8th Chapter

26 2 2
                                    

Nandito na kami sa Edge Bar nila Stef at Ms. Lea. Dinaldal namin sya kanina para kahit papaano ay mahuli kami ng dating. Nandoon na kasi ang lahat sa loob ng nirentahan naming rooms. Oo kami lang tatlo hindi natuloy yung planong kasabay namin si Andrei.

"Surprise!!" sigaw ng lahat ng pumasok kami. Nilingon kami ni Ms. Lea at mangiyak-ngiyak kami nitong niyakap pati ang lahat ng mga kasamahan namin.

Agad akong luminga para hanapin si Andrei at tila binagsakan ako ng langit at lupa ng matanaw ko ito habang nakakawit ang mga kamay nito sa beywang ni Ms. Jane. No need to ask, sila na nga.. T_T

"Dito tayo Best!" hinila ako ni Best kung saan naroon ang lamesa ni Grey. Alam ko nakatitig saakin si Grey at tinatantiya nito ang reaksyon ko sa nakita ko at wala akong nagawa ng iangat nya ang baba ko. Doon na tuluyang bumagsak ang luha ko, buti na lang at nasa sulok ang inuupuan namin.

"Stop crying for someone who doesn't deserve you." lalo ata akong naiyak sa sinabing iyon ni Grey. Agad naman akong iniharap ni Stef sakanya ng marinig nito ang sinabi ni Grey.

"Best wag kang magpahalata." bulong nya saakin at saka ako niyakap. "Diyan ka muna kukuha ako ng kakampi sa kalungkutan." umalis ito at naiwan si Grey na nakatitig saakin. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga sa paningin nya dahil hindi naman sya mahalaga saakin.

"Sir Andrei really loves Ms. Jane. Matagal ng sila nun hindi mo ba alam?" hindi ako sumagot dahil ang gusto ko ay sampalin si Grey, ganitong sinasaksak na ang puso ko para pa nya kong tinadyakan ng to the left and to the right.

"Best tama na yan. May mga bagay talaga sigurong hindi meant sa isat-isa. Move-on na please." bulong saakin ng best ko ng makabalik dala ang ilang bote ng san mig light.

"Huwag mong daanin sa inom. Kagagaling mo lang sa sakit diba?" Awat ni Grey.

"Don't you dare touch me." nilagyan ko ng diin ang sinabi ko ng hawakan ako ni Grey sa braso, naiirita na kasi ako. Ang gusto ko lang naman sana makalimot kahit konti kaya naman nagcheers na lang kami ni Best. Wooohhh!!

"Hayaan na natin sya Grey." narinig kong sabi ni Best sa Mokong.

"Guys! Today is the last day of Ms. Lea so I want to introduce our newest Supervisor Ms. Jane Baltazar!" nagpalakpakan ang lahat pwera ako bakit naman ako papalakpak? Pweee... "Meet my future wife!" Boom! Ouch! dinagdagan pa e..kainis! bigla ko tuloy inubos ang lahat ng laman ng boteng hawak ko. Gusto kong sumigaw ng darna at lumipad sa kalawakan buti na lang at nandyan ang aking dakilang kaibigan at hinihimas lang ang likod ko.

"Best are you okay?" bulong nito. Pinipilit ko namang tumango kahit nakakaramdam na ako ng hilo.

"I'm fine best! Really fine! Cheers!" tinaas ko ang boteng hawak ko at saka nilagok ang lahat ng laman nito. Maingay sa paligid at kailangan mo pang mag sigawan para mag karinigan kayo.

I'm so sick..I'm stress and I'm blue..Malabo na ang tingin ko sa mga tao hanggang sa kumanta ako este sigaw pala ang ginawa ko. "Akin ka na langgggg akin ka na laaanggg!! Ang inaasam sa habang buhay! akin ka na langggg akin ka na langgg at mag hihintay hanggang akin ka na lang giliw!!! Aaahhhhkin ka na lang!!! -- hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. I'm tipsy.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon