Third person pov
Nakikita nila kung paano sya magwala. Naglalabas ng kakaibang pwersa at kaunti nalang ay tila malalagot na ang kadenang nakatali sa kanya.Nasasaktan sya at gusto nya kumawala. Gusto nyang tumakas. Bakit ba kase hindi sya pedeng maging katulad ng kapatid nya? Bakit ba hindi nalang sya maging ordinaryo? Bata lang sya at sa murang edad eto na ang sinasapit nya.
" tumigil ka na sa pagwawala mahal kong anak. Marami ng namamatay nang dahil sa kapangyarihang taglay mo. Kailangan na naming hatiin ang katauhan mo" ang sabi ng babaeng halos humagulgol na habang tiningnanan ang anak nyang nakakulong sa salamin at nakakadena ang buong katawan.
Kahabag-habag.
Malapit nang sumapit ang eclipse na inaabangan nila. kailangan na nila iyong gawin sa kanya kung hindi ay mas lalong dadami ang mapapaslang nya. Ikinukulong na nila ito pero nakatatakas at kumikitil parin ng buhay tuwing nagagalit at lumalabas ang tunay na kapangyarihan- nawawala sa sarili.
Kung hahatiin nila ang katauhan nito. Mahahati rin ang kapangyarihan ng bata at kapag hindi nila nagawa ng tama ang orasyon ay may maaring mawala o ang mas malala ay ikamatay ng anak nila.
Hindi nya kaya ang kapangyarihan na meron sya. Tila ba kapangyarihan ng pinuno na nasa katawan ng musmos.
" mama, p-papa. p-pakawalan nyo na po ko. Napapagod na po ako" muling pag mamakaawa nya na mas lalong ikinahagulgol ng ina. Bakit nga ba sya ba ang piniling isumpa ng sinumang hangal.
"patawad...patawarin mo kami"
Hanggang sa sumapi na ang eclipse. Nagdurugo na ang kanyang katawan. Tila pinipiga ng kadena.
Nakita nyang pinalibutan sya ng mga babaeng may katandaan na kulay puti ang buhok at may mata sa noo. Magkakapit ang kamay at pinalilibutan sya. Natatakot sya sa mangyayari tila ba may kakaiba.
Napatingin sya sa buwan. Kakaiba.
Nagsalita ang mga matatanda at lalo lang syang nasasaktan parang hinihigop ang kanyang lakas at hinahati ang kalamnan.
"ARRRRRRRRGHHHHHH" muli syang nagpumiglas ngunit wala syang magawa sa tuwing gagalaw sya ay humihigpit ang kadena. Nakikita nyang nakatayo lang ang pamilya nya pinanunuod syang masaktan.
" mama...t-t-tulungan...tulungan nyo ko----urggghhhhh" patindi ng patinndi ang sakit. Nakakahilo. Napakainit. Mahapdi na parang bawat parte na katawan nya ay nilalatayan.
Nagsimula nanamang lumabas ang init sa katawan nya. Unti unting natatanggal ang kadena at nawawala nanaman sya sa sarili sa sobrang galit at sakit na nararamdaman
" pakawalan nyo ako" dahan dahan at may ding sambit ng bata. Natakot ang matanda pati ang inat ama nya sa maaring mangyari. Kasalukuyan syang nasa loob ng orasyon at kapag hindi iyon natapos ay maaring iba ang maging epekto.
Mula sa madilim na sulok tumakbo ang isang batang babae na may mahabang itim na buhok. Maamo ang muka at maputi ang balat
"Xena, pumasok ka sa loob. Anong ginagawa mo rito"
Nasa isa silang liblib na kwarto at sila sila lang ang tao rito. hindi rin maaring pumasok ang kahit sino maliban sa kanila na alam ang nangyayari.
dahil dito nila sya ikinulong. Minsan lang sya makalabas at makapaglaro kasama ang kapatid at ni Zoria pati na ang kababata nitong si Ice.
" bumalik ka sa kwarto mo ngayon din" sigaw ng ina pero nakatitig lang ang kapatid nya sa kanya.
BINABASA MO ANG
BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
FantasyRank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one "...