Chapter 24. : The best friend's Pain.

9 1 0
                                    

Seth's POV.





Isang mainit na likido mula sa aking mata ang tuloy tuloy na gumagapang sa aking mukha.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Nakakuyom ang mga kamay ko at bigla akong napahinto sa paglakad.







Bakit ba ako nasasaktan?











Lagi naman itong nangyayari sakin e!! Bakit hanggang ngayon hindi parin ba ako sanay????





Akala ko noon kaya ko na. Na hindi na ulit ako masasaktan pag nakita ko sya sa iba.







Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?






Bakit parang gusto ko syang lapitan at yakapin at sabihin sakanya kung gaano ko sya kamahal.



































Bakit ba kasi mahal na mahal ko sya???
























Ang sakit na e!!















Lagi nalang ako naghihintay na lingunin nya.

Lagi nalang akong naka tingin sa likod nya habang sya nakatingin sa likod ng iba.





Tanga tanga ka naman kasi Seth!! Kung hindi mo kasi sya sinundan edi sana hindi mo to nakita!!

Edi sana wala kang alam.


Ayos lang naman e.










Okay lang. Kasi sanay na ako na hindi ako ang pinipili nya.

Sanay na ako na nagpapanggap na may kapansanan kahit na ang totoo ay malinaw kong nakikita..naririnig pero hindi ko masabi at magawa.



Ayos lang na masaktan.



Choice ko to e.













Mahal ko sya e.


Kaya kahit masakit. Kahit magmukha akong tanga.. Wala akong pakialam kasi nga mahal ko sya.















Mahal ko yung taong may mahal na iba.



















Tama na ang pag torture ko sa puso ko. Baka hindi nya na kayanin kaya pinilit kong ihakbang pabalik ang mga paa ko at pinunasan ko ang mga luhang naguunahan sa mukha ko.

Huminga ako ng malalim.

Hindi pa dito nagtatapos ang sakit.

Alam kong may susunod pa.

Pero sa ngayon.. Ipapahinga ko na muna yung puso ko.



Para kasing hindi na nya kaya.









Natatakot ako na baka dumating yung araw na yung durog kong puso na pilit kong binubuo mag isa ay maabo nalang bigla.




















" S- Seth?? A- anong nangyari sayo?? May problema ka ba??..nasaan si Hazzle? Nahanap mo ba sya?? Teka...nasaktan ka naman ba nya?? Teka pupuntahan ko sya..nandito ba sya ha??! " - Yuri.




Hinawakan ko ang braso ni Yuri para pigilan ito sa binabalak nya.


Ayokong malaman ni Hazzle na nakita ko yung mga nangyaring yun.














" wag mo na muna sya puntahan. Please.. Ayoko malaman nyang nakita ko sila. Please. Yuri..kahit ngayon lang. Magpanggap kang wala kang alam. Wala kang nakita. Please.. "


















"Seth...mahal mo sya..ipaglaban mo sya...sabihin mo sakanya..Seth hindi laging maghihintay ka nalang. Hindi naman pwedeng nasasaktan ka nalang at magpapanggap. You deserve to be love. Aminin mo sakanya ng sincere yang laman ng puso mo tsaka ka mag desisyon. Kung ipagpapatuloy mo pa ba o tama na. Ang importante ay malaman nya. "
































"Para saan pa Yuri? Masaya na sya. At masaya na rin ako pag nakikita ko syang masaya. Sapat ng alam nya na ako si Seth na hindi sya iiwan kahit anong mangyari. Si Seth na pwede nyang takbuhan at pagbuntungan ng galit. Si Seth na kaibigan nya. Si Seth na masaya tuwing nakikita syang masaya. "



























"Hahayaan mo nalang na hanggang ganun nalang???... Walang mababago kung wala kang gagawin.. "




















"Minsan sapat ng alam mo nalang sa sarili mo yung mga bagay na hindi na dapat malaman pa ng iba. Minsan mas okay ng nasa likuran ka nalang. Para kung sakaling matumba sya ikaw yung unang makakasalo sakanya. "











Ako ...

Ako yung nasa likuran na laging sumasalo sakanya.

At sapat na sakin na saluhin sya twing hindi nya na kaya....































...................

Not so important Note from the author.

Medyo emotional po ang takbo ng kwento dahil napaka emotional din ng author nyo.
Nabiktima kasi ng heartbreak e. Iniwan ng perstlab nya.
Ayun tuloy! Nadamay ang mga bida sa kwento.

Sa lahat ng fans ng pikamamahal kong LinkinPark. This isn't the end.
He's music will always be in our hearts. He will always be remembered. Chester Bennington will always be a part of our music.








-MsSlntKllr.




Her 100 Reasons WhyWhere stories live. Discover now