Chapter 5: Dinner ★
Lunathalia's POV
Heto ako ngayon, nakasakay sa sasakyan kasama siyempre sila mom, dad at kuya... Hanggang ngayon di ko pa rin sila kinakausap, hindi naman ako galit nagtatampo lang kasi naman ipapaasal na ngalang nila ako sa taong pinakaiinisan ko pa...
Flashback
"Dad naman ipapakasal mo ko sa Kiel na yun? Sagad sa buto yung inis ko sa kanya... Alam niyo naman kung paano niya ako sinaktan diba!" Singhal ko sa kanila... Kasi naman nakakainis eh
"Baby, para sayo din naman ito eh" sagot naman ni dad
"Atsaka baby naman kahit na hindi mo sabihin kitang kita sa mga mata mo na mahal mo parin siya, kahit ilang beses mong sabihin na galit ka sa kanya taliwas yun sa sinasabi ng mata mo... Alam ko yun dahil mommy mo ko" sabi nama ni mom
"Ano?! Bat ba ang kulit niyo sabi ng hindi ko na siya mahal, pinagsisihan ko na minahal ko pa ang isang tulad niya" inis na saad ko sa kanila
"Ikaw kuya, papayag ka ba na ipapakasal nila ako sa taong ayaw ko?!" Dagdag ko pa saba harap kay kuya lezander... Wala naman siyang kibo pero alam ko na tutol din siya sa planong ito, ni wala pa nga akong eighteen may fiancé nako? Tsk Unbelievable!
"Basta anak tuloy na tuloy na yun, after graduation pa naman yun atsaka pinaplano palang di ka pa naman ikakasal bukas para magreact ng ganyan" sabi ni dad
"Ganon dad? Grabe naman KASAL KO ang pinaguusapan dito, buhay ko ang pinaguusapan dito... Gagawin niyong miserable ang buhay ko para lang diyan?! Di bale sana kung papatawarin lang sila sa lahat ng ginawa nila sakin kaya ko pang gawin at intindihin yun pero yung ganyang usapan, pasensyahan nalang dad pero ayoko!" mahabang lintaya ko sabay padabog na tayo mula sa kinauupuan ko.
"Papatawarin ko sila sige pero hinding hindi ako papayag sa kasal na sinasabi niyo! Nawalan nako ng gana!" Sabi ko bago pumanik papunta sa kwarto ko.
End of flashback
Kanina pa ako nilalambing ni kuya pero di ko siya pinapansin, nakakainis kasi na hindi man lang niya pinigilan itong desisyon nila dad.... Hayyyysssss kainis!
"Nandito na tayo, tara na siguradong hinihintay na tayo ng tita keisia niyo" sabi ni dad tanging irap lang ang sinagot ko sa sinabi niya
"Tara na princess" sabi ni kuya habang inaalalayan niya akong bumaba mula sa sasakyan
"Whatever kuya, nagtatampo parin ako sayo kasi wala ka man lang ginawa dito" inis na sagot ko sa kanya... Iiwan ko na sana siya kaso mo choice ako pinapayungan niya ako sumasabay talaga ang mga ulap sa pagdadrama ko... Tss
"Sorry na princess, ginawa ko naman lahat eh pero ayaw talaga ni dad" sabi niya with matching malambing pang boses huh
"You should've tried harder kuya" sabi ko sa kanya at binilisan ang paglalakad ng kaagad ng matapos ito.
"Goodevening Kiesia, Dave" sabi nila mom and dad sabay beso sa kanila
"Goodevening din sa inyo, namiss ko kayo ah" sabi ni tita keisia... Tss
"Si Dane na ba to? Habang lumalaki gumaganda huh" puri ni mom sa isang magandang babae siguro ito yung nakakatandang kapatid nung kiel na yun hayyy
"Naku tita mas maganda po kayo hahaha" sagot niya namn kay mom
"Aba ito na ba si Kiel huh? Lalong gumwapo itong inaanak ko mana talaga sa ninong haha" sabi naman ni dad kay kiel, siya gwapo malabo na ba mata ni dad??? Mabigyan nga ng eyeglass minsan
"Sa ninong talaga nagmana? Hindi sa ama? Teka ito na ba sila Lezander at Lunathalia? Aba't ang gwapo at ang ganda naman talaga" sabi ni tito dave dad ni kiel
"Naku tito matagal ko ng alam na gwapo ako" pahambog este pahumble na sabi ni kuya
"Kahit kailan ang kapal kapal ng mukha mo!" Singit ni ate dane
"Ikaw naman sabat ng sabat, ikaw ba kinakausap?" Singhal ni kuya kay ate dane
"Pake mo ba, eh sa naiirita ako kakapalan ng pagmumukha mo" sabi ulit ni ate dane kay kuya, hmmm I smell something fishy dito hahaha
"Aba't-" sasagot pa sana si kuya ng magsalita sila mom and dad pati narin sila tita at tito
"Tama na yan baka kayo pa ang magkatuluyan niyan huh" pangaasar ni dad sa kanila
"Hanggang ngayon ba naman di pa kayo nagkakasundo? Pinagsama na nga kayo sa ibang bansa para magkasundo tapos wala rin?" Sabi naman nila mom at tita keisia
"As if I care" sabay na sabi nila kuya at ate dane
Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa lumapit sa akin si tita keisia...
"Thalia, sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon, hindi ko naman sadya yun... Gusto ko lang lahat perfect sa mga taong mahal ko" sabi niya sa akin alam ko nararamdaman ko na sincere siya... Pero hayyyy sige na nga
"Okay lang pu iyon, kalimutan nalang po naten at huwag niyo po sanang uulitin sa iba kasi po wala naman pong perpekto sa mundo para hingin niyo para lang sa mga mahal niyo... Okay na po yon tita keisia" sabi ko sa kanya, niyakap naman niya ako
Nasa kalagitnaan kami ng pagdidinner, busy sila sa paguusap tungkol sa business hanggang sa mapunta sa usapang kasal kuno namin ni kiel...
"Dapat yung kasal nila pang wedding of the year diba" sabi nila mom at tita keisia
"Ako ng bahala sa titirhan nilang bahay nun" sabi naman ni tito dave
Hindi ko na kinayanan ang pinaguusapan nila kaya tumayo na ako
"Excuse po magpapahangin lang po ako sa labas" sabi ko tutal tumila na rin naman yung ulan, nagtataka man nila akong tinignan pero tumango nalang sila
Nagmumuni muni ako sa may upuan dito sa garden ng resto na pinuntahan namin ng may biglang tumabi sa akin... Tinignan ko kung sino siya... Si Kiel pala
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatingin parin sa mga bulaklak sa harapan ko
"Sinundan kita, gusto din sa kitang makausap" sabi niya saken kaya napatingin ako sa kanya
"Ano naman ang paguusapan naten?" May halong inis na sabi ko sa kanya
"Yung tungkol sana sa nangyari last time, sorrg sa ginawa ko nadala lang nanan kasi ako" sabi niya pero nanatili lang akong walang imik kaya nagpatuloy siya
"At isa pa yung dun sa sinasabi nilang kasal ano san-" -kiel
"Alam mo kahit kailan hindi ako magpapakasal sayo, okay na yung pinatawad ko kayo sa lahat ng ginwa niyo saken pero hinding hindi ako papayag na makasal sayo" sabi ko sa kanya at tatayo na sana ng hinwakan niya ako
"Alam ko naman na hindi ka talaga papayag, pero hindi ako susuko... Susuyuin kita, liligawan kita, at ipapakita ko sayo na tayo ang para sa isa't isa" sabi niya sa akin, tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa akin at naglakad na palayo...
Bakit ba palagi nalang niyang ginugulo ang isip ko? Nakakainis parang sirang plakang nagpapaulit ulit sa isip ko yung sinabi niya...
Pero hindi ako papatalo, susuyuin? Liligawan? Papatunayan? Tignan naten kung hanggang saan ang kaya mo Kiel
****************************
Okay tapos na yung Chapter 5 thank you sa mga kaibigan ko na nagbasa dito sa story na ginawa ko hahahaha... At salamat sa mga nagtry na basahin itong story na ginawa ko hehehe ★Dedicated tong chapter na to kay Ms. D, haha AMR initials niya dyosa daw kasi sya haha girl bestfriend siya ng kuya ko haha alam ko na kilala mo kung sino ka hehehehe ;)
YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...