Maaga pa lang ay umalis na kami sa bahay. Si mama naman ay nag bakasyon muna kila Tita Jenny kasama nung dalawang bata.
At kanina pag sakay ko ng van ay halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng makita ko sila Kate at si Seth. Oo si Seth
Binentahan pala sila ni ate ng ticket kaya ayun! Magkakasama kami sa iisang sasakyan. Mabuti na nga lang at napapag gitnaan namin si Kate.
Medyo naiilang parin kasi ako kay Seth e. Kahit gustong gusto kong mag ingay e hindi ko magawa dahil nahihiya ako kay Seth.Kainis! Bakit pa kasi nila kailangang sumama e! >_____<
Gusto ko sya kausapin pero ang awkward talaga sa feeling ko na he's around.
Sya kaya? Iniisip nya pa kaya yung nangyari nung sa beach?? Urgh!!! Nakakainis na talaga!
Nakikita ko sya sa peripheral vision ko at nakikita kong nagbabasa sya ng libro habang may nakasalpak ng earphone sa tenga nya.
Tactics nya kaya yun para makaiwas sakin??
Nyaaa!!! Mabubuang na ako dito!
"Ate Hilary pwede ba mag soundtrip? Nakakabingi kasi ang katahimikan e. Napagitnaan pa ako ng dalawang madaldal. "
Langyang Kate to! Sinabi ko ba sakanyang umupo sya sa gitna namin ni Seth??! Sapakin ko na to jan e!!
"Okay. May speaker ako dito oh. Connect mo Bluetooth mo jan. "
Ngiting aso naman si Kate ng iabot ni ate yung speaker nito sakanya.
" uy Kate! Ako yung pipili ng kanta ah! Baka sakaling matamaan ang mga nagtatahimik tahimikan jan..hahaha.."
" oo nga Yuri ano? O ikaw na pumili ng kanta."
—___–
Alam nyo kung anong kanta??
Everyday I believe
What I couldn't see
And before I knew
Darling I was made for you..
At hanggang sa nakadating kami sa location ay paulit ulit lang yung music. Ayoko naman kumibo dito sa kinauupuan ko at baka isipin nilang affected ako.
Well..affected nga ba ako??
Syempre hindi no! Ano sya sin-swerte??!
Alam ko naman na nangaasar lang sila e.
At kahit hindi magsalita si ate ay alam kong nage-gets nya kung anong nangyayari. Si ate pa! E napaka intregera nyan."Good morning guys! Before we proceed to our activity,let me first check our attendance. Syempre for our safety na rin. "
Tapos may pinaikot na papel at nilagay namin ang mga pangalan at contact number namin. Syempre incase of emergency narin. After nun tinawag ang mga pangalan at pinapila kami. Pinalagay narin samin ang mga protective clothings namin at nung na ayos na lahat nung nai-announce na lahat ay nag umpisa na kami umakyat ng bundok.
1 week pala kami tatagal sa bundok tapos 2 weeks sa isang beach resort malapit dito.
Ako,si Yuri, si Kate at si Seth magkakasama. Actually nasa likuran namin si Seth. Si ate kasi isa sa mga guide namin kaya nasa unahan sya.
Hindi pa kami nangangalahati sa pag akyat ay hiningal na agad ako.
"Go!Go!Go! Hazzle! Go Hazzle!! " - Kate.
Nagcheer ang loka kaya pinagtinginan kami nung iba at nginitian kami.
Walanjo! I hate this na!!"Stop it Kate! Nakakahiya ka na. " - ako
"Hindi naman ah. Chin-cheer lang kita. Pero kung ayaw mo edi wag. Hmffp! "
"Hmfp! Ka din! Bleeh! "
"Ouch!! Ahh! Ang paa ko!!
Hala! Si Yuri ba yun?
Agad kami nag silapit kay Yuri na naka upo sa lupa. Hawak nya ang paa nya at naiyak sya.
Medyo malayo na yung iba kaya hindi na nila narinig si Yuri.
" ano nangyayari sayo jan?? " - Kate
"Yung paa ko kasi e. Pinupulikat yata ako.. Huhuhu... "
"Wait tatawag ako ng tulong " - ako
"Wag na Hazzle. Bubuhatin ko nalang sya. "
O.O
"Seryoso ka Seth? E mabigat pa yan sa isang kaban na bigas! " - ako
"Inggit ka lang! Ako kasi bubuhatin ni Seth.. Ikaw pagod ka na pero hindi ka nya bubuhatin. Bleehh.. "
Ahh.. Gets ko na.
Gusto nila mag selos ako?? Pwes hindi sila magtatagumpay!Pinasan na ni Seth si Yuri na nagiinarte parin. Naku! Sarap hablutin ng buhok nya! Arte arte nito!
Isa pa ang Kate na to at nakuha pa makipag selfie sa dalawa.
Edi sila na bestfriends jan!
Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa maabutan ko na sila ate.
"Okay guys..tatawid tayo sa medyo maputik na daan..so mga boys paki alalayan nalang ang mga girls natin ah. Lets go na. "
Tss. Parang putik lang! Ang aarte ng mga ito!
Karamihan pa naman ay couples at ayun buhat nila ang mga girlfriend nila na parang pangkasal. Tss.. Sakalin ko kaya sila jan! Ang aarte nila! Never pa ba sila naputikan jan at ganyan sila umarte?! Hmffp!!"Need help? I can help you cross.. "
Isang cute na guy ang lumapit sakin at nakangiti pa. Mukha itong foreigner.
"Thanks but no thanks. I can manage. Besides Im not maarte. " - pagmamaganda ko
"O-okay..as you wish.. "
Tapos tumawid na sya sa putikan. Sumunod naman sila Yuri na naka pasan parin kay Seth.
Dinaanan lang ako at nag b-bye pa sakin ang walangyang babaeng yun!"Hi Hazzle! Walang magtaawid sayo? Ay! Si Yuri na pala ang kasama ni Seth ano? Paano ka na jan? Mapuputikan ka.. Diba ayaw mo ng putik kasi malagkit?? Paano na yan ngayon.. "
Naka pout pa ang loka loka naka bridal carry sa isang foreigner.
Tss.. Nakahanap agad ang lokaloka"Im not sensitive with dirts Kate. I can handle myself. "
"Ay ganun. Sige b-bye nalang sayo. Kita kita nalang tayo sa campsite ah. Bye bye.. Lets go na babe.. "
I just gave them a forced smile.
Babe?? Whatever!
Tsk! Paano na to! Bago pa naman ang sketchers ko. Bigay pa sakin ni ate Hilary to galing sa ibang bansa tapos puputikan ko lang.. Puting puti pa naman sya...
Paano na ako??..... Huhuhu.......