Cameron's POV...
2 weeks ago ng makabalik kami ng Pilipinas nila kuya. Si mama naman susunod daw dahil kailangan nya pang magpaalam sa boss nya. Si dad kasi ay busy din kaya kami lang tatlo nila mama.
Ngayon nagb-browse ako sa internet ng perfect destination para kay kuya.
Naisip kasi namin ni mama na walang mangyayari kung hahayaan lang namin si kuya na mag mukmok dito sa bahay
"Kuya..ito kaya?? "
Iniharap ko yung laptop kay kuya pero walang reaksyong tiningnan nya lang ito.
Dahil sa mga gamot na in-inject sakanya kaya medyo nakakalma sya. Kailangan pa namin sya turukan ng pampakalma dahil napapadalas ang hallucinations nya.
Kaso kahit hindi namin sya bigyan ng gamot ay parang wala paring pinagbago.
Tulala lang sya..
Malungkot ang mga mata nya at parang wala syang naririnig at nakikita o nararamdaman..
Pero hindi kami susuko ni mama!
Gagawin namin ang lahat maibalik lang sa dati si kuya.Yung kuya ko na lagi akong sinasabihan ng panget at lagi akong sinasama sa mga adventures nya..
*doorbell *
"Wait lang Kuya ah.. "
Binuksan ko yung pinto.
It wae Darren. My boyfriend.
Sinalubong ko naman sya ng yakap. Almost 2 months din kami hindi nagkita dahil kailangan namin dalhin si Kuya sa states."Goodthing you came! I really need your help. "
Agad ko syang hinila papasok sa loob ng bahay.
Darren is one of Kuya's close friend kaya nga kahit may usapan kami na after college graduation ako dapat mag boyfriend ay pumayag syang ligawan ako ni Darren when I was in Highschool kasi kampante na sya kay Darren.
At dahil nga close silang dalawa. Si Darren ang madalas nyang sinasabihan ng problema nya at mas madalas pa syang makinig kay Darren kesa samin ni Mama.
"Kuya nandito si Darren .. "
"Hi bro! Kamusta ka na? Miss ka na ng tropa.. "
Tumayo si kuya sabay tap ng balikat ni Darren na parang sibasabi nyang ' feel at home ' at ngumiti na halata mo namang pilit lang.
"Kuya saan ka pupunta? "
"Im tired.. Matutulog muna ako.. "
"O-okay... Pero may napili ka na bang lugar for vacation? "
He just raised his hand na parang sinasabing ' quit talking. Im tired '
Haayyy...... Kailan kaya sya babalik sa dati?
"Buti hindi na sya nagwawala. " - Darren
"May times na sinusumpong sya. Kaya in-inject namin sya ng pampakalma. Good thing nga at medyo nakaka usap na sya e. "
"E ikaw..kamusta ka? Na miss kita pero parang di mo naman ako namiss.. "
Hala! Nagtatampo ba sya sakin?
Hahaha... Ang cute nya pala mag tampo!
First time kasi syang magtampo sakin e.
Lagi kasing sya ang umiintibdi sakin."Ofcourse I missed you. Ikaw pa ba??...oh wait!! I have an Idea! "
"Ano naman?? "
"Hmmm............ "
.............