2nd Chapter

39 2 0
                                    

Dahan-dahan kong sinundan ang labiduds ko. Kunwari ayos dito ayos doon, masundan lamang sya buti na nga lang at hindi nya ako napapansin. Tumigil ito sa infant section atsaka kinulbit ang isang sales lady doon. Infareness maganda yung girl pero syempre mas maganda ako.

Hindi ko marinig kung ano ang nakakatawang pinaguusapan nila at wala silang ginawa kung hindi maghagalpakan ng tawa. I hate them. T_T

Halos malapirot ko na ang hawak kong damit ng bata ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Kawawa naman yung damit baka wala ng bumili nyan." lalo kong kinuyumos yung hawak ko ng marinig ko ang boses ni Grey. Bakit ba ito ipinanganak sa mundo?

"Bakit ka ba nandito?" asar na asar akong lumingon sakanya at ang hudyo kumibit balikat lang.

"Bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?"

"Wala kang pakialam! Bakit ba sunod ka ng sunod saakin Grey-

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Sir Andrei. "Tala? Grey? Why are you here?"

Naku nga napahamak na. "Ahhm.. Sir k-kasi po" wahhhhhh wala akong madahilan.

"Sir may chineck lang po kami ditong stocks."

"Ah..okay " tila hindi sigurado ang labiduds ko sa sagot ni Grey kaya bumaling ito saakin. Yung tingin na tila nangaakit. Siyett... "Tala, go to our office may sasabihin lang ako sayo."

"Okay po Sir." bigla kong natapik si Grey bago ako umalis. "Pahamak ka talaga!" kaasar talaga pero okay narin atleast magsosolo kami. *_*

"Tala kamusta ang mga summer sale item natin?" tanong ni Sir Andrei ng makaupo sya sa kanyang upuan. Syempre nagpacute ako bago sumagot.

"Okay naman po Sir Andrei. Mabili naman po." tinitigan nya ako, yung tingin na parang tinatanya ang kalooban ko. "Kayo na ba ni Grey?" langya sabi ko na e..kaya ayokong nagdididikit sa isa na iyon e..

" Naku Sir Andrei hindi po noh! Magkaibigan lang kami nung mokong na yun."

"Hmm.." bahagya pa itong tumawa. "Halata naman na very inlove saiyo si Grey and marami din ang nagsasabi nun." pero sayo ko in-love at alam kong alam na alam mo na iyon.

"Tsismis lang yun Sir. Marami naman po diyang tsismis na hindi naman talaga totoo." Keenes telege!

"E di tsismis lang pala na may gusto ka saakin?" Hala! Nanlaki ang mata ko, siyete talaga nawawala na ang poise ko! Grabe din si labiduds.

"S-Sir?"

Tumawa na naman ito, tawa na tila nakakaloko. "Never mind! Never mind!" "Bakit ba kasi di mo na lang sagutin si Grey? Mabait naman yun, gwapo pa." ouch! ouch! ouch! bakit di na lang kaya ako saksakin ng isa na ito bakit kailangan pa nya akong ipagsiksikan sa taong di ko gusto.

"Sir hindi talaga si Grey ang type ko atsaka ano ba tong pinaguusapan natin Sir?" kaya ko syang ganituhin dahil alam ko kung hanggang saan ang limit ng labiduds ko.

"Sorry about that. Anyways may gagawin kasi sana akong surprise party para kay Ms. Lea gusto ko sanang tulungan nyo ako ni Stef and Grey okay lang ba?"

Napabuntong hininga ako at napatango pero kailangan kong malaman kung sino yung mukhang bago na kalandian nya kanina kaya dapat magtanong ako.

"Ah..Sir sino po yung kausap nyong girl kanina?"

Ngumiti ito ng nakakaloko, nalusaw na naman tuloy ang puso ko. " Si Jane? Sya yung Supervisor natin sa kabilang branch at sya narin ang papalit sa pwesto ni Ms. Lea."

Si Ms. Lea ay isa sa supervisor naming mabait at yung babae na Jane ba pangalan nun? ewan ko kung makakasundo ko. Nagulat ako ng tumayo si Sir Andrei at pinat ang likod ko.

"Don't worry Jane is good as Ms. Lea. Ipapakilala ko sya sainyo sa surprise party okay? Smile little kitten, papangit ka nyan." napangiti na ako. Haiii kapag ganito nga naman si Sir Andrei ko. Nakakakilig! Alam na alam nito kung paano ako kikiligin. Gusto ko na namang magsplit sa tuwa lalo na kapag tinatawag nya kong 'little kitten'. Maliit na kuting. Maliit na kuting pa oh diba san pa kayo?

Hanggang sa makalabas ng opisina ay hindi ko parin maialis ang ngiti ko, luminga-linga pa ako para hanapin ang bestfriend kong si Stef pero dahil maswerte ako ayun si Grey na naman ang nakasalubong ko. Napalitan tuloy ng inis ang kasiyahang nararamdaman ko.

Agad ko na naman syang nahampas sa braso at nakita ko ang pagkagulat nito pero wala akong care because I HATE HIM. Capslock talaga para knows nyo diba?!

"Aray!"

"Aray ka diyan! Nakakainis ka na talaga!"

"Bakit ba? Ano na namang ginawa ko sayo?" nakakunot ang nito.

"Nagtatanong na ang prince charming ko kung tayo na! Wala ka kasing ginawa kung hindi sundan ako kahit saan."

"Ayaw mo nun? Atleast hindi sya maniniwala sa kumakalat na tsismis na patay na patay ka sakanya dahil ang alam nya tayo na!"

Umarte akong tila kinilabutan. "Eeww..adik ka ba? Pano nya ako liligawan kung iisipin nyang tayo na? Diyan ka na nga!" umalis na ako dahil baka mapikon lang ako kay Grey, tinuloy ko na lang hanapin si Stef para ibalita ang dapat ibalita.

Alam kong naiwan ko na namang iiling iling si Grey but I don't care!

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon