20th Chapter

34 1 0
                                    

--TALA'S POV--

Nagkunwari akong nag impake ng mga gamit ko at saka ako lumabas ng kwarto. Alam kong hindi pa ako paaalisin ng pamilya ni Grey dahil ang chika saakin nila Stef ay may bagyo parin daw dito sa Visayas pero needed kong mag inarts syempre..hihi

"Good morning Ate Tala!" nabungaran ko si Beige na naghahain sa mesa at nginuso pa nito ang biglang tumayo na si Grey. Problema nito? Pipigilan nya kaya ako? Humakbang ito pero hano ba yan! Lamabas lang ei...Siomai talaga itong si Grey wala na ata talagang pakialam saakin. Napalunok ako ng makita kong nagtanggal ito ng t-shirt. Holy wow! Ngayon ko lang nakita ang mga abs ni Papa Grey, gosh! nakiki papa Grey na din ako.. ^_^

"Hoy Greycus! Aba kay aga-aga nagpapaulan ka!" nagulat ako kay Ate Violet na nakalabas na pala ng kwarto at nakatingin narin sa taong pinanonood ko. Luh! nakita ata ni Ate Let na pinagnanasaan ko si Grey. "Ito talagang lalaking ito!" mahina na lang ang pagkakasabi nun ni Ate dahil nagdire-diretso lang si Grey na umalis na tila walang naririnig.

"Goodmorning po! Ate, Beige aalis na po ako. Maraming sa-"

"Hindi ka pa pwede umalis Tala, may bagyo pa!" si Ate Let.

"Oo nga po Ate sabi din ni Tatay hindi ka pa makakaalis dahil nasira yung tulay, inaayos pa daw ng baranggay para kahit man lang daw tao makadaan." napalingon ako kay Beige, oh my! gusto ko magstay dito pero naisip ko paano na yung trabaho ko? Balak ko sana two to three days lang landiin si Grey pero yung tulay. Homaygad!

"Naku! Matagal-tagal gawin yun, magkaroon man ng tulay pang tao doon mahihirapan ka naman maghanap ng masasakyan pa bayan." napailing pa si Ate Let. Agad ko namang kinuha ang celphone ko para tawagan si Ma'm Ailah.

"Hello Ma'm?"

"O Tala buhay ka pa pala?"

"Ma'm naman e.. kasi po bukas-

"E ano bukas?"

"Baka hindi parin po ako makapasok."

"At bakit na naman? Nasaan ka ba talaga? Ikaw ba ay may sakit o nagsasakit sakitan ka lang??" halos mailayo ko sa tenga ko ang celphone ko, matindi pa kasi sa armalite ang boses ni Ma'm.

"E kasi po.."

"E kasi ano? Nag lamyerda ka lang ano? Bahala ka Tala! Wag ka ng bumalik dito wala ka ng trabaho!"

"Ma'm no!! Wait!" narinig kong bumuntong hininga si Ma'm Ailah na tila naghihintay sa sasabihin ko. "Amm..nandito po kasi ako kila G-Grey, sa Cebu."

"Kila Grey???" napakamot ako sa ulo ko. Kailangan ko ng magtapat kung nasaan ako kesa naman mawalan ako ng trabaho.

"O-opo. Kasi po-

"Okay, okay. Kamusta mo na lang ako sakanila ha!? Bahala ka kung kelan ka makakabalik. Mag enjoy ka diyan. Bye!"

"Ma'm?" anong nangyari dun? Ganun ba kalakas si Grey dito at okay lang na umabsent ako ng matagal ng dahil sakanya?

"Si Tita Ailah po ba yung kausap mo?" napalingon ako kay Beige. Tita??

"O-oo, kilala mo?"

Biglang sumulpot si Ate Let sa likod ni Beige. "Kapatid sya ni Tatay kaya Tiyahin namin sya. Halika na dito at mag-almusal na tayo." tiyahin nila? waaahhhh...kaya naman pala close ang dalawa. Nakakahiya din kay Ma'm Ailah sinasaktan ko ang pamangkin nya. Gosh! Nawiwindang ako sa mga revelations ha! Kaya naman pala sila super close.

"Akin na yang bag mo Ate ako na ang magbabalik sa kwarto." wala na akong nagawa ng kuhanin ni Beige ang bag ko kaya sumunod na lang ako kay Ate Let.

