Malakas parin ang buhos ng ulan. Mabuti nalang at sa batuhan kami naglagay ng tent kundi puro na kami putik ngayon.
Namatay na ang bonfire namin kaya dumilim lalo. Mabuti nalang at ka share ko sa tent si Yuri. May pang harang ako sa mga maligno. Hahahahaha
"Hazzle..may itatanong ako sayo ah...gusto ko sagutin mo ako ng diretso.. "
Hala! Ano naman kaya ang itatanong nya sakin at kailangan nya pang ipaalam ito??. Kinabahan tuloy ako bigla.
"A- ano ba yun Yuri? "
" may feelings ka ba para kay Seth? "
Teka.. Paano naman napasok si Seth??
Feelings? Tss.. Gaya nga ng sinabi ko hindi ako si wonderwoman para kayanin ang patong patong na sakit. Kakagaling ko lang sa isang relasyon at hindi pa ako handang masaktan ulit.
"Yuri alam kong hindi halata pero masakit parin sakin yung break up namin ni Jeremy. And about sa feelings?..ewan ko. Hindi pa ako handa para sa mga ganyan. Gabi gabi naiisip ko parin kasi kung ano kaya ang meron kami ngayon ni Jeremy kung hindi nya sinayang ang 3 taon namin? Naiiyak parin ako minsan sa twing naaalala ko yung masasayang araw namin. Hindi man halata dahil ayoko ipahalata. Pero nasasaktan parin ako. At hindi ko alam kung kelan ulit ako magiging handa. "
"Pero kahit ba minsan hindi mo nahalata na may gusto sayo si Seth? At take note.. Highschool palang pala tayo nung una syang magka-crush sayo. O kita mo yun! Napaka loyal sayo ng tao. Tapos mas pinili mo pang mainlove dun sa walang kwenta mong ex na pinagpalit ka sa isang model ng sardinas. "
"Matagal ko ng alam ang tungkol jan. Pero kasi minsan naisip ko na ang lovers pag naghiwalay na malabo ng ibalik ang dating closeness. Ayoko naman na dahil lang sa isang maling desisyon ay masira ang friendship natin nila Seth.. Ayoko na umabot pa sa ganun.. "
"So sinasabi mong isang maling desisyon kung bibigyan mo ng chance si Seth sayo? Ganun ba yun? "
Napaisip ako.. Yun nga ba ang ibig kong sabihin? Kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Mag bigti nalang kaya ako?? ^__^v
"Remember nung naginuman tayo?..hindi ko alam kung nagtutulog tulugan ka lang ba nung gabing yun pero alam kong narinig mo. "
"Huh? Ang alin? Yung kanta ba? "
"Hindi. Yung sinabi nya nung nagliligpit na kami. "
"Yuri wala akong maalala."
Promise! Peksman! Wala akong maalala.. Siguro nga ay tulog na ako ng mga oras na yun.
"Tss..tulog ka nga nun. Ik-kwento ko nalang sayo. "
"Ganto kasi..after ng inuman ay napagod na kami mag videoke kaya naisip na namin magligpit. Lasing ka na nga nun at naka ubob ka na sa mesa. Kunyari hindi namin alam pero pinagmamasdan namin nila Kate kung paano ka tingnan ni Seth. At dala narin siguro ng kalasingan nya.. May mga salita syang binitawan na hindi talaga namin in-expect na mang-gagaling sa kanya.. "
"Ano?! Anong mga salita? "
"Sabi nya..' Hazzle..alam kong wala akong pag asa syo dahil nasa iba na ang puso mo.. Pero Hazzle mula noon hanggang ngayon..ikaw lang yung babaeng nagpabago sa badboy na ito. Yung dating patapon ang buhay na lalaking gagawin ang lahat makapaghiganti lang..nagbago dahil minahal ka nya Hazzle. Minahal kita Hazzle at hanggang ngayon Mahal parin kita. Kahit siguro ilang beses kong saktan ang sarili ko okay lang.. Makita ko lang na masaya ka.. Kuntento na ako.. Nandito lang ako mag aantay sayo... ' "
O_____O
Mouth hanging open. Totoo ba ang lahat ng ito??
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Si Seth?? Nagbago dahil sakin??
My gosh.. Napaka sama ko!! Sakanya pa ako minsan nagtatanong kung ano ang magandang pangregalo sa lalaki..pati nga problema ko sa boyfriend e sakanya ko pa tinatanong tapos yun pala sa likod ng mga advices at ngiti nya ay nasasaktan na pala sya. Ang tanga ko para hindi maramdaman yun!!