Hazzle's POV.
Pangalawang gabi na namin to.
Haaayyyy.... Pangalawang gabi palang pero parang ang dami nang nangyari.
Gaya kagabi nagkaroon din kanina ng bonfire at pinalibutan namin ito at nag karoon ng konting kwentuhan. Medyo lumalalim na ang gabi kaya natulog na ang ibang campers.
Tulog na nga rin si Yuri e.
Pero ako. Gising na gising pa.
Iniisip ko parin kasi yung nangyari kanina.
First time na may umiyak na lalaki sa harap ko. Ganun pala ang feeling ano?
Yung parang gusto mo magpaka ate at yakapin sila hanggang sa tumahan sila.
After nya maging emosyonal kanina ay bumalik na kami at sya nagkulong sa tent nya. Hindi na rin sya nagkwento at ayoko narin naman syang tanungin sa kung ano pa man.
*guitar strumming *
Napabangon ako sa mattress.
Gitara yun diba??
Binuksan ko ng konti yung tent para masilip kung sino yung tumutugtog.
It was Seth.
Mag isa lang sya naka upo sa malapit sa bonfire at nag gigitara.
Mabuti nalang at nasa akin pa yung scarf at jacket ni Aertheaur. Ipinatong ko yung jacket nya sa patong patong na jacket ko at sinuot ko yung scarf na pinahiram nya. Sinuot ko rin yung bonet ni Seth. Tsaka ako lumabas ng tent.
Umupo ako sa tabi nya pero parang hindi nya ata ako napansin kasi naka pikit syang nag s- strum.
Ito totoo lang ah. Gwapo si Seth.
At kung liligawan nya siguro ako baka mawindang ako.
" ~ sana ay iyong naririning
Pusong ikaw lang ang pinipintig..
Tanging ikaw lang ang ligaya...~ "
"Hachoo!!! "
Napatakip ako sa bibig ko. Halaka! Nagulat ko ata sya.
Napahinto sya sa pagkanta at napatingin sakin"Oh?kanina ka pa ba jan? Bakit gising ka pa? Late na ahh.. "
"Ah..hindi ako makatulog e. "
"Ohw..p-pasensya na. Masyado ba akong maingay??. "
"Halaka hindi yun. Andami lang ng tumatakbo sa isip ko. Ikaw..late na bakit nandito ka pa sa labas? Ang lamig dito e. "
"Hindi rin ako makatulog e. Marami din akong iniisip. "
Nilapag nya ang gitara nya at ginatungan pa yung apoy para medyo lumakas pa ito.
Tapos may tinungga syang beer na hindi ko napansing nasa gilid nya
"May dala kang beer?? Bartender ka nga. "
"Gusto mo? Don't worry light lang yan kaya hindi ka malalasing jan. Hindi ka magwawala. Haha."
Inabot ko yung canned beer na binuksan nya at ininom ito. Ang sarap nung konting init na gumagapang sa lalamunan.
"Naku pinaalala mo pa. Syempre hindi na ako maglalasing no. Katakot takot na kahihiyan ang inabot ko last time na nalasing ako. Grabe! Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. "
"Yeah. Nakakahiya nga yun. "
"Seth?.. "
" Ihhmm?? "
"Bakit hindi ka lumapit kanina? Malayo pero alam kong ikaw yung nakita ko. "
Oo nakita ko sya kanina. Hindi ko pa nga sure nung una na si Seth yun kung hindi pa dahil sa suot nya dahil malayo sya mula samin.
Pinagtataka ko lang. Ang tagal nyang nakatayo dun hindi man lang sya lumapit samin."Lumapit? "
"Wag ka nga jan! I saw you. Nandun ka sa kakahuyan kanina. "
Parang nagulat naman sya na alam ko na nandun sya.
" ah! Ayun ba?? Ahh..wala iihi dapat ako kaso nakita kong nandun kayo kaya umalis nalang ako. Naghanap ako ng ibang puno na maiihian "
"Iww!.. Kadir dir ka! Kaya nasisira ang kalikasan e! Kawawa naman yung mga virgin na mga puno.. Nakatuklas sila ng hindi kaayayang pangyayari.... "
"Ahahahha....grabe ka naman! Alangan naman pigilan ko yun diba? Hahahaha... "
"Tsk! Ewan sayo. Kumanta ka nalang nga at makikinig ako sayo. Matagal tagal narin nung huli mo akong kinantahan. I remember yung kinanta mo nun e ' ordinary song'.. "
"Naaalala mo pa pala yun? College pa tayo nun ah.. "
"Syempre. Lahat ng importante sakin tinatandaan ko. "
"Wag ka nga magsalita ng ganyan. Pinapa-fall mo naman ako sayo e. "
"Hala hindi ah! "
"Mabuti na nga lang at hindi kita type. O sya kakantahan na kita. Ano bang kanta gusto mo?? "
Hindi nya daw ako type??
Lagi nya naman sinasabi yan pero bakit parang hindi naman ako naniniwala.Hindi naman sa pagmamaganda. Totoo lang talaga. Sa mga girls jan.
Diba minsan kahit hindi na sabihin ng mga boys na may something sila para satin ay na f-feel na natin o nas-sense.. Diba? May hula na agad tayo.
Haaaay.........naku ka Seth! Sakit mo sa bangs!
"Yung kantang alam mong hindi ko makakalimutan. At sa twing maririnig ko yung kantang yun ikaw agad ang una kong maaalala.... "
"Asus! Ayaw nalang sabihin na 'kung ako nalang sana ' yung tugtugin mo Seth kasi peyborit ko yun. Andami pang palusot e "
"Seth..seryoso ako. "
" sige. Makinig ka ng mabuti ah. Kasi ako, matagal na ding seryoso"
"Oi narinig ko yun ah. Anong ibig sabihin mo dun?? Ikaw ah... "
"Tsk! Wag kang feeling jan. Hindi kita type. O sya makinig ka na. "