Chapter 19: Cold Treatment

41 5 2
                                    

Chapter 19: Cold Treatment

His POV

Magtiwala ka lang Love... Im doing this for you... I love you so much...

Lunathalia's POV

Lumipas na ang tatlong araw... Tinatapos na namin ni ate andrea ang activity project na pinapagawa sa amin... Nakakatawa nga eh sabi kasi ni mom ay kahit anong topic daw kaya naman ang napilinnaming topic ni Ate andrea ay LOVE...

Speaking of Love... Simula ng simulan nilang gawin ni Lyrene at ni Kiel ang activity project nila ay hindi man lang nagpaparamdam o nagtetext sa akin si Kiel... Wala pa naman kaming pasok ng mga nakaraang araw dahil malakas ang ulan at may bagyo raw... Hayyy nagaalala na ako kay Love...

Di bale na magkikita naman kami bukas eh... Hayyy sana naman walang problema kasi naman nagsisimula na akong kabahan...






Sumapit ang gabi at hindi pa rin nagpaparamdam si Kiel... Ano na bang nangyari sayo Love? Ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan pero wala namang sumasagot... Love nagaalala na ako sayo. Nagsulat nalang ako sa secret notebook ko ng maibsan naman ng kaunti ang kaba at takot na nararamdaman ko...

Alam ko nagsisimula na,
Pero sana mali ako,
Sana tumupad ka sa pangako mo,
Sana lang hindi mo na ulit ako sasaktan,

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...







Nagising ako sa tunig ng alarm clock ko... Kaagad ko naman tinignan ang cellphone ko pero wala parin ni isang message o tawag... Love nagaalala na ako sayo.

Naligo na ako at naghanda para sa pagpasok... Pababa na ako ng hagdan ngayon oara kumain...

"Princess, nakabusangot ka?" Bungad na tanong nila kuya lezander sa akin

"Kuya kasi hindi pa nagteyext o tumatawag man lang si Kiel sa akin dalawang araw na ang nakakalipas kuya... Nagaalala na ako" nagaalalang sabi ko sa kanila

"Baka naman busy lang princess" sabi ni kuya lezander

"Hala! Dati kahit busy siya walang mintis ang text niya sa akin... Kuya nagaalala na ako" halos naiiyak ko ng sabi sa kanila

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, diba sabi ko sayo ingatan mo... Ayan tignan mo" sabi ni ate alex

"Stop! Lalo niyo lang dinadagdagan ang nararamdaman ni Thalia... Dapat pagaanin naten ang luob niya... Ikaw naman Thalia binalaan kita diba, pero hayyy kahit kailan talaga... Susunduin ka naman niya ngayon diba so magkikita na kayo manahimik ka na at kumain na" sabi naman ni kuya jared sa amin... Sabagay susunduin naman niya ako ngayon... Bakit ba nawala sa isip ko na sinusundo niya ako dito.

Natapos ang pagkain namin ng almusal at nagsialis na sila kuya at ate... Pero hanggang ngayon wala parin si Love malapit na akong malate...

Bahala na siya! Aalis nalang ako! Kung may problema siya edi sana sabihin niya hindi yung nagmumukha akong tanga sa pagaalala at paghihintay sa taong parang wala namang pakielam sa nararamdaman ko!

Inis akong bumaba sa kotse ng makaraing ako sa school... Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa room namin dahil 10 minutes late na ako... Kasalanan mo to LOVE ihhh I hate You.

"Miss Slanford, bakit ka late?" Bungad sa akin ni ma'am

"Im sorry Im late ma'am... Hinihintay ko po kasi ang sundo ko pero mukhang nahintay lang ako sa wala dahil mukhang kanina pa siya nandito" sabi ko nalang at umupo na sa upuan ko... Hindi man lang siya umimik kahit tignan ko siya hindi man siya tumitingin sa akin.

How Will it End?Where stories live. Discover now