" Hindi mo kailangang ibigay sa kanya ang kwintas!" Usal ni Ina masamang tinignan si ama" Pero kailangan nya iyon Gale! Intindihin mo naman"
" Cian naman! Paano kapag-"
Nais kong itanong kung ano ang pinag-uusapan nila o kung may kinaylaman ba ang kwintas na binigay ni ama sakin
Lumabas nalang ako at napangiti ng may biglang humila sa kamay ko at itinakbo ako patungo sa kagubatan.
Hindi na ako natakot dahil ito naman palagi ang ginagawa nya.
Ang itakas ako.
" Ice naman bakit mo ba ako laging hinahatak" Napakamot sya ng batok at hindi nalang ako pinansin bagkus ay naglatag sya ng tela sa damuhan sa lilim ng puno.
Hinila nya ako paalapit sa kanya at inakbayan dahilan para uminit ang magkabilang pisngi ko.
"K-kailangan mo ba talaga ako a-akbayan?" He just chuckled and didn't even bother to remove his small hand over my shoulder.
"Aalis na ako" Naramdaman ko ang biglang pagtigil nya.
Kamakailan lang ay tumungtong na ako sa Ika-limang taong gulang pero ang isip ko'y higit na doon. Alam ko na ang mga responsibilidad ko.
Bilang anak, kapatid, Bilang Prinsesa at bilang Asawa ni Ice sa hinaharap. Itinakda kaming magsama ayon sa propesiya at masaya ako doon.
" Why?" Malambing nitong saad.
" Alam mo naman e! Nasa akin na ang sumpa. Mapapahamak lang kayo at isa pa marami na akong n-napatay" Halos hindi ko na masabi ang dulo dahil ako man ay hindi ko matatanggap ang sarili ko.
" B-babalik ka?" Malungkot akong ngumiti. Sana.
" Hahatiin na ang katawan ko mamayang gabi. Mapapadpad na sa mundo ng mga tao ang totoong Alieson at kailangan ko iyong sundan hanggang sa maging isa na kaming muli" Pahayag ko ulit sa kanya. Pero tinignan nya lang ako at ang aking puno ng latay na katawan. May iilan pang sariwa ang sugat at may iilan naman na gumaling na.
Nakita ko ang pagsilay ng awa sa mata nya kaya't umiwas ako ng tingin.
Kilangan ni Ama na latiguhin ako at gisingin sa isang pagkakamali. Parati nalang akong ganito, hindi ko man gusto ay nagigising nalang ang sumpa sa loob ko. Nakakapatay ako sinadya man o hindi sinasadya.
Simula ng ibigay ni Ama ang kwintas parang dumoble ang kapangyarihan ko. Nakokontrol ko ang emosyon ko pero kapag umaapaw ay para itong sirang gripo hindi mapipigilan ang pagbuga ng tubig.
Nakakapatay nanaman ako.
Ilang selda naba ang nasira ko? Ilang kadena na ba ang nabali ko? Ilang nilalang na ba ang napatay ko at ilang beses ko na ba sinira ang palasyo na paulit ulit nilang itinatayo para saakin, para may tahanan paring maituturinng ang Puting Prinsesa na sa kamaang palad ay nagdudulot ng kadiliman sa bayan ng Zapiria?!
Ayoko naman talaga. Pero wala akong magagawa. Hindi ko na kayang kontrolin ang katawan ko minsan kaya kailangan nilang saktan ako, ikadena at pagbawalang lumabas at pumasok sa eskwelahan.
" Babalik ka?" Ulit nito sa tanong nito kanina
Tiningnan ko lang sya. I may be a monster in anyone's eyes but Ice is different. He still treat me like an Angel.
" Bakit kapag ba hindi ay papalitan mo na ako" Patuya kong sabi dahilan para mas lalo syang sumimangot.
" Answer me Alieson! Damned!" Sinabunutan nya na ang sarili nya at mahinang nagmura. Ang bata nya pa pero para na syang isang ganap na binatilyo kung umasta.
BINABASA MO ANG
BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
FantasyRank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one "...