(AN: This Chapter is Dedicated to a friend of mine. Hoy Benelen! O ayan may dedication ka sakin ah. ^___^
Okay enough of that. Lets go back to the story.. )..............................
That morning ay nagkaroon kami ng mga physical activities para naman daw pawisan kami kung kakayanin pa ng pawis namin na lumabas sa ganito kalamig na temperatura.
Yung iba nangolekta ng kahoy na pwedeng ipanggatong at yung iba naman nag prepare ng pagkain.Sila Kate naman at Yuri panay ang selfie! At itong si Seth.. Ayun! Nagluluto lutuan. Ewan ba jan at anong naisipan nya at nagluto sya. Alam ko kasi bartending, music and freehand drawing lang ang pinagkakaabalahan nya. Never ko pa sya nakita na nagluto.
"Seth kailan ka pa natuto magluto?? "
"Kailan lang din. Mapagisip isip ko kasi na mas attractive ang mga guys na marunong magluto kaya nag aral ako mag luto. "
"Ah..ganun pala. Ah sige dun muna ako sa may tent ko ah. May kailangan lang ako gawin sandali. hehehe... "
"Okay "
Pumunta na ako sa may tent ko.
Mas attractive ang mga boys na marunong magluto? Kaya sya nag aaral?..
Wish ko lang na hindi ako yung dahilan kaya nya yun ginagawa.
Mga ilang minuto din ako nagkulong sa tent ko.
Bigla bumukas yung tent at sumilip dito si Ate Hilary."Uy bakit ka nakakulong jan. Nasa camping kaya tayo. Lumabas ka nga jan at makihalubilo ka dito. Tara! "
"Okay.. "
Lumabas na ako ng tent.
Nagkayayaan na ring kumain after nun ay konting jamming. May lovers kasi na may dalang gitara kaya ayun kantahan to the max!Teka lang... Bakit parang wala si Aertheaur? Naka circle form kasi kami kaya kita ko sila lahat.
Nasaan kaya yun?.."Ate wait lang ah. "
"Saan ka pupunta? "
"May gagawin lang ako sandali. "
"Wag lalayo ah. "
Tumango lang ako at saka umalis na. Susunod pa sana sila Seth at Yuri sakin kaso pinigilan sila ni ate.
Nasaan kaya si Aertheaur??
Dumaan ako sa may tent nya kaso wala sya dun kaya naglakadlakad pa ako ng konti. Medyo mapuno na banda dito. Nasaan na kaya yun??
Lakad..lakad...
At ayun! Nakita ko rin sya sa di kalayuan. Nakatanaw sya sa mga bundok sa paligid. Lumapit naman ako sakanya.
"Hi Aertheaur..bakit nandito ka? "
Nang makalapit ako sakanya dun ko lang nakitang nakapikit pala sya. Yung dalawa nyang kamay naka pamulsa sa bulsa ng jacket nya tapos parang pinakikiramdaman nya ang paligid.
Bumuntong hininga sya.sabay mulat ng mga mata nya. Ako naman hindi ko maiwasan ang mapatingin sakanya.
Ewan ko ba.. Parang ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko sya."Im enjoying my own company. Ikaw? Bakit ka nandito?? "
"Ah! Ahh..ano.."
Bakit nga ba ako nandito?
Ah..siguro kasi hinahanap ko sya??.. E pano kung tanungin nya kung bakit ko sya hinahanap? Ano nalang sasabihin ko??..
Halaka!! Bakit ayaw mag function ng mga brain cells ko??!!
"Ah..like you.. I wanna enjoy my own company too then I saw you kaya lumapit na ako. Mukha kasing maganda ang view mula dito e.hehehe.. "
He smirks..pero naka smile parin sya.
Ang handsome nya pala ano??Uy walang malisya ah. Napansin ko lang. Peksman!
"Okay sabi mo e. "
"Bakit lagi mo yan sinasabi? Nagiging trademark mo yan ah.. "
"Ang alin?? "
"Yung 'sabi mo e..' "
May pag gaya pa ako ng boses nya.
"Co'z I respect your opinion. Kaysa naman kontrahin kita edi hahaba lang ang argumento natin. "
"Ah ganun?! So you mean pinagbibigyan mo lang ako?? Ganun ba yun?? "
"Simetimes it's better to give than to receive. Nakakagaan kasi sa pakiramdam yung kahit minsan nagbibigay ka. Hindi man nila naibalik sayo yung binigay mo atleast nagawa mo yung part mo, napasaya mo sila at napasaya mo ang sarili mo. "
"Teka.. Hugot?? "
"Sort of. "
"Humuhugot rin pala ang mga gaya mo ano? "
"Gaya ko? What d'you mean? "
"Yung mga gaya mo na parang laging seryoso sa buhay..parang bihira lang kasi kita nakikitang ngumingiti e. "
He took another deep breath.
" ang hirap pala ano??.. "
Napalingon ako sa gawi nya.
Nakatingin lang sya sa langit na parang gandang ganda sya dito.."Mahirap pala?? Ang alin?? "
"Yung humanap ng dahilan para ngumiti ulit.. Yung humanap ng lakas para bumangon ulit.. Parang sa bawat araw kasi na gumigising ako yung mga dahilan ko noon para maging ako ay unti unting nawawala..para bang sa bawat pikit ko ng mga mata ko isang dahilan ang nawawala at paubos na ng paubos ito. "
"Dahilan?..Madali lang naman humanap ng mga dahilan e. "
"Noon Oo. Pero ngayon wala na yung nagbibigay sakin ng dahilan. Hindi ko na sya makikita..maririnig..makakausap..o mahahawakan. "
Napatingin sya sa lupa. Pinipilit nya ngumiti. Ang lungkot lungkot ng mga mata nya to the point na damangdama ko rin yung sakit na bumabalot sakanya..
Para bang yung pinapahiwatig ng mga mata nya..
'Ayoko na..hindi ko na kaya.. '