Chapter 6: New Friends

80 11 2
                                        

Chapter 6: New Friends

Lunathalia's POV

Inaantok akong bumababa sa hagdan... Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi naman iniisip ko kung anong gagawin ko tungkol dun sa kasal at sa sinabi ni kiel kagabi...

"Oh baby gising ka na pala, tara kain na dito baka malate ka pa sa school, ako muna maghahatid sayo ngayon kasi tulog pa ang kuya mo napagod siguro sa pakikipagbangayan kay Dane kagabi" natatawang sabi ni dad... Tumango lang ako sa kanya kasi naman hanggang ngayon nagtatampo parin ako sa kanya pero kay mom at kuya hindi na hehe...

"Bakit pala bigla ka nalang nawala kagabi baby? Kung di lang sinabi sa amin ni Kiel na nauna ka nang umuwi dahil masama ang pakiramdam mo di pa namin malalaman kung nasan ka" sabi ni mom may halong pagaalala yan huh

"Oo nga baby okay ka na ba? Sure ka papasok ka na? Baka masama pa pakiramdam mo?" Malambing na sabi ni dad

"Okay lang po ako, sumama lang talaga ang pakiramdam ko kagabi pero okay na ako ngayon" sabi ko at tinapos ko na ang kimakain ko

"Uhhhmm... Dad tara na po baka po malate ako, may gagawin pa po kasi ako sa school eh" sabi ko kay dad, hayyy namiss ko na ung asaran namin ni dad

"O cge tara na, bye hon una na kami ah" sabi ni dad sabay halik kay mom, kahit kailan talaga ang sweet nila

"Bye mom" sabi ko kay mommy sabay halik sa pisngi niya haha mahirap na baka magselos pa si dad

Nang makarating kami sa school hinalikan ko lang sa pisngi si dad at lumabas na ng sasakyan, kahit miss na miss ko na si dad pinipigilan ko kasi nagtatampo parin talaga ako sa kanya.

Nakaupo lang ako sa pwesto ko sa classroom at hindi kinikibo yung katabi ko... At dahil nabibingi ako sa katahimikan lumipat nalang ako ng upuan... O diba nice idea hindi ko na seatmate yung mokong na yun hindi pa ako mabibingi sa katahimikan at awkwardness...

May tatlong babae namang umupo sa tabi ko.

"Hi ako nga pala si Curielica Flores, Curiel for short" biglang sabi ng isang maganda at maputing babae, ang ganda niya at ang cute ng height niya hehehe

"Hi ako naman si Princess Loreine Sy, Ces nalang hehe" sabi naman ng isang maganda at morenang babae... Ang cute cute ng cheeks niya haha chubby kasi siya eh pero maganda parin

"Hi Thalia! Ako naman si Queen Anatasia Fortalejo, Queen nalang tawag mo sa akin huh" sabi naman ng isa ding maganda at maputing babae... Grabe kainggit yung cheeks niya alam na alam mo na natural pinkish...

"Simula ngayon friends na tayo huh" sabi ni Ces awww ang cute talaga niya hahaha

"Uhmmm... Sige hehe Lunathalia Slanford pala hehe Thalia nalang for short" nahihiyang sabi ko sa kanila eh kasi naman sinong hindi mahihiya sa ang gaganda nila tapos mararamdaman mo talagang mabait sila...

"Yehhheeeyyyy my new friend na tayo" sabi ng isang maganda at cute na babae... Ang adorable ng face niya at ang ganda ng mata niya kaso naka salamin siya eh

"Ooopppsss sorry hehehe, hi Ate Thalia ako nga pala si April Anne Flores, ang napakagandang pinsan ni Curielica Flores ;)... April nalang tawa mo sa akin ate thalia okayyy" sabi niya sakin ang cute cute niya talaga haha

"April stop na, ang hyper mo na naman... Ilang chocolate na naman ba ang kinain mo?" Sabi ni Curiel sa kanya

"Ate Curiel naman porke't hyper chocolate kaagad kinain diba pwedeng white chocolate muna" sabi niya natawa naman ako sa sinabi niya siguro siya ang bunso ng grupo haha

"Tss April pareho lang yun, Thalia pasensya na kay April huh ganyan talaga yan bunso ng grupo eh" sabi ni Queen sa akin

"Okay lang ang cute cute niya nga eh" sabi ko sabay kurot sa cheeks ni April at kaagad naman niyang tinanggal yun sabay sabing...

