"Tala doon muna kita ilalagay sa stockroom ha!?"
"Po?" hano daw? o_0
"Since wala na si Grey ikaw na ang ilalagay ko doon." kumunot lalo ang noo ko. "Actually ikaw naman na talaga ang dapat nandoon kaso lagi kang sinasalo ni Greycus kaya everytime na nakaasign ka doon sya na ang nagpiprisinta na pumalit sayo."
"Ginagawa nya po yun?"
"Oo tapos sinaktan mo pa yung tao! Kuuu...kayo talagang mga kabataan hindi talaga maintindihan." umiling pa ang ginang habang nakatingin saakin. Medyo maiinit kasi ng konti sa stock room tapos nakakaantok pa. Ang bait pala talaga ni Grey.
"Sige na pumunta ka na doon." may pagka-istrikta si Ma'm Ailah pero mabait yan saamin nila Stef lalo na kay Grey ewan ko kung anong ginagawa ni mokong para mapangiti lagi ang matanda. "Tala aba hija natulala ka na." narinig kong bulyaw ni Ma'm Ailah.
"Ma'm ngayon lang naman po ako sa stock room diba?"
"Anong ngayon lang? Hanggat hindi mo napapabalik si Grey hindi kita iaalis doon."
"Po?" ibalik? bukas lang nandito na yun ah.. "Si Ma'm talaga bukas lang nandito na yun e.." naisatinig ko pero sumimangot lang ito.
"Nag resign na si Grey kahapon pa. Hindi mo alam?" tinantiya ni Ma'm Ailah ang reaksiyon ko pero ano nga ba ang magiging reaksiyon ko?
"N-nag resign na po?"
"Bingi ka ba?" napangiwi ako at napakamot ako sa ulo ko. "Wala na si Grey! Ikaw lang ang dahilan kaya nagtitiyaga yung tao dito kaso sinaktan mo na!" nakagat ko ang ibabang labi ko hindi dahil na-touch ako sa sinabi ni Ma'm Ailah kung hindi dahil naiirita na ako dahil mukhang ako ang sinisisi ng isang ito sa pag-alis ng mokong.
"Ma'm naman-
"Ewan ko nga ba kay Grey at bakit ikaw pa ang pinagtiyagaan. Oo maganda ka pero tanga ka naman. Hay! Naku!" guys pigilan nyo ko, isa na lang.
"Ma'm alis na po ako."
"Mabuti pa nga!" grabe naman hinayblood na saakin wala naman akong ginagawa.
**********
Nandito na ako sa stock room kung saan ako naka-asign. Medyo mainit at napaka tahimik na lugar. Tatlo lang kami dito tapos dalawang lalaki pa ang kasama ko. Gosh! Sayang yung ganda ko noh!
"Tala okay ka lang dito?" bahagya akong nagulat kay Mike, yung isang kasama ko.
"Oo naman. Mabuti nga dito hindi hussle katulad sa labas." medyo may kaplastikan yung sinabi kong iyon.
"Kung nandito pa si Grey hindi mo sana mararanasan 'to." benemen si Grey na lang lagi ang naririnig ko.
"Oo nga Tala. Si Ma'm Ailah naman kasi dami-daming pwedeng ilagay dito ikaw pa ang inasign, pero okay narin atleast may maganda naman sa view namin ni Mike." napangiwi ako kay Lando. Ako daw magandang view? Sus! Maliit na bagay lang naman yun. >_<
"Psstt..Lando off limit tayo kay Tala, patay tayo kay Grey."
"Wala na naman sya e..okay lang yun diba Tala?" tinaasan ko ng kilay si Lando aba naman kung sa hitsura pa lang noh? mahiya naman sana itong si Lando.
"Kayo ngang dalawa e tigilan nyo ako ha!?"
"Sorry, ito kasing si Lando e.." napakamot pa sa ulo si Mike na tila hiyang-hiya saakin.
Bigla akong napabuntong hininga. Namimiss ko kasi si Stef na lagi kong kadaldalan pati na si Grey na laging nangungulit saakin. ??? Ano yung sabi ko? Erase! Erase! Erase! Sinipat ko ang relo sa table ko. Lunch time na pala. Syempre una na akong lumabas ng stock room at hinanap ko kaagad ang dakila kong kaibigan.
"Best!" tila nasa telenovela ang yakapan namin ni Stef ng magkita kami.
"Best nakakainip sa stock room." mangiyak ngiyak kong sumbong sa kaibigan ko, kasalukuyan na kaming nandito sa aming kainan at paisa-isa kong tinitinidor ang ginisang ampalayang baon ko.
"Ikaw din naman ang may kasalanan e! kung hindi mo inaway si Grey di sana wala ka doon ngayon." napadiin ko ang tusok sa isang ampalaya, gosh! si Grey na naman ang topic at ako na naman ang may kasalanan.
"Talagang ako ang may kasalanan?"
"Hindi, hindi ako." umingos pa ang lukaret kong kaibigan.
"Pwede ba best tigilan na muna natin si Grey. Ayoko na syang pag-usapan, period!"
Muli lang ngumiwi ang kaibigan ko at saka itinaas ang kanyang kanang kamay. "Okay from now on hindi ko na sya babanggitin, pero huli na 'to ha namimiss ko na kasi ang mokong na iyon." tiningnan ko na lang sya dahil ayoko ng mag react baka mapasama na naman ako. Wala na nga si Grey sa mundo ko pero paulit-ulit parin naman itong ipinapaalala ng mga nasa paligid ko.
"Nakita mo na ba si Sir Andrei?" maya-maya'y tanong ko dito.
"Ikaw kanina ang naghanap sakanya diba?" ayos din tanungin itong tanungin si Stef e! tanong din ang sagot.
"Hindi ko sya nakita e.."
"Baka nasa piling ng fiancee nya." kibit balikat nito na alam kong gusto lang naman akong pasakitan. Oo may kirot na tumusok sa puso ko pero bakit hindi na ganun kasakit? Sumang-ayon na lang ako sa sinabi nito.
" Baka nga." nakita ko ang kunot sa noo ni Best ng tingnan ako, palagay ko nagtataka ito kung bakit hindi na ako nagreact ng wagas. Haizt.. ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Wala na diba? -_-
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...