Chapter 23: @18th
His POV
Sasabihin ko din sa iyo ang dahilan sa tamang panahon... Sana kapag dumating ang araw, ang oras na iyon mapatawad mo ako, mahal mo pa ako... Im really really sorry Love.
Lunathalia's POV
Hindi ko lubos maisip na makakaya nilang gawin sa akin iyon, lalo na siya... Sobrang sakit ng naramdaman ko nang makita ko ang tagpong iyon, para bang pilit na dinudurog ang puso ko kahit basag na basag na ito...
"Princess, maligo ka na at nang maayusan ka na ng make up artist mo" nakangiting sabi ni kuya lezander
"Okay kuya" matamlay na sagot ko sa kanya... Yun lang at lumabas na siya sa kwarto ko dito sa hotel ng pagdarausan ng debut party ko.
"Huwag kang magpapaapekto Thalia, makikita mo sila mamaya kaya ipakita mo na wala kang alam at malakas ka... Huwag kang papatalo sa bruhang iyon na mangaagaw ng kasintahan ng iba" kausap ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin at napabuntong hininga na lamang ako....
*tok tok*
"Pasok" sabi ko mula sa pinto ng marinig ko ang katok mula dito.
"Hi princess! Happy Happy 18th birthday!" Sabay sabay na pagbati ng mga pinsan ko at isa isang nagtatakbo papunta sa akin para mayakap ako
"Happy Birthday Baby" sabi naman ni Daddy
"Thanks Dad" sagot ko
"Happy Birthday sweetheart" magiliw na pagbati sa akin ni mommy
"Thanks mom" nakangitong sagot ko pero pilit lamang iyon, binalewala na lamang ng aking mga magulang at niyakap nila ako
"Always remember that you deserve all the best sweetheart" bulong ni mommy sa akin
"And we will do everything for you baby" bulong naman ni daddy
"Thanks mom and dad" bulong ko sa kanila at mas hinigpitan ang pagkakayakap
"Pasali ako" sigaw ni kuya na papasok pa lamang ng kwarto ko at kaagad na nakiyakap sa amin nila mom and dad
"Walang pwedeng manakit sa nagiisa kong napakagandang kapatid, physically man yan o emotionally walang pwedeng manakit sa iyo princess dahil hindi nila magugustuhan ang mangyayari sa buhay nila kapag sinaktan ka nila" bulong ni kuya na hindi ko naman sinagot at nanatiling walang imik
"Ehem! Tita! Tito! Kami naman ang yayakap sa prinsesa naten" sabi ni kuya Dame
"Oo nga tita kami naman" segunda pa ni kuya mio
"O sige na, bababa na kami baby! Enjoy your day! Bababa ka na rin after 15 minutes... Aasikasuhin muna namin ang ibang guests" sabi ni daddy kaya tumango na lamang ako
Nang makaalis na si mommy at daddy ay kaagad akong dinumog ng mga pinsan ko.
"Princess gusto mo ba ako nalang ang escort mo?" Tanong ni kuya lezander
"O kaya princess sige kahit sino sa amin nalang ang partner mo" sabi naman ng mga pinsan kong lalaki
"Okay lang ako mga kuya! Haha kapag umiwas ako ibig sabihin talo ako, mahina ako" nakangiti kong saad ngunit naluluha na rin ako kaya naman kaagad akong niyakap ni ate alex
"Nandito lang kami palagi para sayo princess, huwag kang magalala may nagmamahal sayo, nandito kami... Hindi mo sla kailangan lalo na kung ganitong nasasaktan ka ng dahil sa kanila. You deserve someone better okay!" Pagpapatahan ni ate alex sa akin... Buti nalang water proof ang make up na nilagay sa akin kaya hindi kumalat

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...