Chapter 14: Sweet Breakfast
His POV
Buti nalang nakapagpigil pa ako kanina, kung hindi... Arghhh
Lunathalia's POV
Salamat naman at nakababa na rin kami sa hagdan nitong si Kiel... Paano ba naman kasi hanggang ngayon hindi parin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin mula sa likod kaya naman hirap na hirap kami sa pagbaba ng hagdan nitong villa...
"Buti naman nandito na kayo" sabi ni kuya Jared
"Sorry Kuya kasi itong isang to ang kulit kulit, ayaw umalis sa pagkakayakap sa akin kaya hirap nahirap kami sa pagbaba ng hagdan" sabi ko kay kuya
"Sus for all we know may ginawa kayo sa taas no" pangaasar sa amin ni Ate Alex kaya naman namula ako at itong kasama ko naman tumatawa pa...
"You can say that haha" tatawa tawang sagot naman nitong nakayakap parin sa likod ko... Kaya naman pinalo ko yung kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko..
"Ikaw talaga" sabi ko sa kanya
"Uyyy si princess namumula, totoo no? Anong ginawa niyo sa taas?" Pang aasar nila kuya Mio at Kuya Kio
"Wala nga kuya!" Inis kong sigaw sa kanila kaya naman lalo silang nagtawanan
"Baka naman--" pinutol ko ang dapat sasabihin ni kuya Dame
"Sige kuya Dame ituloy mo baka gusto mo ding sabihin ko kung ano ang nakita ko nung isang araw tsk tsk" banta ko sa kanya... Nakita ko kasi sila ni Queen nung isang araw sa may likod nitong villa haha secret nalang kung anong nakita ko...
"Sabi ko nga mananahimik nalang ako eh" sabi ni kuya dame
"Naku! Kambal may tinatago na sa atin itong ai Dame" sabi ni kuya kio sa nagiisa niyang kakambal na walang iba kundi si kuya mio
"Oo nga kambal... Tsk tsk" sagot naman ni kuya mio
Kaya naman nagtawanan kaming lahat... At sinimulan na nilang asarin si kuya dame
"Tama na yan... Kumain na tayo at baka gabihin tayo sa daan" pagpapatigil sa amin ni kuya Jared
"Ito na naman po ang pinaka pinaka Kill Joy na taong nakilala ko sa buong mundo, kaya hindi nagkakalove life eh dinaig pa kasi ang matandang binata sa sobrang sungit" pagpaparinig ni ate alex kay kuya kaya natawa na naman kami...
"Magtigil ka alex, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag nainis ako sayo" seryosong sabi ni kuya jared
"Mr. KJ may I have a request pwede bang wag kang KJ? Hihintayin ko na alisin mo ang kasungitan mo" sintunadong pagkanta ni ate alex sa Mr. DJ na pinalitan nga niya ng Mr. KJ kaya nagtawanan na ulit kami...
"Hindi ka talaga titigil?" Naiinis na tanong ni kuya jared na may kasama pang pagpalo ng malakas sa table... Naku po mukhang wala sa mood ang kuya
"Ganyan ka naman parati eh, dinadaan mo lahat diyan sa kasungitan mo! Kung may problema ka please lang huwag mo kaming idamay!" Naiinis na sigaw ni ate alex at tumayo..
"Nawalan na ako ng gana hintayin ko nalang kayo sa labas" sabi niya at umalis na... Naku po away na ito...
Nagpatuloy naman kami sa pagkain namin, dadalhan ko nalang si ate alex mamaya baka magutom siya...
"Love anong gusto mong ulam" malambing na tanong sa akin ni kiel matapos niyang bigyan ng kanin ang plato ko...
"Bacon at Hotdog nalang Love" nakangiti kong sagot sa kanya... Kaya naman kumuha siya ng bacon at hotdog at inilagay sa plato niya...
"Oh Love bakit sa plato mo nilagay? Gusto mo din?" Nagtataka kong tanong
"Wait lang Love hahatiin ko na para hindi ka na mahirapan" sagot niya sa akin habang nakabaling parin ang tingin sa bacon at hot dog na hinahati niya... Hindi ko naman maiiwasan na kiligin sa mga kilos niya.
"Ito na love oh, kain ka na" sabi niya sa akin kaya naman nagsimula na akong kumain... Napatingin naman ako sa kanya na hindi pa nagsisimulang kumain..
"Oh? Love bakit hindi ka pa kumakain? Anong gusto mo pangkuha kita" sabi ko sa kanya, hindi naman siya kumibo at nakatingin lang sa akin...
"Love aong gusto mo dali para makakain ka na" sabi ko sa kanya... Kaso niyakap niya ako at pinatong ang baba niya sa balikat ko..
"Subuan mo ko Love" nakangiti niyang sabi sa akin... Ahhh kaya pala gusto lang magpasubo ng baby damulag ko haha...
"Yun lang pala oh sige na susubuan na po kita Love" nakangiti kong sabi sa kanya at naglagay ng bacon at hotdog sa kutsara na may kasamang kanin at nilapit sa bibig niya...
"Say ahh Love" nakangiti kong sabi at ginawa naman niya
"Ahh" sabi niya kasabay ng pagbukas ng bibig niya kaya sinubuan ko na siya... Ganun lang ang ginagawa namin hanggang matapos kaming kumain...
"Thank you Love" sabi niya at hinalikan pa ako sa cheeks...
"Always welcome love basta ikaw" nakangiting sabi ko sa kanya...
Hayyy kahit kailan talaga itong si Love never tumigil sa pagpapakilig... Baka masanay ako at hindi ko na talaga kayanin na mawala siya sa buhay ko....
This time I fell hard and deep... Sana lang hindi na niya ako saktan pa ulit kasi baka hindi ko na talaga makayang mabuhay pa ulit...
****************************
Chapter 14 is finally done... Hayyy ang saya pag walang pasok tapos umuulan pa hahaha ;)
Ingat po! ;)
Thank you sa mga nagbabasa nito at nagvote sa story... Love You All
---> Miss H

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...