"Ate Thalia alam kong cute ako pero please lang hehehe maganda po ako M-A-G-A-N-D-A po ako okay" sabi niya sa akin hahaha mukhang magkakasundo kami ng batang to

"Kahit kailan talaga ang kapal ng face mo April" sabi ni Ces sa kanya

"Ate Ces naman kailan ka pa nakakita ng manipis na mukha?" Painosenteng tanong ni April kay Ces

"Ewan ko sayo" sabi ni Ces... Hayyy siguro time na nga para magkaroon ako ng friends na gaya nila, ang saya nilang tignan parang wala silang problemang kinakaharap sa buhay... Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti

"Oh? Ang lalim naman nun Thalia, may problema ka ba?" Tanong ni Queen

"Oo nga pansin namin palagi kang tahimik at para bang may bumabagabag sayo" sabi naman ni Ces

"Mind if you share it to us, pero okay lang kung ayaw mo pang i share kasi kakakilala mo lang naman sa amin" sabi ni Curiel

"Oo nga Ate Thalia, share mo minsan huh mahirap ang may dala dalang problema dapat nilalabas yan... Nandito naman kami for you" sabi naman ng cute na cute na si April haha

"Uhhmmm, okay sige magkukwento ako mamayang lunch okay mukhang kailangan ko din ng mapagsasabihan eh" sabi ko sa kanila dahil dumating na din naman ung teacher namin

"Okay ;)" sabay sabay nilang sabi saken at nakinig na rin sa teacher namin napansin siguro nila na dumating na siya...



Lunch Time...

Kakatapos ko lang ikuwento sa kanila yung mga kaganapan sa buhay ko, at tama nga sila gumaan ang pakiramdam ko... Sinabi ko yung simula ng magkakilala kami hanggang sa kasalukuyan pero syempre hindi ko sinabi yung nangyari sa bahay ni Kiel... Baka alam niyo na hehe

"Awww grabe naman pala ang mga ganap sa buhay mo Thalia" sabi no Curiel

"Pero kung ako sayo, papahirapan ko muna yang si Kiel... Aba naman grabe yung mga ginawa niya sayo huh, tapos babalik siya sa buhay mo ng ganun ganun lang?" Sabi ni naman ni Ces

"Siguro naman may dahilan talaga siya kung bakit niya ginawa lahat yun... Sabi nga nila Everything happens for a reason... Siguro yun din yung plano ni God na mangyari sa inyo, to teach the both of you a lesson lahat naman ng nangyayari sa buhay naten ay makakabuti din sa atin atsaka hindi naman natin maiiwasan yung ganyang problema eh what is important is that we learned from our mistakes" sabi ni Queen

"Ahh basta ako Ate Thalia kung ako sayo magpapakasal na ako kay napakagwaping Kuya Kiel" sabi naman ni April natawa pa nga ako sa kanya kasi habang sinasabi niya yun parang nagpapantasya siya kay Kiel haha may crush siguro ito kay Kiel haha

"Ikaw talagang bata ka, mag - aral ka muna" sabi ni Curiel sa kanya

"Kahit kailan talaga ang Kill Joy mo ate" sabi ni April sa kanya haha

"Aba talagang sumasagot ka na huh" sabi ni Curiel at lumapit kay April akmang pipingutin ito

"Ate naman wag ganyan, nagbibiro lang naman ako eh" sabi ni April sabay layo at tago sa likod ko... Tinago ko naman siya kay Curiel haha

"Thalia ilabas mo yang batang yan at nanggigil ako sa kanya" sabi ni Curiel at ying dalawa naman tumatawa lang

Hayyyy ang saya talaga kapag may mga kaibigan kang handang umagapay at masasandalan mo kapag may problema ka... Nakakagaan sa pakiramdam...

Thankful ako kasi binigyan ako ng mga New Friends na katulad nila... ;)


****************************

Okay done Chapter 6... Thank you ulet sa mga nagbasa sa story na to hehehehe

Ayan may mga kaibigan na si Thalia, atleast ngayon may masasandalan na siya tuwing may problema siya...

Dedicated naman to sa mga kaibigan ko ulet haha kay bessy cessy hahaha PHG yung initials niya, yan na yung request mo hehehe tapos kay beshie din hehehe surprise yan na kasama ka dito hehe kung mababasa mo man to alam mo kung sino ka ACBG initials niya at siyempre kay Reyna hahaha thank you sa support hehehehe aysaka sa mga advices mo saken QAMG naman initials niya... Mahal na Mahal ko kayong lahat <3

Thank you ulet sa mga nagbabasa nito ;)

How Will it End?Where stories live. Discover now