Ace pov
" ano ka bang bata ka hindi ako maligno, ang gwapo ko namang maligno"
Minulat ko ang mata ko at muling tiningnan ang sobrang puting lalaki na bigla bigla na lamang sumulpot sa harap ko
" p-pasensya na , akala ko inengkanto na ako eh bigla nalamang po kasi kayong nasulpot "
'' Oo sige maupo ka at may ipapaliwanag ako sayo" umupo naman ako sa napakalambot na upuan
" ako ang dean na si franco , isa akong half oracle at half wizard Una sa lahat kay langan mong malaman ang schedule mo hindi ito kagaya sa mundo mo mortal , dati na akong nakarating lupain nyo kaya alam ko" tumango lamang ako at muling nakinig
" kung sa inyong mga mortal ay may pitong araw ng tinatawag na linggo saamin naman ay may siyam na araw sa isang linggo at ang linggo ay tinatawag ditong free time o Free Day"
" e di ibig sabihin free time ngayon , ano po bang pedeng gawin pag free time" nacurious ako sa free time na iyon
Diba saatin pag free time, madalas nanunuod tayo ng tv , cellphone( mga wattpaders), shopping ..etc
" ang free time ay kinapapalooban ng 28 oras, maari kang gumawa ng kahit anong nanaisin mo pumatay, lumaban, magtago, matulog , gumanti, mag training at iba pa ng hindi napapalista sa death list ng maestro Ice"
Simula ng tumapak ako sa mundong ito hindi na nawala ang pangalan ng yelong iyon" sa oras na napalista ka sa death list ng maestro, elem.student ka man o guro maging ako at mga elites. Council at elder ay hindi makaliligtas sa tyak na kamatayan" sabi nito
ewan ko ba kung bakit sa dinami daming mga sinasabi nila sa yelong iyon ay wala akong maramdamang takot. KABA, OO pero Takot
siguro dahil lalake sya mababa ang tingin ko sa mga lalaking gaya nya kaya kung mapapansin nyo lagi lang akong binubully ng babae at hindi mga lalaki, man hater na kung man hater pero hindi ako maapakan ng mga lalaking umaabuso sa kahinaan ng mga babae
yan ang Prinsipyo ko simula pa lang.l
Yan ang mga katagang nakatatak sa utak ko hanggang ngayon.
" at ang susi ng condo mo ay na kay maestro sya na rin ang mag bibigay ng rules and regulation sa iyo ..punta ka nalang sa battle field"
BATTLE FIELD??
tiningnan ko si dean at ang gago nakangiti ng nakakalokoLalake nga naman
Alam kong maari akong mapahamak pag pumunta ako sabi nga ni xena kanina diba,base rin sa ngiti ng gurang na ito.
Pero may sarili atang mga utak ang paa ko at nakita ko nalang na naglalakad na ako sa battle field para daw kausapin ang tinatawag nilang maestro'
.
.
.
.
.
" w-w-wow "
Yeah Shit ang ganda isang sobrang laking pabilog na wall na may maliit na pinto ang pinasok ko at eto tumambad saakin ang isang napakagandang hardin na sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita
Ang daming alitaptap ( fairy) may gumagalaw na kulay green namay bulaklak sa ulo ( troll )
At isang lalaking nakatayo at half naked, may blond na buhok na bumagay sa asul at malamig nyang mata at may nakakalokong ngiti at may hawak na patalim na gawa sa yelo ..may perfect built body at6 pack abs
O sheteey
" Its you, again"
Napahinto ako sa pagnanas---i mean pag tingin sa katawan nya ng biglang nagsalita sya" So?" matipid kong sabi
" alam mo bang pinapatay mo ang sarili mo sa pagpasok mo pa lamang dito" Maangas ang mga salitang lumalabas sa bibig nya.
Hindi ba nya alam na ang Hot nya?
Tsk. Namula ako sa iniisip ko
" inutusan ako ng dean na pumunta dito, atsaka wala akong balak mamatay" derederetso kong sabi at nilabanan ang kanyang malamig na titig gamit ang mas malamig na tingin ko
"Ñâ'xeßç" may binanggit syang salita na hindi ko maintindihan bigla nalamang akong napako sa kinatatayuan ko, pilit kong gustong igalaw ang mga kamay ko pero ayaw, parang may nakataling invisible na lubid sa katawan ko na pinipigil ang pagkilos ko
" move and you'll die" sabi nya at lalong humigpit ang hindi ko maaninag na tali
" a-ano ba , p-pakawalan mo nga akong yelo ka " anak ng tupa pag talaga nakawala ako dito, babangasan ko ang pagmumuka nya
" what did you call me " nag tangis sya sa aking sinabi lalong humigpit ang bagay na nakatali sa akin.
" arrrrrrrgggh " napadaing ako sa sakit samantalang sya naman ay ngumisi lang
..
Napansin ko na lang ay ang liwanag na nanggagaling sa kwintas na suot ko ng bigla itong nalaglag"key sword" tumingin ako sa yelong ito na ngayon ay nakatulala sa nalaglag na kwintas na ibinigay saakin ni Gill ( tanda nyo papo ba ) biglang nawala ang hindi makitang tali na nakapulupot saakin kanina.
Pupulutin ko na sana pero isang segundo ay napunta na agad ito sa kamay nya
Nakatulala parin sya sa kwintas, malalim ang iniisip.
" ibigay mo yan saakin " sabi ko at pilit na inaabot sa kanya pero , baliwala nyang itinulak ako at tumalsik nalang bigla ako sa isang puno kaya nabugaw ang mga alitaptap ( fairy)
Tumulo ang dugo sa labi ko na agad ko namang pinunasan.shit ang lakas nya" this is not yours!!" sabi nya pagkatapos ay tinalikuran ako
Iika ika akong tumayo at tinakbo ang pagitan namin buong lakas kong sumuntok pero tinapik nya lang ang kamay ko at nagderederetso sa lakad" a-akin yan " pilit ko syang sinusuntok kahit na nakatalikod sya pero baliwala lang sa kanya , muli syang humarap saakin at tinitigan lang ako ng matiim, tinulak nya ako dahilan ng paglagapak kong muli sa lupa.
" çasloäh" sa isang salitang lamang nya ay biglang umapoy ang paligid ko pabilog ito at napakataas , hindi ko na sya makita sa sobrang taas ng apoy na nakapaligid saakin
Ang init sobrang init parang konting oras nalamang at magiging abo nalang ako bigla
Sinubukan kong lumapit sa apoy pero napapaso lamang ako,
" walan*iyang yelo yun bigla nalang nag aapoy nakakainis!!!!"Kailangan kong mabawi ang kwintas , kay gill yon
Nasa panganib na ako pero ang Kwintas parin ang nasa isip ko!!
Tumutulo na ang pawis ko sa sobrang init pinanghihinaan narin ako ng loob paano ba ako makalabas sa apoy na ito?
Hinihingal na ako at parang mauubusan na ako ng hininga
Nasusunog narin ang mga damit ko
Tinanggal ko ang bag ko at nagbabakasakali na makakuha ng anu mang bagay na maaring malatulong para malawala ako ditoPero tatlong libro lang ang nakita ko
Sinubukan kong buksan sila pero kahit aning pilit kong buksan wala paring nangyayari
Tss. Paano bayan
Hindi ako pwedeng mamatay
HindiSi gill
Si xena, yung pangako ko sa kanya
Hinawakan ko ang tapat ng puso ko
Sobrang nahihirapan na ako sa paghinga" t-t-tulong" ang huling salitang nabigkas ko bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
FantasyRank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one "...