15th Chapter

27 2 0
                                    

"So...ano ang dapat kong gawin? Shane miss na miss ko na sya." sumandal ako sa upuan na tila ubos na ubos na ang pag-asa.

"Tala I want you to be honest with me. Mahal mo na ba si Grey?" tinitigan ko si Shane. Ano nga ba ang sagot ko dun? Sa totoo lang hindi ko rin naman alam e..

"Love na ba to'? Hindi ko din alam Shane. I'm in the middle of yes and no."

"For you to answer that question better nyan puntahan mo agad si Grey sakanila. Say sorry to him at pakiramdaman mo ang sarili mo kapag face to face na kayong magkausap if that is love or guilt, guilt dahil sa pag taboy mo sakanya okay?" marahan akong tumango kay Shane, oo plano ko naman na talagang puntahan si Grey kahit pa nasa ibang planeta pa ito makahingi lang ng sorry pero teka handa na ba ko talagang harapin ang kaisa-isang lalaking nagmahal sakin na nasaktan ko?

"Tama, bukas na bukas din pupuntahan ko na si Grey pero teka pano ako makakabili ng ticket pa-Cebu?"

"Don't worry ako na ang bahala bukas ibibili kita sa kakilala ko kaso baka hapon na yung flight mo ha!?"

"Salamat Shane, okay lang kung hapon na ako makaluwas. Bahala na si Batman kay Ma'm Ailah."

"Alam mo ako alam ko na ang sagot sa mga tanong mo." bigla akong napalingon sa ngumingising si Shane. "Matagal ka na kasing in-love kay Grey di mo lang maamin. Hahaha..." bigla itong tumayo at tinapik ang balikat ko. "Tulog na tayo ako ng bahala sayo bukas, tigilan mo muna kakaisip kay Grey baka mapuyat yun, bukas mo na lang puyatin.Hihi.." makahulugan pa itong ngumiti na ikinailing ko na lang.

"Loka!" sigaw ko sabay buntong-hininga. Ako matagal ng in-love kay Grey?? Bigla ko tuloy naalala nung nagkasakit ako tapos inalagaan ako ni Grey tapos nadulas ako sa harap nya, ewan ko ba nung time na yun poging pogi ako sakanya tapos parang iba yung tibok ng puso ko nung titigan ko sya pero binalewala ko yun dahil si Sir Andrei ang nasa isip ko. Hayyy ewan..

***********

"Goodmorning Ma'm Ailah, pasensya na po at hindi ako makakapasok-

"At bakit na naman?!" sabi na e..para lagi itong bulkan na bumubuga ng apoy.

Bahagya akong suminghot para mas effective ang kasinungalingan ko. "Masama po kasi ang pakiramdam ko Ma'm. Sorry po. Nabinat po ata ako."

"Kuuuu...Siya uminom ka na ng gamot at magpagaling ka." napangiti ako, mabait naman talaga itong si Ma'm talagang may pagka-terror lang. Solve na ang problema ko, itutuloy ko na ang pagaayos ko ng gamit. Yes!

"Thank you po Ma'm!"

"O bakla ito na ang ticket mo!" bahagya akong nagulat ng biglang sumulpot si Shane sa harap ko.

"Shane talaga! Lagi mo kong ginugulat." pero natuon na ang mata ko sa ticket na winawagayway nito at talagang hindi ko na napigilan ang mapangiti. "Salamat talaga Shane!" mahigpit ko syang niyakap at niyakap din naman ako nito.

"Welcome bakla, sana lang masagot na ang lahat ng tanong mo diyan- sabay turo nito sa puso ko kaya bahagya na lang akong tumango.

I really wish na masagot ko na nga ang lahat ng tanong sa puso ko at sana nga maging okay na ulit kami ni Grey. Bigla ko tuloy naisip kung ano ba ang una kong gagawin kapag nagkaharap kami? A. bigyan sya ng power hug or B. bigyan sya ng power kiss. Luh! Bakit ako kinilig sa huli kong naisip? *_* Sana hindi na sya galit saakin..huhu

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon