Chapter 41

4.6K 116 8
                                    

Ace Pov

Matamlay akong nakatitig sa katawan nya na naliligo sa sariling dugo.

Kami nalang dalawa ang naririto.

Nagsi alisan na Sila. Ako ay nakahiga at hindi maramdaman ang katawan ko. Hindi maikilos ang mga braso at ang binti ko. Tanging mata kolang ang kaya kong paganahin sa mga oras na ito at nakatutok lang iyon sa walang buhay nyang katawan.

Goby

I prefer physical pain than emotional Pain. Kase nabablanko na ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Walang tumutulong luha sa mga mata ko.

Umiyak ka Ace, umiyak ka nalang

Ang sikip ng puso ko. Parang pinipiga ng paulit ulit.

"G-g-goby" Paos na ang boses ko.

Habang unti unting dumadaloy ang alaala ko sa kanya ay nagsisisi ako.

Goby, sana hindi nalang kita nakilala. Sana nung nais mong tumakbo palayo saakin ay pinakawalan na kita, sana hindi kita pinilit isama dito at maglakbay. Sana hindi ako ang pinili mong maging ina mo.

Para Sana

Wala ka sa impyernong ito.

Para sana

Masaya ka paring nabubuhay ngayon.

How can i be so Weak!!

Lahat nalang nais akong iligtas at lahat sila napapahamak ng dahil saakin.

I want to save them but what happens is the other way around.

Bakit ba nabuhay akong Pabigat!

Nilubayan ko ng tingin si goby at tumingin sa langit.

Nagsisimula na akong mag isip ng hindi tama at nilulukob na ako ng init ng katawan at sakit sa kaliwang balikat.

Nagdidilim na ang paningin ko
Nagngitngit ako at nagsisimula ng maging iba ang takbo ng isipan ko.

Dahil ngayon. Sinisisi ko sya.

God! Jesus or who ever you are!!

Bakit hindi ka nakinig! Bakit hindi mo man lang ako pinakinggan

Bakit kinuha mo sya saakin??

Kulang pa ba?

Masama ba ako?

Nagkulang na ako ng pananampalataya sayo?!!

Ang dami raming MAS  masasama dyan! Bakit ako pa ang pinarurusahan mo.

I trusted you!!

Totoo ka ba?!! Totoo ka ba talaga! Nandyan ka sa langit kaya nakikita mo ako. Nasasaktan at nahihirapan na ako pero  bakit mas dinagdagan mo pa?!!! Ang lupit mo.

Gusto mo rin bang ipakita ko sayo ang tunay na kalupitan?!

What do you want me to do?!!!

Do you want me to kill?

Do you want more Blood?!!

Then I'll show you what you want!!!

Naramdaman ko ang pagkabasag ng restrainer sa leeg ko. Naglalangitngit ang buto ko sa galit.

This what you want!!

Hindi ko alam kung paano ako nakatayo.

Nakarinig ako ng malalakas ng pagsabog sa labas pero hindi ko iyon pinansin. Nag iinit ang buo kong katawan at wala na akong alam sa ginagawa ko. Basta ang alam ko nakatingin ako sa kadiliman.

BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon