Chapter 15: Sweet Travel
His POV
Hinding hindi na talaga kita uiwan kahit kailan Love... Mahal na mahal kita... At alam kong ganun ka rin...
Lunathalia's POV
Nakatayo kami dito sa labas ng villa na ginamit namin sa pag i stay dito sa beach resort nila Kiel... Magkakasamakami nila Ate Alex, Ate Andrea, Queen, Curiel, Ces at April...
"Ate Thalia kinikilig talaga ako" impit na tiling sabi sa akin ni April
"Luhhh bakit? Kanino" nagtatakang tanong ko kasi wala naman akong napansin na lalaking umaaligid dito sa batang ito
"Sa inyo ni kuya Kiel ate Thalia nakakakilig kayo" patili paring sabi ni April kaya naman natawa ako... May patalon talon pa kasi siyang nalalaman eh...
"Ikaw talaga April" natatawang sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa mga pinsan ko at kay Kiel na inaayos ang mga gamit namin sa sasakyan...
"Pero friend promise talaga nakakakilig kayo" sabi ni Curiel
"Oo simula ng maging kayo, hindi na nagtigil yang kasweetan niyo sa isa't isa" sabi naman ni Ces
"Kung dati na nanliligaw palang siya kinikilig na kami ngayon jusko halos langgamin na kami sa sobrang sweet niyong dalawa sa isa't isa" sabi naman ni Queen, napansin ko lang itong si Queen mas nagiging masiyahin na siya siguro dahil na rin sa basta hahaha...
"Oo princess, lalo na kaninang pumunta kayo sa dining area na nakayakap siya sa likod mo jusko lord hihimatayin ako sa kilig sa inyong dalawa" sabi naman ni ate andrea
"Tapos ate thalia nung kumakain kayo nagsusubuan pa kayo sa isa't isa tapos magtatawanan kakakilig kayo ate... Yung level ng kasweetan niyo eh yung parang kayo lang dalawa ang tao parang wala kami kanina" sabi ni April, totoo naman yung sinabi niya haha nakalimutan talaga namin kanina na may kasama kami si Kiel kasi eh...
"Huwag ka lang niyang sasaktan ulit princess baka kung anong kagawa ko sa kanya kapag iniwan at sinaktan ka na naman niya" sabi ni ate alex
"Sana nga ate pero nararamdaman ko na hindi na niya ako iiwan at sasakta ulit" sabi ko
"Sana nga Princess, sana nga" sabi ni ate alex at umalis na
"Naku! Princess hayaan mo na muna si Ate Alex alam mo naman kapag mainit ang ulo niya ganun talaga siya... Pagpasenyahan mo na" sabi sa ain ni ate andrea
"Okay lang ate andrea sanay na naman ako sa kanila" nakangiting sabi ko sa kanya...
"Tara na" biglang sabi ni Love na yumakap na naman sa akin mula sa likod ko...
"Sige tara na" nakangiti kong sabi sa kanya...
"Ayan na naman po nakalimutan na naman po nila na may kasama pa sila dito" pangaasar nila April sa amin... Oo nga pala kausap ko nga pala sila...
"Tara na kasi" pangaaya ko sa kanila...
"Sus kunwari pa haha" sabi naman ni ate andrea
Napansin ko naman na inaalalayan ni kuya dame si Queen... Habang si kuya Kio naman ay inaalalayan si Ces at si kuya mio naman ay inaalalayan si Curiel... Hmmm something is going on here...
"Sakay ka na Love" nakangiting sabi ni Kiel sa akin at inalalayan akong makasakay sa sasakyan...
Nang makasakay ako ay sumakay na din siya at sinara na ang pintuan van na sinasakyan namin at lumapot sa akin sabay yakap at subsob ng mukha sa aking balikat... Kumpleto na naman ang lahat ito ang puwesto namin mula sa likod
Kuya Kio - Ces - Curiel - Kuya Mio
Ate Andrea - April - Queen - Kuya Dame
Kiel - Ako
Ate Alex sa passenger seat at si kuya Jared ang driver"Ready na ba ang lahat" tanong ni kuya Jared sa amin at mukhang nahimasmasan na mula kanina...
"Yes Kuya" sabi ko...
At nagdrive na si kuya jared at napansin kong patingin tingin siya kay ate alex na ngayon ay nakatingin sa bintana... Ayan na sinasabi ko eh matapos nilang magbangayan magsusuyuan naman tsk tsk ito talagang mga pinsan kong ito... Bagay na bagay talaga sila kahit kailan... Team JaLex pa rin ako... Hinayaan ko nalang sila at tumingin na lang din sa bintana ng sasakyan at tinignan ang mga dinadaanan namin...
"Love? Inaantok ka ba" tanong ni Kiel sa akin... Tumango naman ako late na rin akong nakatulog kagabi diba tapos ang aga pa nila akong ginising...
"Dito oh higa ka sa balikat ko" sabi niya sa akin kaya sinunod ko naman ang sinabi niya... Hinahaplos niya ang buhok ko habang tahimik na kinakanta niya ang theme song namin, hindi kalaunan ay nakatulog na din ako at naramdaman ko nalang hinalikan niya ang buhok ko...
Nagising ako ng mapansing tumigil ang sasakyan...
"Kuya nandito na ba tayo?" Tanong ko kay kuya jared
"Wala pa princess, medyo malayo pa traffic kasi" sabi niya sa akin
"Okay kuya" sabi ko na lang sa kanya...
Napansin ko naman na nakayakap na sa akin si Love... Hinayaan ko nalang at nilibot ko ang aking paningin...
O to the M to the G! Ang sweet naman...
Nakadantay ang ulo ni Curiel sa balikat ni kuya Mio habang yakap yakap siya sa bewang ni kuya Mio...
Si ces naman ay nakadantay din ang ulo sa balikat ni Kuya Kio habang nakadantay naman ang ulo ni kuya kio sa ulo ni ces at magkahawak kamay pa ah...
Napatingin naman ako kanila kuya dame at queen na magkayakap... Nakadantay ang ulo ni Queen kay Kuya Dame habang nakayap ang kamay niya dito samantalang si kuya dame ay nakayakap ang kamay kay queen at nakadantay ang ulo sa bintana...
At mukhang nainggit sila ate andrea at april sa kanila kaya naman natulog nalang ang dalawa na magkadantay ang ulo....
Sabi ko na nga ba eh... May something talaga eh... Umalis kaming walang love life ang mga ito at mukhang babalik kami ng masaya ang buhay pag ibig nila... Hahaha
"Love, huwag kang mainggit sa kanila mas sweet tayo haha" biglang sabi ni Love na nanatiling nakayakap sa akin at nakapikit...
"Ito naman po, oo na mas sweet na tayo sa kanila" sabi ko at hinalikan siya sa noo sabay haplos sa buhok niya...
"Pero walang tatalo sa kasweetan ni Kuya Jared, tignan mo kanina pa niya inaayos ang puwesto ni Ate alex tapos hinahaplos niya ang buhok niya" sabi ni kiel sa akin, kaya naman napatingin ako sa kanila...
"Alam mo Love, parang hindi lang sila magpinsan sa mga kilos nila parang may higit pa" bulong ulit ni kiel sa akin
"Love hayaan mo na sila Kuya Jared at Ate Alex... Ganyan na talaga sila dati pa... One of this day sasabihin ko kung bakit okay" nakangiti kong sabi sa kanya
"Love parang may something kasi sila eh kahit na magpinsan kayo" sabi sa akin ni Kiel
"Love syempre ganyan talaga sila... Kahit sa harapan ng parents namin ganyan talaga sila... Kasi nga hayyyy" buntong hininga ko...
"Sasabihin ko sayo mamaya kapag nakauwi na tayo okay basta huwa mong sasabihin kahit kanino ahh, secret yun" sabi ko sa kanya
"Okay Love" sabi niya sa akin at niyakap muli ako ng mas mahigpit...
Kiel pinagkakatiwalaan kita kaya ko sasabihin sayo ang sikretong ito, tutal sasabihin na din naman nila ito next year once na mag twenty years old na si Kuya Jared...
****************************
Ayan na ang sweet na nila... Hahaha nakakabitter pero study first ako haha <3Ano kaya yung sikretong iyon na sasabihin ni Thalia kay Kiel? Kakacurious hahaha....
Thank you sa mga nagbabasa nito at nagvote sa story... Love You all <3
---> Miss H ;)

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...