Chapter 18: They are Partners :'(

50 4 1
                                        

Chapter 18: They are partners :'(

His POV

Kahit sino pa sila ikaw parin ang mamahalin ko habang buhay....

Love



Lunathalia's POV

"Class magkakaroon kayo ng isang activity project, parang practice siya para sa thesis niyo" sabi ni ma'am ng kaagad kaming matapos sa lesson namin

"Ma'am individual po ba ang pinapagawa niyong iyan?" Tanong ng isa naming kaklase

"No by pair siya, actually magbubunutan kayo ngayon kung sino ang magiging partner niyo" nakangiting sagot ni ma'am

"Yes!" Sigawan naming lahat

"By row come in front at bumunot na kayo ng makakapartner niyo" sabi ni ma'am...

Nang matapos na ang lahat ay sabay sabay namin binuksan ang mga nabunot namin...

Yes! Atleast si Ate Andrea ang nabunot ko!

"Love sinong nabunot mo?" Pagtatanong ko kay Kiel...

"Lyrene" pabuntong hininga niyang saad...

"O to the M to the G... Partner tayo baby Kielkiel ko" impit na tili pa ni Lyrene... Hindi ko maiwasang hindi mainggit at magselos dail magkapartner sila... Hayyy di bale na atleast ako ang mahal niya.

"Okay class go to your respective partners and you may now start on how your going to do your activity..." sabi ni ma'am... At pumunta naman kami sa kanya kanya naming partner

"Princess gusto mo palit nalang kami ni Kiel para partner mo siya? Okay lang sa akin na si Lyrene ang makapartner ko basta ba makakatikim siya sakin dahil sa mga ginawa niya" sabi sa akin ni ate andrea siguro naramdaman niya yung selos na naraamdaman ko ngayon

"Okay lang ate andrea, masaya naman ako kasi ikaw ang partner ko atsaka activity lang naman ito ako naman yung mahal ni Kiel" pilit na ngiting sabi ko nalang sa kanya

"Okay, basta kapag may problem sabihin mo lang sa amin huh palagi lang kaming nandito para sayo" nakangiting sabi niya sa akin na nakapagpagaan naman ng kaunti sa nararamdaman ko...


"Okay class, Just continue your conversation later its time already, you will pass that by friday" sabi ni ma'am

"Yes ma'am" in unison na sabi naming lahat

"Okay! You may now take your lunch... See you tomorrow" nakangiting sabi ni ma'am at lumabas na ng class room namen

"Love tara na" nakangiting sabi ni Kiel sa akin... Ito naman parang kabute kung saan saan sumusulpot

"Okay tara na" nakangiti kong sagot sa kanya... Inakbayan naman niya ako at hinalikan sa noo habang palabas kami ng room

"Baby Kielkiel hindi pa natin tapos pagusapan ang project naten" habol na sigaw sa amin ni Lyrene

"I dont care... We can talk about it later" sabi ni kiel sa kanya at hinila na ako papunta sa cafeteria...

"Kawawa naman ang trying hard desperate bitch" pangaasar pa sa kanya ng mga kaibigan ko at pinsan ko

"Hahahahahaha" rinig ko pang pagtatawanan nila at ang pagsunod nila sa amin







"Love" tawag sa akin ni Kiel habang bumabyahe kami pauwi ng bahay.... Napansin siguro niya na kanina pa ako tahimik at walang imik

"Hmmm" baling ko sa kanya

"May problema ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako...

"Love hindi mo naman ako masisisi kung magseselos ako diba? Halos ibigay na ni Lyrene sayo ng lahat lahat pati sarili niya mapansin mo lang siya" malungkot na sabi ko sa kanya

"Diba Love sabi ko sayo hinding hindi kita iiwan kahit sino pa yan o ano pa yan?" Sabi niya sa akin

"Per-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan

"Love naman Ikaw lang ang mahal ko diba... Basta tatandaan mo na mahal na mahal kita at lahat lahat gagawin ko para sayo" sabi niya sa akin... Parang makahulugan ang sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin at tumango na lamang sa kanya

"I Love You Love" sabi ko sa kanya

"I Love You too Love" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo

"Sige na, pasok ka na sa inyo at nang makapagpahinga ka na" nakangiti niyang sabi sa akin

"Sige Love, ingat ka pauwi" sabi ko sa kanya at lumabas na ng sasakyan

"Goodbye Love" makahulugan paring sabi niya pero ngumiti na rin siya kumaway naman ako sa kanya... Pumasok na akong bahay ng makalayo na ang sasakyan niya

"Thalia magiingat ka at alagaan mong mabuti si Kiel mahirap kalaban si Lyrene" salubong sa akin ni ate alex

"Oo naman ate... Bakit nga pala parang kilalang kilala mo na si Lyrene? Ang init pa ng dugo mo sa kanya" nagtatakang tanong ko sa kanya

"She's my cousin sa father side... Pati ang ex ni Jared ay pinsan ko, sa mother side... Malakas na ang tama ng mga pinsan kong iyon kaya nilang gawin ang lahat makuha lang ang gusto nila" sabi ni ate alex sa akin... Ahhh kaya pala...

"Sige ate alex magiingat talaga ako at papakabakuran ko si Kiel haha" padaan ko sa biro sa kanya

"Sige na... Akyat ka na" natatawang sabi ni ate alex sa akin kaya naman umakyat na ako... Nakasalubong ko naman si kuya jared sa gitna ng hagdan...

"Hi kuya" sabi ko at tumango lang naman siya

"Seryoso ako sa sinabi ko sayo Thalia" sigaw ni ate sa akin kaya naman humarap ulit ako sa kanya para ngumiti kaso nabigla ako sa bumungad sa akin.... Shettt nakayakap mula sa likod niya si kuya jared... Sabi ko na nga ba eh... Wahhhhh ang sweet... Kinikilig ako

"Haha oo ate, sige na panik na ako tinitignan na akong masama ng asawa mo haha" patawa tawa kong sabi sa kanya kasi naman ang sama ng tingin ni kuya jared sa akin akala mo naman aagawin ko asawa niya...

"Isa Red!" Rinig ko pang saway ni ate alex sa kanya

"Tara na kasi sa taas Hon" rinig kong sabi ni kuya jared.... Ay shetttt kakakilig naman sila wahhhhh...

Nagpatuloy na ako sa kwarto ko at naglinis na ng katawan para makatulog na ako... Tutal kumain na kami kanina ni Kiel at wala ring assignment...

Kinuha ko ang makapal kong notebook na nakatago sa secret place ng drawer ko...

Alam kong mahal mo ako,
Pero sana ngayon patunayan mo,
Mahal na mahal din kita,
Kaya ipaglalaban kita sinta,

Hindi kami magkapartner ngayon, ang masaklap pa kapartner niya ang isang babaeng patay na patay sa kanya... Sana lang Love walang magbago... Mahal na mahal kita at hindi ko na kakayanin kung mawala ka pa ulit sa akin... Sana mapatunayan mo na hinding hindi mo na ako sasaktan at muli pang iiwan... Kasi malakas na ang pakiramdam ko na mauulit na naman ang nangyari noon... Sana Mali ako Love.

-LS

Hindi ko na namalayan na pumatak na pala ang luha ko sa pahina ng aking secret notebook... Sana nga mali ako Love...











****************************

Sana nga mali si Thalia dahil baka hindi ko din kayanin hahaha... :'(











Thank you sa mga nagbabasa nito at nagvote... Love You All

---> Miss H

How Will it End?Where stories live. Discover now