Chapter 29: Fight for you.

8 0 0
                                    

Seth's POV.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Oo masokista mang matatawag pero ito talaga ang nararamdaman ko e.

Nakita ko at narinig ko ang mga pinaguusapan nila Hazzle kanina.

Mahal nya si Aertheaur pero ayaw nya mahulog ang loob nya dito dahil hindi pa ito nakaka move on sa ex nito.

So Seth! Tamang oras na para ipaglaban mo ang nararamdaman mo sakanya.

"Uy Seth! Uuwi ka na din?? " - Ate Hilary.

Napalingon naman si Hazzle sakin. Ngumiti lang sya tapos binalik na ulit ang pansin sa ginagawa nya

"Ah opo. Nag text din sakin si Chef Paul na nami-miss na daw nya ako e. Hehehe... "

"Si Paul?? Bakit ikaw lang tin-text nya?! Bakit ako hindi??. "

Nag pout pa si Kate. Hahaha.. Parang bata lang e

"Kasi pangit ka daw. Hahahaha- aray ko po! Ba't nambabatok jan?! "

"Hindi ako pangit ano! Hmppf!! "

Napaka sadista ng babaeng yun.

Doon na nga lang ako kay Yuri. Nasa may table sya at umiinom ng juice habang nakatanaw sa labas.
Umupo ako sa tapat na upuan nya para magkaharap kami

"Hi Yuri! "

"O Seth?!.. Mukhang masaya ka ngayon ah. "

"Obvious ba?..hehehe.."

"Inlove ka ano? "

"Noon pa naman ako inlove e. "

"Its your time to shine. I know nandon ka kanina. Nakita kita. "

"Alam ko. Ikaw pa ba?..e matang lawin ka.."



"So whats your plan now?? "






















"Liligawan ko na sya. "

"Sa wakas! Naisip mo din. Sana lang magawa mo yang mga sinasabi mo jan. "



"Pagkatapos ko marinig ang mga yun kanina? Ha! Naguumapaw na ako ngayon sa self confidence ano. "


"Good. Gawin mo yan ah! Dahil kung hindi ay talagang ia-upper cut ko yang mukha mo. "


Nagkwentuhan kami ng mga wala naman kwentang mga bagay. Mga ilang minuto pa ay lumabas na sila Hazzle, Kate at ate Hilary dala ang mga bag nila.

Kinuha ko yung malaking bag ni Hazzle. Ayaw pa nga nya ibigay kaso nagpumilit ako.
Naglakad kami papunta sa parking lot at pansin ko ang sobrang tahimik ni Hazzle. Hindi man nya sabihin ay bakas sa mukha nya ang lungkot.


"Hazzle!! Hazzle teka lang! "

Napalingon kami sa likuran namin.


"Uy Cameron.ikaw pala yan. "

Walang sigla nyang bati.
Napatingin naman samin si Hazzle.


"Ah..guys una na kayo. Susunod nalang ako "

"Ay hindi! " - Yuri

Isinabit ni Yuri ang shoulder bag nya saakin. Teka.. Bakit ang taray naman ata nya bigla.



" Mauna na kayo. Sasamahan ko kasi si Hazzle dito e. " - Yuri.

"Hala! Ako din! " - Kate.


" tsk! Mabigat na ang mga dala ko Kate. Tara na at kaya na nila yan. Bawal pa sayo ang mga ganyan at bata ka pa. "

"Hoy Seth! "

"You two. Sumunod na agad kayo dun ah. Tara na Seth at Kate. Aayusin pa natin yan sa van. "


"Opo! Uy kayo! Text nyo ko pag kelangan ng resbak ah. "

"Tsk!! Halika na sabi! "



Kinaladkad ko na si Kate palayo.

Her 100 Reasons WhyWhere stories live. Discover now