Chapter 11: Sembreak means CHTHT?

61 5 0
                                    

Chapter 11: Sembreak means CHTHT? (Cousins Heart to Heart Talk)

His POV

Tatanungin na kita, malapit na,

Lunathalia's POV

Kahit kailan hindi ko maipagkakaila ang sobrang bilis ng paglipas ng mga araw at panahon...

Kakalabas lamang naming magpipinsan kasama ang mga kaibigan namin at si Love este Kiel hahaha... Kakatapos lang naming magtake ng panghuling exam namin so It's time for Partehhhh hahaha... Sembreak na naman at nagplano ang buong barkada na magbabakasyon daw kami sa isang beach resort na pagmamay ari ng aking napaka masungid na manliligaw...

About naman sa amin sa mga nakalipas na buwan ay talaga namang walang mintis si Kiel na pasiyahin at surpresahin ako ng bonggang bongga hahaha kaya hindi ko narin makakaila na nagtitiwala na ulit ako sa kanya... At







Mahal na mahal ko na ulit siya... Na sa tingin ko ay hindi naman nawala ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya sadyang natabunan lang ang nararamdaman kong iyon sa aking poot at galit sa kanyang ginawa...

Just Learn to accept things or happenings in your life and Don't let negative thoughts invade your life because it can make your life miserable...

Iyan ang natutunan ko sa mga problemang dumaan sa aking buhay... Kapag nagmahal ka at sinaktan ka ng taong mahal na mahal mo tanggapin mo lang kasi kahit kailan hindi mo maalis ang katotohanang sa pagmamahal hinding hindi mawawala ang salitang 'masasaktan' ka talaga kasi yan talaga ang ibig sabihin at magpapatunay na totoo ang pagmamahalan niyo sa isa't isa.

So ayun nga masyado nang humaba ang aking pagiisip at paghugot sa aking isipan... Pero totoo yun okay... Nandito na kami sa tapat ng aming bahay, hinatid ako ng aking manliligaw...

"Ano bukas ah?" Sabi ko sa kanya bago lumabas ng sasakyan.

"Syempre naman hindi ko makakalimutan iyon" sagot niya sa akin ng nakangiti.

"Buti naman, oh sige na ingat ka sa pagmamaneho pauwi" sabi ko ng nakangiti at lumapit sa kanya sabay halik sa pisngi and then nagtatakbo papunta sa gate...

"See you Thalia, huwag kang magalala magiingat ako kasi mamahalin pa kita ng matagal na matagal... I Love You" nakangiting sabi niya sa akin na namumula pa hahaha...

"Bye" sigaw ko at nagwave pa sa kanya... Bumusina naman siya.








Kakatapos lang ng dinner at ito ang mga magaganda at gwapo kong pinsan nandito sa kwart ko at makikitulog daw... May dala dala pa silang comforter at unan na inilalatag nila sa sahig ng kuwarto ko....

"Dito ang mga lalaki sa sahig matutulog ah" sabi nila sa akin

"At tayong girls naman sa bed mo princess" sabi naman nila ate alex at andrea sa akin... Okay naman yun sanay na sanay na ako or kami sa ganito...

"Ngayon naman dito muna tayo sa sahig dahil marami tayong pagkukuwentuhan"
Sabi ni kuya Dame sa amin... At pumaikot naman kami sa higaan nila...

"Umpisahan natin kay Mio, ano ng balita sa buhay mo?" Tanong ni ate alex

"Wala namang bago sa buhay ko ngayon... Pwera nalang sa isang bagay" seryosong sabi niya sa amin.

"Ano naman yun kuya?" Tanong ni Ate Andrea

"Edi mas lalong nadagdagan ang angkin kong kagwapuhan" natatawang sa bi niya sa amin at binatukan naman siya ni kuya Kio...

"Ang kapal mo talaga kahit kailan! Kambal ba talaga kita?" Tanong ni kuya kio

How Will it End?Where stories live. Discover now