Chapter 7: First Move
His POV
Alam ko magugustuhan mo ang gagawin kong ito para sayo, mahal na mahal kita Thalia... Lahat gagawin ko mahalin mo lang ulit ako...
Lunathalia's POV
Papunta na akong school ngayon using my own car... Finally naman pinayagan na ako nila Dad na magdrive... Ang tanda tanda ko na gagraduate na nga ako hatid sundo pa hahaha...
So ito nga pinark ko na yung sasakyan ko sa parking lot siyempre ng school at bumababa na ako mula rito...
Ang nakakapagtaka lang eh bakit kaya ganyan kung makatingin ang mga students sa akin? Well, sanay naman ako na palagi silang nakatingin or minsan pa nga nakatitig sa akin kapag dumadating at dumadaan ako sa harapan nila pero this time iba yung tingin nila eh... Ewan ko ba pero parang ang creepy lang... Katulad lang ng ginagawa ko palagi hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy na ako papunta sa room...
Pagkapasok ko sa room, ang creepy parin ng tingin nila sa akin lahat kasi sila nakangiti or should I say nakangisi habang nakatingin sa akin... As usual nilagpasan ko na naman sila at dumeretso na sa upuan ko at kaagad naman akong binati ng mga New BestFriends ko... Oo Bestfriend na kaagad since I trust them
"Goodmorning Thalia" In unison na sabi nila Curielica, Ces at Queen
"Goodmorning din sa inyo" nakangiti kong balik sa kanila
"Hi Ate Thaliaaaaaa!!!! Goodmorning!" Hyper na hyper na bati ni April
Pinisil ko ang cheeks niya sabay sabing " Goodmorning din sayo April!" Masiglang sabi ko sa kanya... Nakakatuwa talaga ang babaeng ito kahit kailan... Sa simpleng pagsabi niya lang ng goodmorning mapapangiti ka na...
"Komusta ka na Ate Thalia?" Tanong ni April habang nakangiti parin
"Wow ah, April talaga parang isang taon kayong hindi nagkita eh kahapon lang kayo naghiwalay niyang si Thalia" sabi ni Curiel sa kanya
"Pake mo ba Ate Curiel eh sa gusto kong kamustahin si Ate Thalia eh... Atsaka siyempre yung problem ni ate Thalia kinakomusta ko rin no" sagot sa kanya ni April... Ito talagang magpinsan na to kung magaway akala mo wala ng bukas dinaig pa ang aso at pusa sa kakaaway...
"Okay tama na yan, Okay lang naman ako April yung problema ko ayun pinabayaan ko nalang muna tutal matagal pa yun no para isipin ko tutal alam ko naman na walang gagawin yang si Kiel at hindi niya naman tutuparin yung sinabinniyang gagawin niya lahat mapapayag lang ako no... Wala naman kasing isang salita yung taong yun" pagpapatigil ko sa kanila at pagsagot na rin sa tanong ni April... Tumango tango naman ito
"Sabagay tama yan Thalia, wag mo nalang muna siyang pansinin at hayaan mo muna yang problema niyo about sa kasal kasal na yan" sabi ni ces
"Oo wag muna munang isipin yang si Kiel pero Hindi ako sangayon sa hayaan mo yang problema mo, dapat habang maaga pa pigilan mo na yan at gumawa ng paraan para masolusyunan yan... Sa huli ikaw rin mahihirapan at masasaktan kapag hindi mo kaagad sinolusyunan yan" sesyosong saad ni Queen at tumango ako dito, sabi nila ganyan daw si queen since siya ang pinaka ate ng barkada palagi siyang nandiyan at aagapay sayo lalo na kapag may problema ka.
"Cge Queen, magiisip na ako ng mainam na solusyon tungkol dito" sagot ko nalang sa kanya kahit na hindi ko naman alam kung ano nga ba ang gagawin ko.
Mabilis lumipas ang oras at ngayon naglalakad na kami papunta sa canteen... At hanggang ngayon ang weird parin talaga ng mga estudyante dito...
"Ano bang meron at ganyan sila makatingin?" Biglang tanong ni Curiel, mukhang napansin din niya

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...