33th Chapter

23 1 0
                                    

Pagkatapos ng duty ko sa sing along bar este kay Mam Tin ay hinanap ko na si Mam Ailah para ipasa na ang resignation ko. This is it! It's final..

"Dalin mo sa lamesa ko." sabi lang nito ng lapitan ko. Infareness di nya ko tinanong or tinalakan today ha..Siguro mamimiss din nya ako hahaha!

Hawak ang bag at resignation letter ko e tinungo ko na ang opisina ni Mam. This is it pansit! Time of moving on! "Ay kabayo!" nagulat ako ng mag tama ang paningin namin ni Grey. Oo guys ni Grey! Nakaupo ito sa swivel chair ni Mam Ailah at tila kapalit na ito ni Mam Ailah kung umasta.

"H-Ha Hi!" bati ko, tapos dahan dahan akong pumasok sa kwarto na yun. Inisip ko kung aatras ba ako. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin or what, napakatahimik kasi sa kwarto na yun.

Sa loob ng tatlong linggo mas lalo pang gumwapo si Grey. Mas lalong parang ang sarap na nyang yakapin at halikan.

Ngumiti sakin si Grey ng tipid tapos tumingin ito sa hawak kong papel na inilalapag ko na sa lamesa ni Mam Ailah, bigla pa itong napakunot noo.

"So mag reresign ka na?" tanong nito na di ko parin mabasa ang kung anong nasa isip.

"O-Oo.. Uwi muna ako saamin." sabi ko na lang with matching ngiti, tapos tumango tango lang ito. "Kelan ka nga pala dumating?" guys pigilan nyo ako ang damdamin ko bumubugso!! Gusto ko syang yakapin!!

"Kanina lang umaga." tipid nitong sagot kaya ako naman ang tumango tango. Tala mag paalam ka na, wag ka ng gumawa ng mahabang usapan.

"Ahh.. Sige Grey, u-uwi na a-ako." tumalikod na ako ng muli kong nadinig na nag salita ito.

"Pwede bang mag tanong?" nadinig kong habol nito. Dahan dahan akong lumingon, napakaseryoso ng mukha nito. Bigla pa itong tumayo at humalukipkip.

"Yes?"

"Bakit ka nga pala umalis sa resort ng hindi nag papaalam saakin?" hano daw? oo nga pala yun pala yung kasalanan ko dito. Patay naaaa..

Lumingon ako dito dahan dahan. "Ahhh.. Eehh.. Ano kasi, ano maaga flight ko e bumili pa ako ng pasalubong kaya maaga na lang akong umalis sa resort nun." Nag tama ulit yung mga mata namin. Grey! Natutunaw ako sa titig mo!

"Yung totoo?" seryoso parin itong nakatitig sakin kaya napapayuko ako.

"Yun naman talaga.." Kunot noo kong tanong.

"Dis oras na ng gabi nung nawala ka. Please don't lie. May nangyari ba na hindi ko alam? Bakit bigla bigla kang umalis?"

Napakamot ako ng ulo. "Ano ba kasi yung totoo para sayo? Yun lang naman talaga yung dahilan ko." Tala gumawa ka na ng kwento! Sigaw ng isip ko. "Ano bang gusto mong marinig na dahilan? Dahil gusto kong maka date si Ralph kaya maaga akong nag pahatid sakanya sa terminal, yun ba?" Nakita ko ang pag dilim sa mukha nito.

"Okay sabi mo e.." nag kibit balikat ito at bigla na lang lumabas ng opisina.

"Grey! San ka pupunta?!" sigaw ko.

"Uuwi na!" sagot nito. Luh! Ang bilis naman nyang kausap.

Hayaan mo na Tala tama na, move on na! Yun ang sigaw ng utak ko taliwas ng puso ko. Sundan mo Tala kausapin mo.

"Ano nakapag usap na kayo ni Grey?" tanong ni Stef ng makasalubong ko.

"Hindi nga e.. Umalis bigla nasan na ba sya?"

"Aysu naman habulin mo!" bigla akong napalinga, nasan na ba si Grey? "Ayun!" nilingon ko ang tinuro ni Stef tapos nakita ko si Grey palabas na ng mall papuntang parking.

