Hazzle's POV.
Hello there fellas!!!
Im Hazzle kianne Soriano.
Its nice to meet you, mabuhay!!Hahahaha...... enough of that silly introduction of mine.
Hmmm...makapag lipstick na nga ng makaalis na ako..
You know....
Working girl....
"Hazzle!! Bilisan mo nga jan at mauunahan nanaman tayo ng mga pa epal na yun! "
"Ano ka ba naman Yuri, kahit mauna sila dun mas maganda parin naman tayo no! "
"Ah talaga lang ah! Maganda nga tayo wala naman tayong trabaho! Bilisan mo na jan kundi iiwanan na kita! Kanina ka pa pabalik balik sa harapan ng salamin! "
Haaayyy... Ang talakera talaga ng kaibigan kong to! Daig pa si mama sa pag talak!
Inayos ko yung mga cosmetics sa bag ko and pinaligo ko yung pabango ko sabay umalis na kami
Sya nga pala para sa mas makilala nyo ako.. Syempre bukod sa name ko..
Ulila na ako..
Yung tinutukoy kong mama kanina ay yung umampon sakin simula bata ako.
Kung di ako nagkakamali ay mga 7 ako nung parang pusa akong iniwan sa park ng mama ko.
Ang papa ko naman ay isang OFW at nasa abroad sya nung niligaw ako ng mama ko kaya di na kami nagkita.
Wala na rin akong balita sa kanila at sa tatlo ko pang mga kapatid.
But everything happens for a reason nga diba.
Si mama Heidy ang naka pulot sakin.. May 3 syang anak na may Kani- kanilang pamilya na kaya kami nalang dalawa magkasama.
Si ate Hannah nasa Norway na nakatira.
Si ate Hillary naman nasa HongKong na.
At si kuya Henry naman nasa States.
Graduate ako ng Education pero hanggang ngayon parang nagdadalawang isip parin akong iwan si mama.
Sa Taguig kasi ang in-offer sakin na trabaho e hassle naman kung babyahe pa ako mula taguig hanggang tagaytay diba?
So for the mean time nag pa-part time ako sa isang Grill and Bar dalawang sakay lang ng jeep mula sa amin..
Di naman kalayuan sa bahay namin kaya hindi hassle.
Kaso ito nga ang problema.. May mga papansin kasi kaming mga staffs na kulang nalang pati pag lilinis ng buong store angkinin nila para lang mapansin sila ng boss namin kaya ang lumalabas tuloy.. Tamad kami kaya minsan binababaan ang sweldo namin napapagalitan pa kami.
Pero syempre... Tiis tiis lang..
Ayoko naman kasing umasa lang sa padala ng mga kapatid ko diba.
Ano to? Ampon na inutil pa???
Nakakahiya naman.
"Hazzle sa table 8 to at ito sa 24. "
"Opo chef! "
At magdamag yun lang ang ginawa ko.
Nag aasistNagse-serve
Naglilinis
Nagre-retouch
Nagse-serve ulit
Paulit- ulit lang...
Haayyy....nakakaagod.
Kaya ang sabi saakin ni mama..
Mag asawa daw ako ng mayaman.
Yung hindi na ako pagta trabahuhin kasi nga mayaman na sila
Haaayyy... Kung meron lang talagang isang lalaki nq papasa sa checklists ko at mayaman...
Siguro maglulupasay sa tuwa ang mama ko..
Hahahahaha.....
After ng work ay diretso uwi na ako para makapag pahinga na.
Tulog pa si mama ng makauwi ako kaya di ko na ginising.
Well dahil night shift ako umaga na ang uwi ko. Mga 6:00
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga na