Chapter 38

4.5K 112 0
                                    

Ace Pov

Mabilis lang namin nakuha ang mapa at nakakatuwang nasa amin ang luck ngayon dahil ang Vest ay parte narin pala ng Binersan. Hindi na kami maglalakbay pang muli.

Noong una kong mahawakan ang mapa, nakakapagtakang isang direksyon lang ang tinuturo nito. Na gitna ng kagubatanang mapa at nasa labas naman sa kaliwang parte ng mapa ang lokasyon ng Binersan.

Syaka ko lang naalala

Ang Binersan at Zapiria ang bumubuo sa Quilei kayat imposibleng magkalayo ang dalawa.

Ang gubat ng best ang nagsisilbing harang nila.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakaapak sa lupa ng Binersan. Makikita sa paligid na akala koy hindi ko makikita sa bayan na ito.

Akala ko pag punta ko rito ay may nga dygo, nakahandusay na katawan at pinaparusahan. Akala ko isang madilim na pa parte ng Quailei ang Binersan pero sa nakikita ko tila mas magulo pa yata sa Zapiria.

Maraming mga batang naghahabulan. May ilang nag uusap at nagtatawanan. Maraming nakasakay sa kabayo at nagpapaligsahan. Ang daming tao dito at hindi maipagkakailang magaling ang kanilang pinuno.

At ang pinaka kumuha ng atensyon ko ay ang malaking palasyo sa medyo kalayuan. Nakabukas ang tarangkahan para sa lahat. Kung sino man ang pumasok ay hindi hinaharangan.

Sa Zapiria, kung hindi ka isang Zapiria hindi ka makakatawag ng Espera para makaasok sa palasyo.

May ilang nakadikit rin na kahoy at may nakaukit na mga salita. Nakalagay doon ay ang ibat ibang Unibersidad na nais mong pasukan. Marami kang pamimilian.

May Wizardy University-isa sa mga nakalaban namin noon. May Highschool of Wicked Witch, Binersan Little Knowledge para sa mga batang nais matuto, mayroon ding, Healing Center For all na para naman sa nais matutong manggamot o kaya ay magpagamot.

Isang buhay na bayan na inaakala kong madilim. Akala ko Zapiria na ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko.

Makikita mo ang saya ng pamumuhay nila dito.

Binersan

Binersan

"its a torture. Do you stay with me when i say i killed more than one fourth of the people in zapiria?" Naalala kong bigla ang turan ni maestro. Kaya pala

Kakaiba ang binersan sa Zapiria. Maraming hindi makatarungang batas ang ipinapatupad ng Zapiria at kung makakabalik pa ako babaguhin ko ko iyon

But the problem is---

Hindi Zapiria ang kailangang magbago...

Kundi ang mga mamamayan na nakatira doon mismo.  Dahil kung habang buhay silang magiging mapanghusga,
Mapanlait, mapangmaliit, hindi marunong gumalang o anu pamang masasamang ugali na hindi tama ay dapat nilang alisin ay mananatili silang talunan.

Naalala ko ang sinabi ni Xena Na hinarang ng mga mamamayan si gill dahil inaakala nila na tatakas ito. Si ursua, pinagkamalang taksil dahil sa panghuhusga nila, ang Hari at Reyna na tila naging alipin ng bayan nila at ang kaharian ay naging bilangguan. Ang unang prinsesa na handa alagi nilang paslangin, Si Xena na prinsesa ay tinatawag nilang huwad din.

Ang inaakala ng Zapiria na Impyerno ay isang Langit.

Pero hindi ang Zapiria ang may pagkukulang...Hindi Zapiria.

" Ate, isa ka bang dayo??" Naayuko ako nang may nakita akong bata na sobrang cute. Naka saklob ito na patusok na akala mo ay mangkukulam may wand na rin itong dala at napansin kong pawisan sya kayat malamang ay kanina syang naglalaro.

BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon