Hazzle's POV.
It has been a week ago.
Nakapag pahinga na kami kaya time na para bumalik sa trabaho. Pag pasok palang namin ay sinalubong agad kami ni Chef Paul na hindi nakasama dahil sa dami ng gawain nya sa kitchen. Iniingit ingit pa sya kanina nila Yuri at Kate.
At yung tungkol samin ni Seth?...
Iii......kinikilig ako! ^___^
Well....hindi pa kami... Pero nagpaalam sya kay mama at ate kung pwede daw ba ako ligawan.
Aahhyy!!! O diba parang highschool lang!. Pero infair. Nakakatuwa at talagang desidido syang magpa-impress kila mama at ate.
" Hazzle may naghahanap sayo. "
"Kuya Max importante daw po ba? Dami ko pa ginagawa e.. "
Isinalansan ko ng maayos ang mga baso na pinunasan ko at kumuha naman ng tray at may mga ise-serve nanaman ako. Weekend kasi kaya ang daming tao. Ang daming trabaho.
"Naku Hazzle puntahan mo na yun."
Lumapit sakin si kuya Max at may ibinulong
"Mukhang Bigtime customer natin yun. Mukhang mayaman e... "
"Kuya!..wag ka nga ganyan. "
"O sya. Bahala ka kung ayaw mo. Sige at maglilinis pa ako ng mga table. "
"Okay po... "
Hayy..si Kuya Max talaga
Inabot ko nalang yung grilled chicken and beer na nasa kitchen counter at inilagay sa tray atsaka ako lumabas para mag serve. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin yung table. Ah..ayun pala
"Goodafternoon sir. Here's your grilled chicken and your two canned beers. Enjoy your dine in sir. "
Pabalik na ako ng maalala ko ang sinabing yun ni kuya Max. Inilibot ko ang paningin ko at isang babae ang tila nagrereklamo sa may counter.
Teka...si Seth ba ang kaaway nya?
Malayo layo sila sa private area kung nasaan ako ngayon kaya hindi na gaanong rinig ang usapan nila dito. Pero masyado na silang nakakaagaw ng pansin sa mga customers sa may bar place kung nasaan sila. Agad na akong tumungo kay Seth para tulungan sya sa tila nagrereklamong customer.
Naku! Mabuti nalang at wala ngayon si Sir Brandon dahil pag nagkataon bingo talaga kami neto!..
"Mahirap ba pinagagawa ko??!? Magbabayad naman ako sa oras nya ah! Bakit ba hindi nyo maintindihan na importante ito?! "
"Ah..maam sana po maintindihan nyo din po na sumusunod lang kami sa patakaran dito. Empleyado lang po kami at matatanggal po kami pag sumuway kami sa rules dito..pasensya na po talaga maam... Kung okay lang po lumabas na kayo kasi masyado na po kayo nakakaagaw ng atensyon. "
"Hindi ako aalis dito nang hindi ko sya nakakausap!..Nasaan ba ang manager nyo?! Gusto ko magreklamo sa assistance na ibinibigay nyo sa mga customers nyo dito?!!!.."
"Sorry po maam pero wala po ngayon si sir Brandon. Maam..please lang po umalis na po kayo. Kasi kung ipipilit nyo po yang gusto nyo ay mapipilitan din po kaming ireport kayo. "
"Go ahead!!.. Basta gusto ko ngayon ko sya kausapin!!.. "
Habang papalapit ako kay Seth ay humihingi na ako ng dispensa sa mga naka upo na customers na tila hindi na maituloy ang pag kain sa eskandalong ginagawa ng babaeng yun.
"Excuse me po. Ahh..maam masyado na po kasi kayo nakaka agaw ng atensyon.. Baka po pwede po kayong umalis na muna. " - ako
Napatingin naman sakin si Seth na di yata makapaniwala na nandito ako sa oras ng trabaho.
"Ba't nandito ka? "- Seth
"Tinutulungan ka.- ah..maam ano po ba ang-- "
Natigil ako ng nagsalita ito. Hindi ito nakatingin sa akin kundi sa name tag ko.
"So you are Hazzle?? "
"O-opo....."
Naluluha at hindi sya makapaniwala na ako si Hazzle... May issue ba sya sa pangalan ko??...
Nagulat nalang ako sa sumunod nyang ginawa.
Hinigit nya ako at niyakap ng sobrang higpit. Hindi naman ako makapalag dahil sa gulat. Mabuti nalang at hinila ako ni Seth.
Umiiyak sya ng magtama ang mga mata namin. Sino ba ang babaeng to?... Bakit sya umiiyak??..
AN:
Hi readers! I would like to apologize about the slow update. Busy kasi sa school works and minsan ayaw mag function ng utak ko kaya pasensya na talaga.
You are free to post a comment po. And if you have suggestions just let me know.Pramis po! Pag tapos ng thesis mag update po ako every week. ^____^
Thank you po sa matyagang pagbabasa!
- MsSlntKllr