Alam kong nagulat si Grey ng yakapin ko sya pero hindi ko na kaya. "I-I miss you!" bulong ko. I was imagining na haharap sya at yayakapin din ako bilang sagot pero taliwas ang ginawa nito. Pinilit nitong tanggalin ang mga braso kong nakayakap sakanya at madilim ang mukhang humarap saakin.
"Bakit??? Bakit mo ko namiss?" hindi ako nakasagot sa tinanong nya, ano ba kasi ang isasagot ko? dahil mahal ko na sya? "Bakit Tala?? Oo nga pala ikakasal na sila Sir Andrei at ikaw maiiwan kang nasasaktan kaya ngayon pinipilit mo akong bumalik doon para may panakip-butas ka!"
Natulala ako sa sinabing iyon ni Grey, panakip-butas? "Di ba tama ako? Lulunukin mo na ba yang pride mo at papatol ka na sa lalaking kahit kelan hinding-hindi mo magagawang mahalin? Sa lalaking kahit kelan hindi mo magugustuhan?? Tama na Tala! Baka kung dati pa pumayag ako kahit ipanakip butas mo lang ako dahil mahal kita pero sorry! Dahil ngayon wala na akong nararamdaman para sayo, kahit konti wala na!" Ouch!! nakagat ko na naman ang ibabang labi ko kasabay nun ang pagbagsak ng luha ko. Tumalikod na si Grey at pabagsak nitong isinara ang pintuan ng kwarto. Hell! mas masakit ito kumpara sa mga naramdaman kong sakit kay Sir Andrei. Napaupo ako at naitakip ko ang dalawang palad sa mukha ko. Hindi na ako mahal ni Grey! Ang tanga ko!
"Neng tama na yan!" tinapik ako ni Ate Violet na nakalabas na pala ng kwarto kaya agad kong pinunasan ang luha ko.
"Sorry po Ate!"
"Kami nga ang dapat na magsorry sa ginawa ng kapatid namin e.."
"Kasalanan ko naman po lahat. Sige po Ate aalis na po ako, pakibigay na lang po kay Grey itong binili kong pasalubong." tumayo na ako mula sa pag kakaupo.
"Ate Tala hindi ka na makakaalis. Nandiyan na ang bagyo malakas ang hangin at ulan sa labas baka mapano ka." napalingon ako kay Beige at nilingon ko nga ang labas, siomai may bagyo ba?
"Dito ka na magpalipas ng gabi hija, hindi rin naman kita papayagang umalis mag-isa, hindi mo ba alam na may bagyo dito sa visayas?" umiling ako. Bakit nga ba kasi hindi ko alam na may bagyo? Napabuntong-hininga ako.
"The food is ready!" lahat kami ay napalingon sa batang lamok. "Ate ganda kain na po ikaw," napangiti ako dito.
"Wow very good ang baby ko!" binuhat ito ni Ate Violet atsaka lumingon saakin. "Tara na Tala kumain ka na muna at magbihis ka na."
"Sige na hija, tapos na kaming kumain ni Grey, kapag tinotopak iyon tiyak bukas na ang labas nun." sabi pa ng Tatay ni Grey.
"Tomo!" sagot ni Beige na hinila na ang braso ko. "Kaya kain na tayo Ate, stop crying na." napasunod naman ako dito, buti na lang mabait ang pamilya ni Grey kung alam lang nila kung gaano ako kasama sa kapatid nila malamang palayasin na nila ako.
Pinatulog ako ni Ate Let sa kwarto ni Beige tatabi na lang daw kasi ito sakanila, nalaman ko din na hindi pala nila kapatid si Pinky kung hindi anak pala ito ni Ate Let sa lalaking walang kwenta. Walang kwenta dahil hindi sya pinanagutan. Pagkatapos akong ihatid ni Beige sa kwarto ay agad kong hinanap ang celphone ko.
Limang miss call galing kay Best, kaya agad ko syang tinawagan.
"Crystala Mijarez kamusta ka naman?" talak agad ang isinalubong saakin ni Stef ang saya! "Alam ko na ang lahat! Nandito ako ngayon sa boarding house nyo at katabi ko itong si Shane."
"Tala kamusta na diyan? Ano tabi kayo ni Grey matulog?" narinig kong sabi ni Shane at sabay pang naghagikgikan ang dalawa, mukhang nakaloud speaker ang phone ni Best.
"Mga loka! May bagyo dito kaya hindi pa ako makauwi pero bukas luluwas na din ako." bahagyang napiyok ang boses ko dahil sa naalala kong sinabi ni Grey saakin na hindi nya na ako mahal at alam kong nahalata iyon ng dalawa dahil tumahimik ang mga ito.
"Best may problema ba diyan?"
"Wala naman, sinabi lang naman ni Grey na hindi nya na ako mahal." tumulo ang luha ko ng sabihin ko iyon.
"What??" panabay na sigaw ng dalawa.
"O bakit ka umiiyak? Mahal mo na ba?" si Best ang nagtanong nun.
"Hindi ko alam, siguro oo!" dahil dun ay lalo akong napahagulgol.
"OMG!" dinig kong kilig na kilig ang dalawa sa sinabi ko pero anong nakakakilig dun? di na nga ako mahal ni Grey. T_T
"Shungaling ikaw nga diyan ilang beses mong tinanggihan si Grey pero sumuko ba sya? Hindi diba?" boses iyon ni Shane.
"Oo nga nandiyan ka na sa lungga ni Papa Grey kaya go girl gumawa ka ulit ng paraan para mahalin ka nya." sabi naman ni Stef.
"Ay tama ka diyan bakla apir!" ang mga loka magkasundong-magkasundo. Napaisip ako at saka ko pinunasan ang luha ko. Oo nga naman, gagawin ko ang lahat para mahalin ulit ako ni Grey. Hindi ako dapat sumuko. Hindi nya ko sinukuan noon ako naman ang hindi susuko sakanya ngayon. Kung nagawa nyang ipagduldulan ang sarili nya saakin noon e di ganun din ang gagawin ko sakanya ngayon. Kaya ko 'to at kakayanin ko ito dahil mahal ko na si Grey. Tama si Shane, masasagot ko ang puso ko kapag nakaharap ko na si Grey at sa unang tama pa lang ng aming mga mata ay nasagot ko na iyon. I love Greycus Cuevas.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...