Chapter 19: duck face

13 0 1
                                    




I am born to be a girls scout!


So nangolekta ako ng mga bato na pwede kong matapakan para hindi ako maputikan kaso hindi pa man ako nangangalahati ay umuga ang isang batong nilagay ko kaya nagmadali akong bumalik sa lupa.

Shit! Nasawsaw sa putik ang sintas ng sapatos ko.. Kainis! Ang dumi na tuloy..

Napatingin nalang ako kay Kate na nakatawid na sa kabila at nag flying kiss pa sakin.
Gago talaga!


"Ah..excuse me..dadaan kasi ako. "

"Ahw..sorry.. "


Tumabi ako sa gilid at tumawid na yung lalaki.
Naka cap ito pero nakita ko ang mukha nya ng dumaan sya sa harapan ko.

Wait... Parang kilala ko sya ah.


"Kuya wait lang! "


Nahinto sya sa paglakad at napalingon sakin.



"Ikaw! Ikaw yung sa resort diba?? Hi sayo!! "

Kumaway ako kaso ayun nagpatuloy sya sa paglalakad.

Abat! Hindi man lang ba nya ako tutulungan??


"Wait lang please! Please!!.... "

Medyo shaky na ang boses ko dahil konti nalang maiiyak na ako. Kasi naman. Ako nalang ang nandito. Mag didilim na kaya. Ayoko naman maiwang mag isa dito sa gitna ng gubat no!

Huminto sya.

Halaka huminto sya!!!!!



"What? "

"I..i need help.. I- I can't cross the mud. "

"Really? I thought you can handle yourself?? I thought you can manage??. "

Hala.. Narinig nya siguro ako kanina nung tinanong ako nung foreigner.

Pinagdikit ko yung pointer finger ko.at napayuko nalang.

"Kasi...kas--ahhyy!! "

Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya at bigla nalang nya ako binuhat na parang bagong kasal.

Grabe.. Parang hindi man lang sya nabibigatan sakin.

Ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya minabuti ko na lang na tumingin sa malayo para hindi ako mailang.

At sa wakas! Naka tawid na rin kami.
Binaba na nya ako at sabay na kami naglakad

"Uy thank you ah. " - ako

"Thank you din. " - sya

"Huh? Thank you saan? "

"For giving my phone back. It means a lot to me. So..thank you.  "

"Ah. Yun ba? Sus wala yun. Syempre hindi man akin yun kaya binalik ko. Hehehe.. "

"Yeah. Thank you again.. "

Sus yun lang kung maka tengkyu naman sya. Pero infair naman ah. Hindi nya nakalimutan mag tengkyu.  ^_____^

Pero wait.. Napapadalas ang encounter namin pero were still strangers in each other.

" I am Hazzle by the way. Ikaw? Ano pangalan mo? Parang napapadalas kasi ang meeting natin pero hindi parin tayo magkakilala. "


"Oo nga ano. Well my name is Aertheaur. "

"Nice meeting you Aertheaur. Medyo hawig kayo ni Cameron ano? "

"How did you know her? "

"Sakanya ko kasi inabot ang phone mo. "

"Ah.. Yung phone ko na puro selfie mo. May duck face pa nga e. "

O.o

Halaka! Hindi ko ba din- delete yun??!
Yayks! Nakakahiya na talaga ako! Nakita nya pa ang mga kabaliwan ko.

"Ah..eh..pasensya na ah..p-paki delete m-mo nalang ah..hehehe.. "

" okay. Sabi mo e. Pero photogenic ka ah. Mas maganda ka sa pictures kesa sa personal. "

"Hoy! Ikaw lang nagsabi nyan.. Itong gandang to?? Baka hindi mo naitatanong.. 2 runner up ako sa little miss pilipinas nung 8 years old ako."

"Eh? Ang bata mo pa nun ah. "

"Kahit na ba. E mula bata hanggang ngayon wala naman pinagbago mukha ko e. Im still young and fresh as before. O diba! "


"Okay.. Sabi mo e. "


"Hala bilisan na natin at mag gagabi na..baka mawala tayo sa pila. "

"Ah oo.. Tara! "

Sabay kaming tumakbo para mahabol namin yung pila.
Malayo layo na ang nalakad namin. Sandali lang kami nagpahinga para kumain tapos lakad na ulit. Habang papataas kami ng papataas sa bundok ay palamig na ng palamig ang temperatura kaya kanya kanya kaming labas ng jacket namin.

Mga ilang oras pa ng paglalakad ay sa wakas at nakarating din kami.

Grabe! Ang ganda!!!

Medyo makapal ang fog dito pero makikita mo parim kahit papano ang mga berdeng tanawin sa buong paligid. As in pure green lang..

Ang astig sobra! Nakaka amaze talaga!


" parang gustong kumislap ng mga mata mo ah.. Gusto mo picturan kita jan? May dala akong DSLR dito. "

"Talaga? S-sige.. Kung mapilit ka..hehehe..hindi naman ako choosy.. "

"Sabi mo e. "

*click *

*click*

*click*

*click*


"Oh tama na yan. Baka mag sawa na ang camera ko sayo. "

"Grabe ka naman.. Gusto mo ikaw naman picturan ko? "

"Ayoko. "

"Bakit naman? Camera shy ka?..pero hindi rin naman pwede yun kasi.... "

Teka...sasabihin ko ba..

Sasabihin ko bang napakialaman ko ang gallery nya? Hala! Baka ihulog nya ako pababa ng bundok pag nalaman nyang pinakialaman ko ang cellphone nya.

" Hoy Hazzle! Sino yan?? "


Papalapit si Yuri samin. Teka bakit sya lang? Nasaan kaya yung dalawa?

"Nasaan sila Kate at Seth?? "

"Tumutulong mag ayos  ng tent. Teka muna..sino nga sya.. Infair..gwapo sya ah.. "

Pabulong lang yung huli nyang sinabi sabay siko pa sakin.

" ah.. Aertheaur.. Sya si Yuri Grace best friend ko. And Yuri this is Aertheaur. Sya yung kapatid ni Cameron. "

Nanlaki ang mga mata ni Yuri. Well.. Sino ba ang magaakala na makakasalamuha ko ulit ang lalaking ito diba?




"Really?? Yung lalaking high blood na sinasabi mo sakin??? "










" lalaking high blood pala ah. "





Napa sapo ako sa noo ko

Paktay! Buking na..

Her 100 Reasons WhyWhere stories live. Discover now