikot na nila ang bote at saktong tumapat ito sa katabi kong si Kiel...

"Kiel Truth or Dare?" Tanong sa kanya nila kuya

"Truth" natatawang sagot niya sa kanila

"Gaano mo kamahal ang prinsesa ng pamilya namin na si Thalia?" Tanong nila kay Kiel

"Higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sa kanya, oo nagawa ko siyang saktan noon at pinaiyak ko siya pero ginawa ko iyon para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya" nakangiting sabi niya sa mga pinsan ko...

"Woahhh botong boto kami talaga sa iyo Kiel" hiyaw ng mga pinsan ko at nagkakasiyahan na ng pinaikot nila muli ang bote at tumapat ito sa akin...

"Love Truth or Dare" nakangiting tanong ni Kiel sa akin

"Truth" nakangiting sagot ko sa kanya

"Alam mo na mahal na mahal kita Love" sabi niya at tumango naman ako

"Now, Love, Can You Be My Girl again up to forever?" Tanong niya sa akin at ayun naghiyaqan na naman ang buong barkada na pinangungunahan ng mga pinsan ko habang ako ito nakatulala at hindi makapaniwala... Kaya pala kanina...

"Sagot na Princess" sigaw sa akin ng mga pinsan ko

"Yes na yan friend" sigaw naman nila Curiel, Ces at Queen

"O to the M to the G!!!! Kinikilig ako sagad to the bones" impit na tili naman ni April

"Kiel" nakangiti kong tawag sa kanya na halatang kinakabahan..



















"Oo Love, I will be your girl again up to forever" nakangiting sabi ko

"Yes!" Sigaw niya at niyakap ako... Naramdaman ko naman na nababasa ang manggas ng damit ko... Umiiyak siya hahaha

"I Love you so much Love! Promise I will never ever let you go!" Sabi niya habang nakasubsob parin ang mukha niya sa balikat ko...

"I Love You too Kiel, Love" nakangiti kong sabi at mas hinigpitan ang yakap sa kanya...

"Ayyyiiieeeee ang sweet!" Hiyaw ng mga kasama namin....






Now We are officially in a relationship, for the second time around ;)

I hope hindi na ito matapos pa hanggang kasalan at hanggang pagtanda namin...








****************************

Kinikilig ako... Haha sila na!!!! Yehhheeeeyyyyyy

Have a strong relationship sa inyo ;)


That's all for tonight... ;)





Thank you sa mga nagbabasa at nagvote sa story na ito... Love You all

---> Miss H

How Will it End?Where stories live. Discover now