Cameron's POV
“ So wala talaga kayong ginagawang masama? ”
“ Wala nga. As I told you bigla tumalon sya sa bintana ko at nahulog sya sakin tapos dumating ka. Yun lang yung nangyari wala na. ”
Oo na! Ako na ang tamang hinala ng taon! E masisisi nyo ba ako? Kayo kaya lumagay sa posisyon ko kung anong iisipin nyo pag nakakita kayo na ganun?! Aber??!!
" kuya sorry ah. Akala ko kasi talaga sobra na kitang nap-pressure na mag move on kay ate Francine kaya nagawa mo nalang yung ano...yung...yun..alam mo na... Yung.....basta yun na yun.. Sorry talaga kuya.. "
" No worries. Pero dapat mag sorry ka dun sa babae. For sure galit na galit na sakanya yung kaninang sumundo sakanya dito. "
I hate explaining talaga! Pero ano pa magagawa ko e kasalanan ko nga naman talaga kaya nag kagulo kanina.
Nakakainis naman talaga oh!
..................
Third Person's POV.
Matapos makapag usap ng magkapatid ay sinamahan na ni Darren si Cameron sa Cottage nila Hazzle para mag explain about sa nangyari. Nang maka aalis naman si Cameron ay muling nagkulong si Aertheaur sa kwarto nya. Bigla nanaman kasi nyang naalala ang namatay nyang fiancé 2 years ago na ang nakakaraan.
Si Hazzle naman at ang mga kaibigan nya ay abala na sa pag iimpake ng mga gamit dahil nagkayayaan ng umuwi nalang. Bukod sa sobrang kahihiyan na ang inabot ni Hazzle ay wala naman silang balak na pauwiin ito mag isa kaya minabuti nalang nila na umuwi nalang din.
....................
Hazzle's POV
Wala naman ako gaanong dala kaya mabilis akong natapos sa pag iimpake at hindi ko na rin feel yung paligid kaya sumama na ako kay Seth sa parking Area habang chin-check nya yung Van.
Naupo ako sa loob at napa tingin ako sa cellphone na hawak ko.
Hindi ko na naisole ang Iphone nung lalaking highblood na yun dahil bigla nalang ako kinaladkad ni Yuri kanina.
Haayy.. Ang dami ko pa naman selfie dito kanina.
Oo na makapal na talagaang mukha ko. E na bored kasi ako kakahintay kay Yuri kanina kaya nag selfie nalang ako.
Ibabalik ko pa sana to bago kami umalis ni Seth kaso nahihiya ako. Matapos ng gulong ginawa ko baka ibaon ako ng magkapatid na yun sa mainit na buhanginan pag nagpakita pa ako sa kanila.
Haaayyy... Hazzle. Ano ba kasi laman ng utak mo at ganyan ka?! Ano nalang kaya ang ituturo mo sa mga studyante mo kung sakaling nagtuturo ka na? Naku!! Malamang matatanggalan agad ako ng lisensya.
" Hazzle. Mukhang malalim iniisp mo jan a. Tungkol ba yan sa kanina? "
Hindi ko na namalayan na nasa drive seat na pala si Seth. Lutang nanaman ako!
"Iniisip ko lang kasi..kung hindi kaya tayo nag inuman kagabi..mangyayari kaya ang mga to?? "
All of a sudden namula ang buong mukha ni Seth. Tapos gaya noon ilang nanaman syang tumingin sakin.
May mali ba sa sinabi ko?
" Seth ayos ka lang ba? "
"Ah..o-oo ayos lang ako.. "
"Sure ka ba?? "
"Ah..Hazzle...naaalala mo ba yung kagabi? Yung sa cottage? Yung nag iinuman tayo tapos may videoke. Naaalala mo?? "
"Actually I don't remember it clearly. Ang natatandaan ko lang naginom tayo,nalasing ako and yung kanina. Yun lang malinaw kong naaalala. Bakit.? "
"As in wala nang iba?? "
"Hindi malinaw e. Sumasakit ulo ko pag pinipilit ko maalala. Mahalaga ba yun? "
"Huh?? Ah h-hindi naman. Wag mo na alalahanin. Text ko na sila na pumunta na dito para makaalis na tayo. Excuse me lang ah. "
Bumaba na sya ng van.
Ang totoo nya ay malinaw ko natatandaan ang lahat. Pero ewan. Parang may kung ano ang nag udyok sakin na mag sinungaling kay Seth.Siguro kasi ayokong mag assume na may ibig sabihin yung ‘Hazzle I was made for you ‘
Nya kagabi. Friends lang kami ni Seth at gusto ko yun lang ang tumatak sa isip ko.Na friends lang kami.