ACE POV
HABANG papunta kami sa bahay, medyo madilim na ang paligid dahil siguro gubat ito. Pero sanay nanaman ako, iba nga lang ang ihip ng hangin ngayon masyadong malamig
At nakakatakot.
''ang lamig naman''angal ko kay gill
''malamang pagabi na'' sarkastikong sambit nito.
Hindi ko nalang ito pinansin at nagderetso sa paglalakad
LUMIPAS ang isang oras na paglalakad na halos maubos na ang aking hininga sa pag lalakad hanggang sa narating rin naming ang bahay
*BOOOOOGGGGHHHHH*
Isang kalabog ang narinig ko sa loob, biglang kumabog ng mabilis ang puso ko, napatingin ako kay gill na nakatingin din saakin
Sabay naming ito pinasok at nagulantang ako sa aking nakita
Isang babae ang nakatayo at sira ang ilang gamit na nakatabi dito.Nakasuot ito ng itim at mahabang hood at puting panloob
Nakakatakot ang berde nitong mga mata at napakaganda ng blonde nitong buhok.
''s-sino ka?'' sambit ko dito pero tanging malamig na titig lamang ang ibinigay nito saakin. Nakaramdam ako ng kakaiba.
''nyx a-anong ginagawa mo dito'' sabi ni gill dito.
Tama nga ang hinala ko. Hindi sya tao. At kilala sya ni Gill
''kilala mo sya'' ako naman ang nagtanong pero tila bingi ito na hindi narinig ang sinabi ko bagkus inutusan nya pa akong pumasok sa kwarto ko na agaran ko namang sinunod.
''sige maiwan ko muna kayo''sabi ko bago ako pumasok sa kwarto
Nakaramdam nanaman akk ng lungkot. Kapag mag isa ako sumasagi sa isip ko ang pamilya ni Gill. Alam kong meron syang pamilyang naiwan sa mundo nya at natatakot akong ako ang dahilan ng pangungulila nila. Parang hinildi ko kakayaning tignan sula sa kanilang mata.
Pero hindi ko ring kayang mawala si Gill sakin. Ako nalang at sya ang meron sakin. Ayokong pati iyon mawala. Kami nalang dalawa ang magkapamilya. Hindi ko kayang pawiin iyon.
GILL' s POV
''UULITIN KO NYX, ANO. ANG. GINGAWA. MO. DITO'' madiin ngunit mahinahon kong sabi sa kanya
''alam mo ba ang ginagawa mo, nagtago ka saamin ng labing pitong taon '' sabi nito na inirapan ko lang
''so what? mabuti pa bumalik ka na sa mundo mo''tinalikuran ko na sya at akma na sanang aalis pero nagsalita syang muli na nakapagpatigil saakin.
''MUNDO NATIN GILL, wala ka bang nababalitaan tungkol sa mundo natin, Sa mundong kinalakihan mo ha?? Alam moba ang nangyari sa loob ng labing pitong taon na wala ka''sabi nito saakin ng pagalit
BINABASA MO ANG
BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
FantasyRank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one "...