Chapter 29

5.3K 130 3
                                    

Kurinai POV

Ilang araw na ako dito sa may puno kung saan tanaw ko ang dorm nya pero di ko parin sya nakikitang lumabas. Bakit kaya?

Mula sa malayong parte ay nakita ko ang dalawang babae. Itim ang buhok nila at papunta sa bahay si azul.

Asan kaya sya?

" hoy unggoy!!!" muntik na akong mahulog nang sumigaw yung nasa baba at nung nilingon ko'y yung dalawang babaeng papunta kayna azul. Para silang hangin sa bilis. Pero paano nila nalamang nandito ako.

" ako ba?!" tinuro turo ko pa ang sarili ko.

" may iba pa bang naririto?" nakataas ang kilay ng isa sa kanila. Nakakatakot sya kesa dun sa isang kasama nya na mukang anghel na halata ang karangyaan dahil sa burloloy sa katawan.

" sino ka at bakit nakatingin ka sa dorm ng kaibigan namen?" sabat ng anghel na katabe nung demonyitang babae. Pati boses nya malambing.

Bumaba ako para makapagkilala

Yumuko ako na tili isang hari.

" ako nga pala ang pinakagwapong nilalang na makikita nyo sa talambuhay nyo. Kurinai ang ngalan ko at pede nyo naman akong tawaging mahal o kaya sinta di kayay babes, hon, darling---aray ko!!!!" tingnan ko ng masama ang demonyitang babaeng toh. Kababaeng tao ang lakas manuntok. Napahilot ako sa panga ko. Sakit nun ah.

" ang sabi ko anong ginagawa mo at nakamasid ka sa dorm ni ace?! Ano ispiya ka ba?!" hinawakan nya ang kwelyo ko at walang kahirap hirap na isinandig sa puno. Malapit ang muka nya kaya napuna ko kaagad ang magandang itsura nya. Maputi sya, matangos ang ilong, ang labi nya hindi ganun kapula dahil may orange na kulay ang inilagay nya. Wala syang kaayos ayos sa muka at walang mga abubot na nakasuot. Nakakunot ang noo nya at magkasalubong ang kilay. Maganda sya....

"---arayyyy!!!" napahawak ako sa ulo ko ng sinuntok nya yun. Para akong mawawalan ng malay dun. Maganda nga may saltik naman yata.

" kanina ka pa ah. Sobra ka na--- hindi na" napalabi nalang ako. Ang malas naman ng lalaking mapapangasawa ng demonyitang babaeng ito.

" sino ka at anong ginagawa mo dito. Hindi ka tagarito lalake!" singhal nya

" kurinai ang pangalan ko. At may kapatid ako rito. Taga Binersan Akademya ako at kaibigan ko si azul yung blue ang buhok na nakatira dyan matagal na kaseng di lumalabas eh" mabilis pa sa alas kwatrong sabi ko dahil baka masuntok na naman ako ng amazonang ito. binitawan nya na ako pero nakakunot parin ang noo. Tumalikod na ito at naglakad.

" pasensya ka na kay zoria, kurinai, ako nga pala si xena" sabi nung babaeng kasama ni amazona kumaway pa ito bago maglakad.

Napahawak ako sa batok ko. Nagtataka talaga ako. Paanong naging magakakaibigan ang tatlo?! Si azul na simple. Si xena na elegante at si zoria na amazona. Napakamot ako sa ulo ko. Bakit nga ba pinoproblema ko pa ang problema ng iba? Aishhhhh.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa may bandang battle field. Napakunot ang noo ko nang may lumabas doon na itim na usok. Kakaiba ang naramdaman ko. Nagbago ang atmospera ng paligid at nagsisimula nang umingay.

But there i saw him. My brother.

Ngayon na ba?

Napapikit ako.

Ayoko ng mga susunod na mangyayari. simula nang makilala ng kapatid ko ang babaeng yun tuluyan na syang nagbago. Tuluyan ng naging desperado.

Dapat bang tulungan ko sya
O tulungan ko sila.

Umakyat ako ulit sa puno.

Napasabunot nalang ako ng buhok ko habang pinagmamasdan ang pakikipaglaban ng mga nilalang ng Zapiria Ford Academy.

BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon