Chapter 31 : Lois Lane

14 0 0
                                    



Agad kaming dumeretso sa Van. Wala dun si Ate kaya kaming dalawa lang. Sya na rin ang nag upo sakin sa loob at nagkabit ng seatbelt ko. Dama ko ang inis nya. Alam kong naiinis sya.

Padabog nyang sinara ang pinto ng maka upo sya.

"S-seth...w-wag mo na sana sabihin kay atde yung nangyari..please... "


Kinuyom nya ang mga kamay nya pero diretso lang syang nakatingin sa daan. Nanaig ang katahimikan sa loob ng van. Ayoko din muna magsalita dahil natatakot ako sa aura ni Seth.

Isang matalim na tingin ang ipinukol nya sakin at alam kong seryoso sya. Matagal na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang sya nakitang ganito.

Tsk! Hindi ko mapigilan ang mag tanong sakanya. Gusto ko malinawan kung ano ang nangyayari sa kanya.



"Seth galit ka ba?? "


"Damn Hazzle!! Bakit hinayaan mo lang sila na ganunin ka?! Bakit hindi ka lumaban at ipagtanggol ang sarili mo?! Bakit Hazzle?! Hindi ka naman duwag ah!..anong nangyari?! Bakit hinayaan mo silang pagkatuwaan ka dun?! "

Napalunok ako ng taasan nya ako ng boses. Hindi naman nya ako tinataasan ng boses noon e.

Ngayon lang.

"Hindi ko alam Seth..Nat-natatakot ako... "


Muling nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Hindi namin inalis ang tingin sa isa't isa. Maging ako ay nadadala na sa pagkainis nya. Bakit ba ganun nalang ang concern sya sakin?


"Natatakot ka??! Na ano? Na malaman nya na hindi mo pa sya nakakalimutan?. Na nasasaktan ka pa rin??.. Baka naman mahal mo pa sya??. Ano? Hindi ka pa nadala? Mahal mo parin kahit ginagago ka? "


Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Nabigla ako sa ginawa ko ng masampal ko si Seth.


"Seth.... Hindi ko sinasadya.."

Akala ko mag w-walk out sya. Pero akala ko lang yun. I didn't expect na ngingiti pa sya. Oo nakangiti sya habang nakahawak sa parteng nasampal ko.

Paano nya nagagawang ngumiti e nasampal ko na nga sya.


"Bakit ka naman nangingiti jan??..uy Seth sorry... Hindi ko sinasadya na sampalin ka.- Uy! Ba't ka ba nakangiti jan?? "


Ok nakangiti si Gago habang naka tingin sakin. Pati tuloy ako nangingiti din. Pareho kaming umiiyak at nakangiti.

Diba para kaming ewan?? Kanina lang nagsisigawan kami tapos ngayon tinatawanan namin ang isa't isa....

"Narealize ko kasing ang lakas ko maka Superman kanina. Pansin mo? Sinave kita sa Ex mo.. "


Huh?..may identity disorder ba sya? Talagang pumasok yun sa isip nya habang nagsisigawan kami??... Ibang klase...


"Huh? Pano naman nasali si Superman??.. Pero thank you kanina ah.. Kundi dahil sa ginawa mo baka hindi ako naka pagpigil kanina at naiyak ako dun.... "

"Lagi nalang ako nagpapaka superman sayo..tsk! Muntikan na ako mapaaway dahil sayo ah. Kung nagkataon mababangasan ang gwapo kong mukha nang dahil sayo.. "

"Tsss..gwapo daw sya. And FYI lang naman.. Hindi ko naman sinasabing magpaka Superman ka for me e.. Kung isusumbat mo lang sakin ang pagiging Superman mo edi wag mo nalang ako i-save. "


"Tsk! Hindi naman yan ang gusto kong marinig na sagot e. "



"E ano pala?.."



" hindi mo ba hihilingin sakin na maging si Lois Lane ka nalang??...kaya ko namang maging si Clark o si Superman para sayo e. Ang sakin lang hilingin mo lang na maging si Lois Lane at poprotektahan kita kahit sa ilang libong kryptonite pa yan. Hindi ako matatakot gaya ni Superman. Kung kinakailangan kong harapin ang mga kryptonite na yun ay gagawin ko maprotektahan lang kita. Ang hiling ko lang naman ay hilingin mo sakin na maging si Lois Lane ka at magpapaka Clark ako para sayo. "


Speechless..

Pati ang huminto kong luha kanina ay muling dumaloy.

Lois lane? Superman?

Ano ba ang sinasabi nya?

Ano ito?!..

Akala ko ba ako yung babaeng hindi papasa sa standards nya??..tapos ngayon hinihiling nyang hilingin ko sa kanyang maging si Lois Lane ako para sa kanya?...

Ano ba Seth??!! Naguguluhan na ako!


"Seth...ano ba ang sinasabi mo??... "


"Hazzle..bakit ang manhid mo?.. Hindi ba obvious? Inlove kaya ako sayo!.. Noong noong noon pa. Langya naman! Akala ko ba malakas radar mo sa mga ganito? Bakit hindi mo nahulaan na inlove ako sayo? Ano yun? Pagdating sakin manhid-manhidan ka?.. "

"Seth..diba sabi mo ako yung babaeng hindi papasa sa Standards mo? Sabi mo hindi mo ako type... "


" I lied. Everytime I said those things to you... I always Lied. "


" then make it clear now Seth. Wag mo na ako pahulain pa. Sabihin mo na nang diretso sakin ang gusto mo sabihin.. "



He lean closer to me and the next thing happen was unexpected.

We shared a kiss.



A kiss!













A gentle and sweet kiss.

Her 100 Reasons WhyWhere stories live. Discover now