Hazzle's POV
"Kung ako nalang sana ang iyong minahal di ka na muling luluha pa..di ka na manganagilangan pang humanap ng ibaaaaaaa......ohhhh.... Narito ang puso ko... Naghihintay lamang sayo....ohhhohhhhhhohhhh....kung ako nalang sa----- "
"Hazzle!! Bumaba ka na at kakain na! "
"Opo ma! "
Tch!!! Yung ang ganda ganda ng emote ko sa harap ng salamin with matching hawak sa suklay as mic sabay may paiyak iyak pa na para akong nasa isang music video tapos biglang sumigaw si mama ng
"Hazzle!! Kakain na!! ".
Hindi rin bastos eh no??
" Hazzle! "
"Pababa na po! "
Eto na bababa na nga oh!
Si mama talaga...........
"Kamusta naman ang trabaho mo? "
"Okay naman po.. (Gulp) "
"E ano namang balak mo sa buhay mo? "
"Nagta-trabaho naman po ako ah.. (Gulp) "
"E alam ko. Ang ibig kong sabihin..ee..nasa tamang edad ka na naman...eeee...kelan mo ba balak mag asawa?? "
Yung mga pagkaing maayos kong nalulunok kanina ay biglang nagsibarahan sa lalamunan ko.
Hinampas hampas naman ni mama ang likuran ko sabay talsik ng mga bakabarang pagkain.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"O tubig! Ikaw talagang bata ka! Dahan dahan naman kasi sa pagkain! Para kang hinahabol e. "
Wow! Kasalanan ko pa?!
Ikaw kaya! Maayos kang kumakain sabay tanungin ka kung kelan ka mag aasawa?? Malamang bilaukan ka talaga ng bongga!
Tama ba naman kasing tanungin yun sa taong kumakain??!!!
"Ma?? Pinapalayas nyo na po ba ako dito???? "
Saba batok sakin ni mama. Nasapo ko nalang yung parteng nabatukan
Ang bigat talaga ng kamay ni mama ko
"Engot! Natural tumatanda na ako at ikaw din. Iniisip ko lang na baka tumanda ka nang dalaga! "
"Ma naman... Sabi nyo noon wag ko madaliin..tapos ngayon kulang nalang ibugaw nyo ako e.. "
And once again nabatukan ulit ako!
Ang sakit na ah!!!"Engot ka talaga! Kumain ka na nga lang jan ng magkaroon ka naman ng konting laman.. Parang isang pitikan ka na lang e. "
Hindi na ako sumagot. At tuloy tuloy na sumubo ng sinangag at itlog.
Ano naman kayang pumasom sa isip ni mama at naisipan nyang uduyukin akong mag asawa na??
............
"At the Bar. "
"Anoo??? Ayoko! "
Kung maka ayoko naman ang isang to! Akala mo naman sa sukdulan ako ng pangit!
Ang ganda ko kaya para sakanya!
"Pero...dun din naman ang punta natin diba.??.... Medyo excited na kasi si mama e...baka naman pwede nating agahan ng konti... "
"Hon..im not yet ready to settle down.. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.. "
"But hon.. We can do that together naman e diba? "
"But still I dont wanna get married this young. And besides... Lately I realized that were too busy to spend more time together.. So maybe we should give ourselves a second chance to be loved by someone we deserve better.... "
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.
3 years kaming mag jowa tapos biglang 'we should give ourselves a second chance to be loved by someone we deserve better....'
Ano?? Ganun ganun nalang yun??!
"Hon naman... Hindi naman kita pinipilit e.. Im just asking for your opinion.. "
"Hazzle....I want a break up. "
Ano?! Almost 3 years kami tapos biglang ganito??
I want break up??
Ano yun?! Lollipop na pag hiningi ng bata pwedeng dukutin mo lang sa bulsa mo tapos ibibigay mo na agad??!!
He's my first boyfriend!!! My first kiss!! My first in everything except for the *tooot...tooot* thing. Tapos biglang hihingi ng break up?!!
Naiinis na naiiyak ako pero pilit kong pinigilan.
"Bakit Jeremy?? Pangit ba ako?? Am I not enough??? "
"Not like that---- "
"Then tell me why??!! "
"I just.... I just..... Just...... D- don't love you anymore.. "
My wold suddenly shaken.
He don't love me anymore???Is this moving on ?????