"Grey!!!" sigaw ko pero mukang nag bibingi bingihan na naman ito. "Grey naman!" andito na ako sa likod nya, aba may sasakyan na si Grey.

Lumingon ito saakin na seryosong seryoso pa din ang mukha. "Bakit?"

"Pwede ba tayong mag usap?" tumalikod ulit ito.

"Wala na tayong dapat pag usapan." ang sungittt kainis!!!

"Makinig ka naman sakin please.."

"Bakit ako makikinig sa insensitive na katulad mo?"

"Hindi ako insensitive! Sinagot ko lang kung ano yung tanong mo!"

"Wag mo ng pag takpan yung sainyo ni Ralph!" anon daw??

"Anong saamin ni Ralph?!"

"I don't know! Bahala ka na nga dyan! Mali pa atang bumalik ako dito!" Muli na naman itong tumalikod, napahinto ito sa kotse nito at akma ng sasakay kaya sumigaw na ako.

"Ano bang problema mo???? Grey!!!!" napalakas man ang sigaw ko e wala akong pakialam basta mapalingon ko lang ulit sya at nag tagumpay naman ako. "Gusto mong malaman kung ano yung totoo???? Ang totoo, umalis ako sa resort dahil nag seselos na ako sainyo ni Shaira!" kumunot ang noo nito. "Pano akong di mag seselos dun kung makadikit sayo parang linta!" unti unti kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko. "Dati saakin ka lagi nakadikit saakin ka lagi nakatingin pero dahil sa Shaira na yun wala na! nawala ka na! Alam ko namang kasalanan ko kung bakit ayaw mo na sakin e -- "

yung luha ko di ko napigilan T_T nag unahan na sa pag tulo..nakakahiya pero ang sakit na sa puso e.."Siguro nga ang tanga ko hindi ko nakita yung katulad mo, yung mga ginawa mo saakin noon pero akala ko kasi pag pinuntahan kita sainyo makakabawi pa ako kaso wala na nag mahal ka na ng iba..Oo tama si Shaira masaya na kayo sa isat isa pero gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko sa huling pagkakataon.

Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko para tuloy akong bata. "Sorry! Sorry sa mga nasabi ko sayo noon na di kita kayang mahalin, sorry kung nakagulo ako sainyo ni Shaira at sorry kasi mahal na kita! Mahal na mahal kita Grey!"

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Grey tapos nagulat ako ng isahing hakbang niya ang pagitan namin tapos bigla nya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit, lalo tuloy akong napahagulgol.

Nung humiwalay sya sakin ay dalawang kamay nyang pinunasan ang pisngi kong puno ng luha tapos pinunasan ko din yung muka nya, umiyak din sya bakit? "Alam mo ba? Matagal kong pinangarap na iyakan mo ko ng ganyan. Yung pag iyak mo kay Sir Andrei dati." bigla ko itong tinapik, sabay tuloy kaming nag katawanan sa pagitan ng pag hikbi.

"Una pa lang kitang nakita minahal na kita at walang nakakapag pabago nun hanggang ngayon." Napaluha akong ulit. Totoo ba tong naririnig ko?? "Wala kaming relasyon ni Shaira, bumalik ako ng Cebu para kay Tatay hindi para sakanya at para na din siguro makalimutan ka. Natagalan lang akong bumalik dito dahil madami pa akong inasikaso sa bahay at para na din mabigyan ka ng oras makapag isip." binayo ko ulit ito pero mahina lang naman.

"Bigyan ako ng oras? O ikaw para makapag isip ka?" bahagya ko itong inirapan pero hinapit ako nito palapit.

"Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakarating mahal ko. Mahal na mahal kita Crystala Mijarez!" 

"I love you too my Greycus Cuevas!" tinawid nya ang pagitan namin at punong puno ng pag mamahal nya akong hinalikan, sinagot ko din ang halik nya ng may pananabik at kung gaano kami nag salo sa halik na yun, yun ay hindi ko na alam basta natigilan na lang kami ng may nagpalakpakan na sa paligid namin. Shems! Ang daming saksi sa intense naming harapan haha.. But were happy niyakap ko ng buong pag mamahal si Grey. Kung dati ayokong mapapadikit sakanya pero ngayon guys iglue nyo na kmi plsss hahaha..

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon