26th Chapter

13 1 0
                                    

"Bongga!!" napalingon ako kay Ate Let na palabas ng kusina. "Hmmm mukang ginalingan mo kagabi ah.." bulong nito saakin ng makalapit kaya natawa ako.

"Hindi naman po!" alam kong nag blush ako sa kilig pero hindi ko dapat masyadong ipahalata.

"Hay naku Ate ang pula na ng face mo! Tara na nga po mag almusal papasama po sana ako sa bayan e.." grabe obvious din pala sa fes ko na kinikilig ako. Kahiya!

Hinila ko na lang ito papuntang kusina. "Sure bebe ko sasamahan kita after natin kumain."

"Sya mag almusal na nga kayo at ng makaaga kayo ng balik dalawa." si Ate Let na bahagya pang bumulong sakin. "Mag kwento ka mamaya ha!?" sabay kaming natawa nito. Hay ang kulit talaga ni Ate.

Pag tapos naming mag almusal ni Beige e naligo narin ako tapos umalis na din kami agad.

Habang namimili si Beige ng damit nya e sinamantala ko naman ding pumunta sa isang stall na may mga silver accessories. Pumili ako ng isang necklace na may heart ang pendant at nung magustuhan ko na ay binayaran ko na kaagad at bumalik na ako kay Beige.

"Ate san ka po galing?"

"Dyan lang. Ano nakapili ka na ba ng damit?"

"Opo Ate, tingnan mo po kung bagay ba sakin."

"Sige, tara!"

Nang matapos kami ni Beige mamili ay nag aya muna itong kumain ng kwek kwek, syempre payag ako isa din kasi yun sa paborito ko hehe..

"Beige!" Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag dito.

"Kuya Ralph!" kumaway dito si Beige tapos lumapit ito at mukhang nag pacute pa sakin..asaness

"Anong oras ba bukas?" Tanong nito ng makalapit. Ay invited pala sya infareness ang cute nya sa malapitan ha.. Ops Yunah nagkakasala ka kay Grey! Haha!

"Bago mag lunch kuya. Wag kang mawawala ha?!"

"Oo naman!" Ngumiti ito tapos pasimpleng tumigin sakin. "Pakilala mo naman ako sa kasama mo Beige!"

"Ay oo nga pala! Kuya Ralph si Ate Tala kaibigan ni Kuya Grey, Ate Tala sya naman po si Kuya Ralph kababata po namin nila Kuya Grey."

"Hi!" Bati ko dito pero inabot pa nito yung kamay nya kaya nakipag kamay narin ako.

"Hi Tala!" Ngumiti lng ako ng tipid, cute sya talaga ha pero mas malakas ang dating sakin ni Grey my baby. Hehe..

"So taga Manila ka din?" Tanong nito.

"Yupp.."

"Hindi man lang sinasabi ni Grey na may maganda syang bisita." Bahagya pa tong umiling na tipong nagpapacute talaga sakin. Maganda daw!? Maliit na bagay! Harhar..

"Kuya pauwi narin kami ni Ate Tala, ikaw po ba?" singit ni Beige.

"Tamang tama pauwi narin ako e..sabay sabay na tayo!" bigla nitong kinuha yung mga dala ko tapos inalalayan pa ako.

"S-Salamat kaya ko naman." tanggi ko pero parang wala itong narinig.

"Naku Ate ganyan po talaga ang mga tao dito. Masanay ka na po." napangiti na lang ako kay Beige tapos sumakay na kami sa tricycle tatlo.

****

Akala ko pag nakauwi e aalis na din si Ralph pero naupo pa ito sa salas at nag yaya pa na makipag kwentuhan, syempre di naman ako makakatanggi noh nakikipag kaibigan lang naman si Ralph mukha naman syang mabait.

"Naku si Ralph madadalaw lang pala dito kapag may chicks!" sita ni Ate Let.

"Hindi naman po Ate!" tatawa tawa itong iling, maya maya pa ay nag labas na ito ng celphone. "Tala pwede ko bang makuha number mo?"

"Ha!? Sige sure.." itinype ko yung number ko sa celphone nito.

"Naku ang bilis talaga ni Ralph! Lagot ka kay Grey!"

"Ate Let naman! Bakit naman po magagalit si Grey? Nakikipag kaibigan lang naman po ako sa kaibigan nya." natatawa ako sa mga 'to.

"Bebe yan ni Grey! Patay ka dun!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate.

"Bebe?" ulit nito, napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. "Ate Let talaga palabiro e si Shaira girlfriend nun e!" ouch! girlfriend talaga??

"Maryosep! Hindi na nya babalikan yun! Ex na lang nya yun!" kontra ni Ate syang labas naman ni Beige sa kusina.

"Ate hindi nga po ex ni Kuya si Ate Shai!"

"Whatever!"

"Mama naman mag luto ka na po ng lunch gutom na po ako e!" nagkatawanan sila dahil kay Pinky. Ako bahagya lang akong napangiti, wala kasi ko sa sarili dahil sa sinabi ni Ralph.

"Sya dyan muna kayo at sinesermunan na ako ng kontrabida!"

"Tulungan na po kita Te!" sabi naman ni Beige tapos sabay sabay silang pumunta sa kusina, dun ko naman hinarap si Ralph.

"Ahm.. Ralph sabi mo gf ni Grey si Shaira?"

"Yun ang alam namin ha! Teka kayo ba ni Grey??" mabilis akong umiling.

"Hindi. We're friends. Mag kasama kami sa pinapasukan naming trabaho." tumango tango ito.

"Ah sabi na e.. palabiro talaga yan si Ate Violet e!"

"Pano mo naman nasabing sila?" tumingin sakin si Ralph na parang nag dududa kaya dinagdagan ko yung tanong ko. "Kasi pinapaamin ko yang si Grey nag lilihim pa sakin parang others ako!" tumango tango ito.

"Simula kasi ng bumalik si Grey dito sila na laging mag kasama. Nahuli pa yang dalawa na yan ng tropa na magkayakap. So yun na yun!" magkayakap?? Piste! Ang bilis namang makamove on ni Grey saakin samantalang ako hulog na hulog na sakanya! It's unfair! Gusto kong maiyak.

Ito ba yung karma ko?? Ito ba yung ganti saakin ni Grey. Ang sakit naman. Sana hindi totoo mga sinasabi ni Ralph.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon