Chapter 24: The Last Pain
His POV
Last night... Iyon ang pinakamagandang gabi ng buhay ko. Sana nga lang sa mga gagawin kong desisyon ay mapatawad niya pa ako...
Sana mapatawad mo pa ako Love, dahil mahal na mahal kita tandaan mo iyan...
Sana...
Lunathalia's POV
Nagising ako ng wala na si Kiel sa tabi ko... Ramdam ko pa rin ang epekto ng ginawa namin kagabi, for me that was the best night ever... I will never regret that I gave my first to the one that I Love...
Tumayo na ako para mag-ayos siguro pumunta na si Kiel sa sarili niyang kwarto kaya wala na siya... Kaya naman dumiretso na ako sa CR para gawin ang morning daily routines ko.
After 30 minutes Im done, nakasuot lang ako ng simpleng pastel pink na dress at doll shoes na cream... Palabas na ako ng kwarto ngunit naalala ko ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito sa side table... Sa ilalim ng phone ko ay may nakalagay na quote...
Hi Love! Kumain ka ng breakfast pagkagising mo okay! After mong kumain punta ka nalang sa room ko! I Love You so Much Always Remember thay Okay? See you Love...
P.S. Lastnight was wonderful, Thank You Love
-Kiel
N
apangiti naman ako sa nabasa ko, hayyy Kiel... Hindi ko talaga alam kung mabubuhay ako ng wala ka.
Kaya naman sinunod ko ang sinabi niya, kumain muna ako ng breakfast sa baba ng hotel at doon ko nalaman na iniwan na pala ako ng mga pinsan ko pati nila mom and dad... Nagiwan lang daw sila mg driver para sa akin. Kahit kailan talaga.
Papunta na sana ako sa room ni Kiel kaso nakatanggap ako ng text message galing sa kanya na nakaalis na daw siya at pumunta na lamang daw ako sa condo unit niya... Kaya naman pumunta na lang ako sa kwarto ko para kunin ang sling bag ko since inuwi na nila mommy ang mga gamit ko kanina...
Ngunit pagpasok ko sa may nakita akong box na nakapatong sa kama ko... Kaya naman nilapitan ko ito.
Hi My dear friend! Hope you like my gift for you... Always remember that If you a bitch well Im bitcher than You... You know who I am ;)
Yan ang nakalagay sa card at alam ko naman na galing sa traydor kong kaibigan ito... Kaya naman kinuha ko na ito at ang sling bag ko at ng makapunta na ako sa condo ni Kiel... Sa kotse ko na lamang ito titignan...
"Manong tara na po" nakangiti kong wika sa driver namin
"Sige ho Miss Thalia, Uuwi na ho ba tayo o may iba pa po kayong pupuntahan?" Nakangiting tanong sa akin ni Manong
"Sa Condo po ni Kiel Manong, may ibibigay lang ako sandali sa kanya" nakangiti kong sagot
"Sige ho, Tara na" sabi ni manong at pinagbuksan na ako ng pinto...
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Condo Unit ni Kiel ay unti unti kong binuksan ang maliit na box, na regalo sa akin ng napakabait kong kaibigan... Sayang ka tinuring pa naman kitang kapatid!
Mga pictures ang laman ng box na iyon... Nang una ay mga masasayang pictures namin ni Kiel kaya nakangiti ako, ang hilig naman niyang saktan ang sarili niya!
Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na litratong nandoon... Hindi ko na namalayan ang pagkuyom ng mga kamay ko at ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko... Pagbabayaran niyo ito! Magbabayad kayo...

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...