Cameron's POVKanina ko pa kinakagat kagat yung kuko ko sa sobrang tensyon. Ano na kayang pinag uusapan nung dalawang ugok na yun?
Maya maya pa ay pumasok na sa kwarto ko si Darren. Blanko ang mukha nya.
Shit! Ayoko sa lahat yung natetense ako!
Mangangagat na ako ng tao nito!!"W-what happened?? "
"Pumayag. "
Yes!! Mabuti naman at pumayag sya! Akala ko pahirapan nanaman to.
Pero wait....
"E bat ganyan mukha mo? "
"Kasi... "
Kumunot na ang noo ko habang paikot ikot ang mga kamay ko at inaabangan sya mag salita. Tangna naman e! Ang bilis na ng tibok ng puso ko e!
"Ano nga?! "
"Basta kasama daw tayo. Kaya mag impake ka na jan dahil 7 na ngayon. Bukas na tayo aalis. "
(— _ —)
.....................
Hazzle's POV.
Tapos na ako mag ayos ng mga gamit na dadalhin ko para sa camping. Kaya nakahiga nalang ako dito sa kama ko ng maisipan kong kalikutin ang phone nung lalaking high blood.
Una ko tiningnan yung messages pero empty. Sunod yung images naman.
Sino ba ang babaeng ito? Girlfriend nya siguro to. Ang dami kasi nilang pictures together. And base sa mga litratong ito ay napaka saya nila pareho.
Pero bakit parang hindi ko naman napansin yung babaeng to doon sa resort?
Siguro di nya lang sinama. Ang bad nya naman.
Hmmmm...in fairness naman sa girl.. Talagang maganda sya.
Ang amo ng mga mata nya tapos parang pang indian yung kapal ng pilikmata at kilay nya. Mestiza ito at halata naman sa mukha at porma na mayaman.
E pero kung masaya sya sa lovelife nya..bakit iba yung nabasa ko sa mga mata nya nung nagkatitigan kami?
Bakit parang ang lungkot nya..
Para bang sobrang sakit ng nararamdaman nya..
Oh well.. Looks can be deceiving.. Malay ko naman diba.
Pero infair ah.. Ang gwapo gwapo nya.
Lakas maka Superman ng aura nya.Bigla naman ako nakonsensya.
Paano kung sobrang halaga sakanya ng phone nato? Naku paano nalang sya?.
Tiningnan ko yung contacts nya.. Anim lang??
Mom....Papa....Darren....Francine.... Cameron...
"Cameron? Parang narinig ko nga yung pangalan nato.. Ito na lang kaya.. "
I dialed the number on my phone.
Nagriring!
[Hello?? ]
"Ah..h-hello..is this Cameron?? "
[.....]
"Is this Cameron? "
[What you want kuya?? If you wanna talk to me,talk to me straight. ]
Nailayo ko ng bahagya yung phone sa tenga ko. Sigawan daw ba ako! Loko to ah!
"Ah..Si Hazzle to..ano-- "
[Wait..what?? Ano ka ng kuya ko?! Bakit nasayo ang phone nya??!! ]
Humigpit ang hawak ko sa phone.
Sapakin ko sya jan eh!! Hindi naman nya kailangan sumigaw eh!!!
" okay..kalma lang..ako kasi yung babae sa resort noon. Yung tum....tuma.....tu..."
Kailangan ko pa bang banggitin yung pagtalon ko??
Waaaahh!!! Nakakahiya...Kailangan pa ba??
[Miss..you're wasting too much of my time. ]
Malditang to!
Sabunutan ko sya jan e!!
"Er...nahiram ko kasi yung phone ng kuya mong high blood..e kaso kinaladkad ako ng kaibigan ko paalis ng beach house nyo kaya hindi ko na naisole. Naisip ko lang na baka masyadong importante ang phone na'to kaya isu-sole ko sana. "
[ Saan ko ba kukunin? ]
"Ah..Sa Grill and Bar nalang po dito sa may tagaytay. Malapit po sa may Mira's Hotel. "
[ K...I'll meet you by 7 tomorrow morning. Bye.]
"B---"
Bastos! Binabaan ako!
Humanda ka sakin tomorrow!