"Salamat." umupo ako sa tabi nito at nag umpisang mag usisa. "Tita nyo po pala si Ma'm Ailah?"

"Dalawa lang silang magkapatid ni Tatay, panganay iyong si Tita Ai, simula pa lang talaga ay sa Maynila na nakatira yun. Actually may bahay din kami sa may Makati, kelan lang kami bumalik dito dahil kay Tatay pero sa pasukan babalik na ulit kami nila Beige doon. Magpapaiwan na lang daw si Grey dito kasama si Tatay dahil wala na naman daw syang babalikan doon." napalunok ako.

Nginitian naman ako ni Ate Violet at muling nagkwento. "Alam mo ba I was twenty-four nung mamatay ang Nanay tapos si Grey twenty lang sya nun. Si Beige naman she was sixteen. Pagkamatay ni Nanay nagkasakit naman si Tatay, alam mo ba? si Grey ang lahat ng nag asikaso saamin. I admit I am the eldest pero ako pa ata ang pinakamahina saaming tatlo. Sa katangahan ko nagpaanak pa ako sa lalaking walang kwenta. Buti na lang mabait si Tatay at si Grey sya ang tumulong saakin sa mga gastusin ko. Hindi dahil sa kapatid ko si Grey Tala pero masasabi kong mabait talaga yan. May topak lang minsan pero wala akong masasabi diyan."

Ngumiti din ako, yung ngiting nagtatanong kung bakit kinukwento saakin ni Ate ang buhay nila. Alam ko naman kung gaano kabait si Grey e, swet na swet pa hihi.. Namimiss ko na nga yung Grey na napakamaalalahanin yung walang alam gawin kung hindi alagaan ako. Hayyyy..buhay nga naman. :(

"Alam mo ba Tala sabi nga namin diyan kay Grey e mag-asawa na." Luh! napalingon ako kay Ate. Asawa agad?

"Asawa po? E diba wala naman pong girlfriend si Grey? Pano naman po sya mag-aasawa?"

"Kung gugustuhin ni Grey pwedeng-pwede na noh! Alam mo bang may bahay at lupa na yan sa Laguna?" Ha? Si Grey may bahay at lupa na? Teka, teka, teka totoo ba?? akalain mo yun..

"Si Grey po?"

"Oo IT talaga kasi yang si Grey, ilang taon din syang nagtrabaho sa isang kumpanya sa Makati kaya nakakuha na sya ng sarili nyang bahay doon. Isa pa nag oonline worker yan kahit salesman sya." IT???? Hwat?? Salesman na IT? tanga ba talaga si Grey? "Maimis kasi sa pera si Grey, lahat talaga inipon nya para makuha yung bahay na yun. "

"E bakit po nagtitiis si Grey sa pagiging salesman?" curious kong tanong.

"Ganito kasi yan, si Tita Ailah kasi nagkaroon ng sakit noon, wala namang pamilya si Tita kundi kami kaya si Grey talaga ang nag alaga sakanya tapos ayun nag pumilit parin mag trabaho si Tita. Sa sobrang pag aalala nung isa e pumasok syang salesman mabantayan lang ang Tita namin." ganun kabait ang mahal ko? shems mahal na talaga..haha

"P-Pero pa-pa-no po mag aasawa si Grey e wala naman po syang girlfriend?" sa wakas naitanong ko din, nginitian pa nga ko ni Ate. Kung hinuhuli nya ko ewan di ko alam kung halata ba sakin.

"Ay kung girlfriend din lang naku! ang daming nagkakandarapa sa kapatid ko na yan! Isa na diyan yung dati nyang naging girlfriend si Shaira."

"Ate hindi ex ni Kuya si Ate Shaira, fling lang daw nya yun!" napalingon ako kay Beige na nasa tabi ko na pala, bahagya pa itong ngumiti.

"Naku hindi ba ex ang tawag doon e ang alam ko nagtabi na sila nung babae na iyon." Aray ko! Waahh.. Nag tabi talaga ha!! Greyyy!! Humanda ka saakin! ;(

"Ate nag tabi lang pero walang love!" diniinan pa ni Beige ang sinabi nya. Susme!

"Ganun na din yun!" pinilit ko na lang ngumiti tapos nag kutkot ako ng celphone ko. Nag bingi bingihan ako. Yun ang masakit eh ang marinig ang katotohanan.. T_T

May tinabihan na si Grey!! Huhuhu..

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon