Cameron's POV
2 Days na wala kaming imikan ni kuya. Simula nung makalabas sya sa hospital wala ni isa samin ang naglakas loob na umimik. Pati nga si Darren umurong na din ang dila.
Pero masisisi nyo ba ako kung nataasan ko sya ng boses? Syempre natakot ako e.
Paano kung nahulog talaga sya sa rooftop na yun?. Mabuti na nga lang at kinukumbulsyon sya nung araw na yun at nahimatay sya bago pa man sya makasampa sa terrace nung rooftop na yun.
"Bata hindi pa ba kakain ang kuya mo? "
"Bayaan mo nga sya Darren. May sarili syang utak, kamay at paa. Kakain sya pag nagutom sya. "
"Bata..galit ka parin ba sa kuya mo? Remember what I told you.. Walang naidudulot na maganda ang galit. Nakaka pangit pa yun.. Hala ka jan.. "
I glared at him. Aba't talagang iniinis pa ako nitong bata na to!
"Sinasabi mo bang pangit na ako? Ano?! "
"Huh? Wala naman akong sinasabi na pangit ka ah.. Ang sabi ko-- "
"Ganun parin yun! Ano?! Ayaw mo na ba sakin dahil pangit na ako?! "
He cupped his face tapos nag make face sya.
Ano naman trip nitong bata na ito?! Ang hilig nya talaga nyan. Kapag alam nyang galit na ako magme-makeface sya kasi alam nyang tatawa ako sa pagmumukha nya.
Kaya pinigilan kong hindi tumawa kaso nilapit nya ng nilapit ang mukha nya sakin kaya kitang kita ko yung pagkaduling duling ng mata nya..Gago talaga.ansarap batuhin ng kutsara!
"Alam mo bata..para kang tang-- "
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nya nalang ako hinalikan.
.........................
That afternoon ay nagmall kami ni Darren. Oo bati na agad kami. Halikan ba naman ako ng ganun kaaga.
Aarte pa ba ako?But well..yun na nga nagmall kami para magpalamig sandali tapos umuwi rin kami agad kasi walang kasama si kuya sa bahay. Paguwi namin hindi parin lumalabas ng kwarto si kuya.
Kumain na kaya sya??
Tch! Bahala sya sa buhay nya! Ano pagkain ba ang lalapit sa kanya?!
Dumiretso kami ni Darren sa kusina para magluto ng Italian spaghetti. Favorite kasi naming tatlo nila kuya yun e.
"Bata..nakita mo na ba ang post na'to ng group ng mama mo? "
"Hindi pa ako nagch-check ng account ko e. Bakit? Ano ba daw yan."
"May fundraising silang gagawin all around the world para sa mga victims ng depression. Meron din dito on 8 of November sa batangas. "
"Really..mukhang maganda yan ah. "
"Yes it is. Actually isa syang Hiking Camp for 1 Month...parang naisip ko kasi..bakit hindi natin papuntahin si Aertheaur dito? Besides its all about depression baka makatulong to sakanya. What d'you think? "
Napaisip naman ako sa sinabi nya.
Si kuya..sa bundok..sa camping..."Hindi ba delikado kung sya lang ang pupunta dun? Baka mamaya may kung anong mangyari sakanya dun..hindi pa naman alam ng mga tao kung anong kondisyon nya. "
"Problema ba yun? Edi sumama tayo. Wala naman masama diba. Besides..YOU need a break.lately masyado ka nang na s-stress this past few days..ano ba naman yung one month diba? You...and Me... Together.. Exciting diba?? "
Napataas ang kilay ko dun. May pin-point ba sya? Parang may something syang pin-plano ah..
"Naku ka Darren. Wag mo akong idaan daan sa pangiti ngiti mo jan! Gwapo ka at charming pero hindi tatalab yang mga ganyan ganyan mo.. Ikaw..kung gusto mo ikaw sumama kay kuya. "
" My Cameron..Cameron Deighniella Dawson.. Matatanggihan mo ba ang isang..Ako?? "
May pagpapa-cute pang apila nitong si Darren. Well sa tagal kong nawala noon para pumunta sa States ano ba naman yung 1 month na vacation with him diba? Makabawi man alang ako.
Lumapit ako sakanya at hinalikan ko sya sa cheeks.
"Matitiis ko ba naman si Raphael Darren Rivera na Boyfriend ko??.. "
Namula yung loko kaya para hindi ko makita ay pininch nya yung ilong ko kaya napapikit ako.
"Oh..sorry..K-kuha lang sana ako ng tubig. "
Kuya???
Hala! Nakita kami ni kuya na naglalandian!
"Pst..bata..ikaw na mag sabi. "
Bulong ko kay Darren."Huh? Why me? "
"Gusto mo mag away tayo ulit? "
"Ayaw.."
"Edi gawin mo. "
"Kas-- "
"Gagawin mo o gagawin mo? "
"Sabi ko nga gagawin ko. Pasalamat ka ikaw si Cameron Deighniella..Girlfriend ko. "
(>////////<)