CHAPTER 16

6.1K 143 3
                                    

Third person

'Umalis ka na anak '
Umiiyak sya at pilit na inilalayo sya ng kanyang ina sa mga blackwitch

'Mama , ayoko kaya kong lumaban mama kaya ko kayong iligtas ni papa ayoko---'
Itinulak sya ng kanyang ina kaya natumba sya at napasubsob ang muka sa semento

' umalis ka na Alie please sundin mo na ang utos ko anak , mapapahamak ka lang ' inilalayo nila siya sa kanyang ina
Madaming humahawak sa kanyang maliit na braso pero masyado itong malakas
Tumayo sya at inihakbang ang kanyang maliit na mga paa upang
Malapitan nya ang kanyang ina

Maraming dugo
Maraming nakahadusay

Bigla na lamang syang napaubo at sumiklab ang sakit na animoy binibiak ang kanyang puso at namilipit sa sakit

' umalis ka na anak'

Wala syang marinig kundi ang kanyang sariling boses
Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman at tila inihihiwalay sya sa kanyang sariling katawan

' anak tumakas ka na '

Tumulo na ang luha dahil sa sobrang sakit , kahit anong subok nyang ilabas ang kanyang kapangyarihan ay hindi nya magawa dahil lalo lamang syang nasasaktan

' umalis ka na , ano ba pakinggan mo ako alie '
Sinubukan nyang tumayo pero natutumba nanaman syang muli

' mama, papa t-t-tulong , tulungan nyo ako urrrrgggghh' bigla na lamang syang gumulong dahil sa asul na apoy na bumalot sa kanyang katawan
' tama na ' sigaw nito
' tama na ' pero walang tumutulong sa kanya
Ang layo ng pagitan nila ng kanyang ina
Lahat ng tao ay nakatayo at nakatitig sa kanya habang dindanas nya ang sakit
' tama na pakiusap' lalo lamang tumindi ang nararamdaman nyang sakit ngunit ang mga tao ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam sa kanya

Ace
" TAMA NA " napabalikwas ako ng bangon at hinahabol ang aking hininga
Pawisan ako at may luhang tumutulo sa aking mata
" mortal girl , are you okay" biglang salita ng binatang humahagod sa likuran ko
Napalunok ako ng ilang beses
Sino bayun
Sino sila , bakit nanaginip ako ng ganoong bagay ??

" are you okay"
Bakit may ganoong senaryo ang napananagipan ko ?

Lutang na tumayo ako
Wala sa sariling inihakbang ko ang aking mga paa

" where are you going ?"

Palabas na ako ng aking kwarto at binabagtas ang daan patungong??
Ewan hindi ko alam kung saan para bang may sariling isip ang mga paa ko at tumigil ito sa isang pinto
Wala sa sariling Itinaas ko ang kamay ko at unti unting itinutulak ang pinto pabukas pero may isang kamay na pumigil saakin
Napakahigpit ng pagkakahawak nya dito

" damn , what are you doing" napakurap ako ng bumalik ako sa wisyo
" m-maestro" kitang kita ko kung paano nag igting ang panga nya at may unti unting lumalabas na pulang marka sa kanyang leeg papunta sa pisngi
Napaatras ako dahil sa kakaibang lamig ng kanyang pagtitig, pati narin ang lalong paghigpit ng kanyang pagkakakapit saaking kamay dahilan ng pagdaing ko

" a-a-ano maest---"

" Dont.you.ever.open.that.door" halos magtayuan ang balahibo ko sa paraan ng pagbigkas nya sa mga salitang yun
Malakas at madiin na nakakakilabot parang hindi sya yun , parang galing sa ilalim ng lupa ang boses

Napatango ako ng di oras at pilit na kinakalas ang pagkakahawak nya pero nabigo ako
Unti unting tumingkad ang kanyang asul na mga mata
Sa isang iglap ay itinaas nya ako at isinandal sa pader , hawak hawak nya ng sobrang higpit ang aking leeg

BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon