Chapter 10: First Date

63 6 3
                                    

Chapter 10: First Date

His POV

Yes finally, pumayag na siya na ligawan ko... Malapit na ;)

Lunathalia's POV

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng pumayag ako na magpaligaw muli kay Kiel, hindi ko naman kasi mapagkakaila na simila ng mahalin ko siya ay hindi na kailan man nagbawasan ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya, sa katunayan ay sa bawat segundo, oras, araw, buwan at taon na lumilipas ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya at ako lamg ang nakakaalam nito...

Nang araw na sinagot ko ang tanong niya kung siya ba ay maaaring manligaw muli sa akin ay kaagad niya itong binalita sa mga magulang namin at talagang masaya ang aming mga magulang sa aming mga sinabing rebelasyon sa kanila...

Sa mga lumipas na araw walang palya ang mga sorpresa ni Kiel sa akin, kahit sa school hindi nito pinapalampas na pasayahin ako, kahit nasaan man ako palagi siyang nandyan para alalayan ako... Siguro nga tama ang naging desisyon ko na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon lalo na at ikakasal na kami pagkatapos ng kolehiyo.

Ngayon ito ako pababa sa hagdanan dahil Lunes na naman at may papasok na naman kami sa school... 

"Princess andyan ka na pala tara na kumain na tayo" sabi sa akin ni kuya Dame... Diba nasabi ko sa inyo na dito sila titira sa amin kaya ayan araw araw nakikita ko ang mga pagmumukha nila....

"Princess wag kang ngi-ngiti ng ganyan ang creepy" biglang sabi sa akin ni kuya Kio

"Huh???" Nagtataka kong sabi sa kanya

"Oo nga princess wag kang bigla nalang ngumingiti promise ang pangit mo, para kang baliw na naliligaw sa kanto" natatawang sabi ni kuya Mio

"Arrrgggghhhhhh kainis kayo mga kuya" naiinis kong saad sa kanila at isa isa silang sinabunutan.

"Magsitigil kayo! Ano ba? Ang aga aga nagaaway kayo?" Pagpapatigil sa amin ng matandang binata kong kuya na parang palaging may buwanang dalawa na si kuya Jared

"Kahit kailan talaga Red ang Kill Joy mo, hindi mo ba alam ang salitang nagaasaran?" Segunda naman ni Ate Alex sa kanya

"Kaya nga kuya ang KJ mo kahit kailan" pang aasar ko pa sa kanya kaso ang koya ko hindi ako pinansin dahil nagbabangayan na naman sila ni ate alex

"Anong Kill Joy ah? Baka ikaw yan Alex atsaka hindi ba tama ang sinabi ko na ke aga aga ang iingay ng mga to?!" Sabi ni kuya Jared sa kay ate alex... Naku po salubong na naman ang kilay niya...

"Ako pa ngayon ahh, kahit magsurvey ka pa diyan kung sino sa ating dalawa ang kill joy ang pangalan mo ang sasabihin nila... Kaya nga ang alam nilang spelling ng KJ ay J-A-R-E-D eh!" Muling sabi ni ate alex kay kuya, nagumpisa na naman po ang walang katapusang bangayan ng dalawa, kung hindi lang kami magpipinsan sa tingin ko silang dalawa ang magkakatuluyan... Sayang lang at magpinsan kami kaya walang pag asa ang aking Team JaLex for the win...

"Talagang hindi ka titigil, ano?" Mukhang napipikon na si kuya Jared tsk tsk

"Bakit? Palibhasa kasi matandang binata ka at palagi kang may dalaw kaya palaging nakabusangot ang mukha mo!" Muling sigaw ni ate alex sa kanila

Kami naman ay nagpipigil ng tawa hanggang sa sawayin na sila ni kuya Lezander...

"Kayong dalawa hindi ba talaga kayo titigil?" Sabi ni kuya Lezander sa kanila

"Manahimik ka!" Sabay pang sigaw nila ate alex at kuya jared, mukhang hindi nila napansin na si kuya lezander na ang kumausap at pumigil sa kanila.. Tsk tsk masama ito.

How Will it End?Where stories live. Discover now