Ace Pov
This is so frustating. I need to go to Binersan.
But before that i need to look to that f*cking map.
Before i can go to that hidden map location, i need to go to Trio-Gamblers Brother.
Kailangang mahingan ko sila ng tulong para makuha ang susi ng pinto papasok sa Vint kung saan naroroon mahahanap ang mapa, papasok sa Binersan.
At kung papaano ko nakuha ang impormasyon sa lahat ng kailangan kong gawin. Dito lang naman sa nakataling Goblin sa harap ko na balak pa akong nakawan ng dala samantalang libro at kwintas lang naman ang laman ng bag ko.
" Siguraduhin mong hindi mo ako pinagloloko ah. Pag mali-mali ang impormasyong nakuha ko sayo tutustahin kita. Intinde?!" Mabilis na tumango ang goblin bago nagpapalag. Hanggang tuhod ko lang ang batang goblin at magaan lang sya kayat binitbit ko sya na parang bag. Nagkakakawag parin sya kaya itinaas ko sya sa ere
" Ano bang kailangan mo. Hindi kita pakakawalan hanggat hindi ko nakukuha ang mapa" Gumusot ng muka nito
"Gutom na ako" Napakamot ako sa batok.
" Nasaan ba ang magulang mo at hindi ka pinapakain"
" Pakawalan mo nalang ako, wala naman akong nakuha sayo e" Sabi nito at Nagkakawag pa ito.
Ang cute nito sa totoo lang. Meron syang makinis na balat at mahabang puting buhok na naka-braid pa. May symbol na dahon sa noo nito. Ibang iba ito kesa sa imahinasyon ng tao. Kakulay ito ng tao pero ang taynga nito ay parang sa dwende, may cute na lips at ilong at may buntot.
" Ibabalik kita sa magulang mo pero tulungan mo muna ako" I tap his head and carry him again.
" Wala akong magulang, wala akong pamilya at wala akong balak na tulungan ka. Pakawalan mo nalang ako pwede ba" I pause at what he said
" Ako rin" Tumigil sya pagpadyak
" Huh?" Pinilit nyang humarap saakin pero hindi ko iyon hinayaan
Nagpatuloy akong muli sa paglalakad
" I dont have a family" Nakakalungkot man na katulad nya rin ako. Wala akong pamilya na naghihintay sa pag uwi ko
" Hindi kita naiintindihan. Anu yon?!" Napangiti ako sa sinabi nya.
" Wala rin akong pamilya kayat bagay tayo diba. Kaya isasama na kita cutie-goby"
" A-A-anong tawag mo saakin?" Pilit nya akong tinitingnan pero hinigpitan kolang ang hawak ko sa damit nya.
Nasa likod ko sya at nakaharap sya sa daan sa likod. Ibig sabihin magkatalikuran kami. Nakatali ang kamay nya at bitbut ko sya sa damit nya.
" Saan ba ang daan, kanina pa akong naglalakad ah" Hindi ito umimik kayat itinaas ko ito sa ere.
" Makuha ka sana ng Grim Reaper " Sigaw nya.
Abanaman!! Ang batang ito.
" Hoy cutie-goby kung ako sayo---"
" Hindi ako ikaw!! Pakawalan mo na nga ako" Napakamot nalang ako sa batok. At inilapag sya sa lupa tatakbo na sana ito pero nahawakan ko ang damit nya.
" Ganito nalang, samahan mo ako sa lugar na iyon at bibigyan kita ng maraming maraming pagkain atsaka isasama kita sa bayan ko at gagawin kitang bodyguard ko plus may libre kapang matutulugan, ano payag ka?"
"B-body g-g ano? Ah basta yun na yun hindi ko yun alam at isa pa hindi ko kailangan ng matutulugan. May papag ako at kumot at baka saktan mo rin ako. Ayoko sa inyo" Nangunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
FantasiRank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one "...