Chapter 12: The IPhone

6 0 0
                                    


Hazzle's POV







4 days na ang nakakalipas.

Haayy.. Pag naaalala ko ang mga kagagahan ko ay di ko maiwasang matawa sa sarili ko.
Ewan ko ba! Baliw na siguro yata ako e.


" Uy Anak bilisan mo naman ang lakad mo. Para ka namang pumu-prosisyon nyan e. "

Patakbo kong tinulak yung pushcart kay mama. Nag-grocery kami ni mama kasi uuwi si ate Hilary kasama ng dalawa nyang anak para dalawin si mama ganun na din yung negosyo nyang flower shop at sabi ay parang may fundraising silang gagawin ng mga kaibigan nya para sa isa nilang kaibigan na may depression yata yun?..

After namin mag-grocery ni mama ay naglinis onti sa bahay tapos tinulungan ko na sya sa mga ip-prepare nya bukas.

................

At the NAIA.

"Mama!! Hazzle!! Na miss ko kayo! "

Sinalubong kami ng yakap ni ate Hilary. Grabe almost 4 years na simula nung huli syang umuwi ng bansa. Nakakamiss talaga sya.

Sobrang close kami ni ate Hilary kesa kay ate Hanna. Medyo may pagka maldita kasi ang isang yun di gaya ni ate Hilary na parang tropapits mo lang.

"How are you guys? Oh I really missed you. Especially you mama. How's your medication? You Hazzle how's your career?"

Grabe naman si ate. Kakadating lang intriga na agad.

"Let's talk about it over lunch. Let's go home now,I cooked lunch and I can assure you that you'll missed this. "

Nasa kotse palang kami ay ang dami na naming pinag kwentuhan. Ang dami kasing kwento ni ate kay walang duda na madaldal din ang dalawa nyang anak na sila Hera at Zeus.

Sabay sabay kami kumain nung lunch tapos nag mall kami dahil sobrang hyper ng mga pamangkin ko na para bang hindi man lang nahilo sa byahe

"Tita Hazzle have you read the book of  ' The Painted Veil ' ?? "

Read? E hindi naman ako mahilig mag basa. Yung mga assignment ko nga noon kinatatamaran ko pang basahin e.

Bigla ko naman tuloy naalala yung lalaki dun sa beach resort. Remember..nagbabasa sya nung saktong pumlakda ako sa ibabaw nya...

Kamusta na kaya yun? Nasakin parin ang cellphone nya e. Siguro by now iniisip nya na na manggagantso ako. Na pumasok ako dun sa kwarto nya para dekwatin ang phone nya...

Hala! Wag naman sana.. Di naman ako mukhang mag nanakaw diba?..diba???

"Not yet. Im not into books kasi e. "

"Oh..thats my favorite novel..You should try it. "

Nginitian ko lang sya bilang sagot.
Walanjo! Daig pa ako ni Hera. Sabagay..bookish kasi yang si ate Hilary e. Dun nya siguro yun namana.

After namin mag mall ay umuwi na kami agad dahil sa wakas ay naka tulog na yung dalawang bata. Sobra na siguro silang napagod.
Bad trip pa dahil ako tuloy ang nagbitbit ng sankaterbang libro na binili ni Hera.

Nung gabing yun hindi makatulog si ate Hilary kaya inaya nya akong tumambay sa labas tapos uminom din kami. Nakita kami ni mama kay sinamahan nya na kami.

"Kamusta naman ang trabaho mo Hazzle? Sabihin mo lang sakin kung gusto mo rin mag abroad at ipapasok kita sa resort na pinagtatrabahuan ni Venus. "

Si Venus ang panganay na anak ni ate Hilary. Si Hera yung sunod tapos si Zeus ang bunso nya.

"Ayos naman po ang trabaho ko. Nothing to worry about. Besides ayoko naman iwan dito si mama magisa. "

"Sus kunyari ka pa bata ka! Pag sweldo mo nga lagi nalang mga barkada mo kasama mo gumala. "

"Mama naman.. "

"Mama naman ka jan.. "

Tapos yumakap ako kay mama na mukhang may tampong pururut sakin. Minsan ko nalang nga naman kasi sya nayayaya na mag mall.

"Haha.. Its nice to see you two like that. I remembered the day we saw Hazzle at the park. She don't want to come with us co'z she thought were going to hurt her..and now seeing you both this close really makes me think that we were really lucky to have such wonderful person like you. "

Natouch naman ako kay ate Hilary. Minsan lang kami magkasama pero grabe pala ang tingin nya sakin.

"By the way..may boyfriend ka na no? "

"Wala pa. "

"Bakit naman wala pa? "

"E kasi wala pa ang the one ko. Ang bagal e... "

"Asus! Sinungaling ang batang to. Kahapon lang nakita ko sa Cellphone mo na may picture ka ng lalaki. "

Huh?? Kelan pa ako nagkaboypren?! Wala ngang manliligaw boypren pa??

"Ano id-deny mo? Sige kunin mo yung Iphone mo at ipapakita ko sa ate mo ang mga picture na nakita ko "

Kahit kailan talaga napaka pakialamera ni mama. Napakialaman pa yata nya ang Iphone ni kuyang high blood.

Her 100 Reasons WhyWhere stories live. Discover now