9th Chapter

28 2 2
                                    

"Dito na lang Grey." narinig ko ang boses ni Best. Bahagya akong napadilat at nakita kong nandito na kami sa boarding house ko. Wala si Shane dahil panggabi ito.

"I'll get some towels wait lang." narinig ko ulit si Best. Alam ko na kung ano ang nangyayari pero wala akong lakas ng loob na idilat ang mga mata ko dahil sa hilo.

"Tala you know how much I care for you at ang hirap makitang ganyan ka. Nandito naman kasi ako mahal na mahal kita bakit sa iba ka pa kasi nagmahal?" naramdaman kong hinaplos ni Grey ng bahagya ang pisngi ko kaya naman napadilat na ako. Mahal nya ako?? Siyett! bakit parang isang anghel ang nasa harapan ko. Pinilig ko ang ulo ko para matauhan ako. Lasing na talaga ako. "Saan ka pupunta?" pinigilan ako ni Grey sa pagtayo ko pero napapiksi ako.

"Pwede ba tigilan mo ang kakapigil sa gusto ko!"

"Lasing ka! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?"

"Hindi ako lasing dahil alam ko pa ang lahat ng ginagawa ko, alam ko pa kung bakit kailangan kong magkaganito." sunod-sunod na pumatak ang luha sa mata ko. Sana lang kaya ng alak na tanggalin lahat ng hinanakit sa puso ko.

"Tama na naman! Bakit ba kasi umasa ka sa lalaking wala namang nararamdaman sayo?! Bakit ka kasi umasang magiging kayo??" lalo akong naiyak sa sinabi ni Grey. Ginamit ko ang lahat na natitirang lakas ko at tinulak ko sya ng malakas palayo saakin.

"Kahit pagbali-baliktarin ang mundo wala kang magagawa dahil si Andrei ang mahal ko at hindi ikaw!! Tigilan mo na ako Grey! Wag mong ipagpilitan ang sarili mo saakin dahil kahit kelan hindi kita matututunang mahalin! Kahit kelan hindi kita magugustuhan!!!"

"Uy Tala tama na!" hinila ako ni Stef habang umiiyak parin ako. Tahimik lang din naman si Grey na nakatitig saakin. Ano yung nakita ko sa mga mata nya? Namumula ito na tila gusto naring maiyak, tama ba?

"Umalis ka na dito Grey at parang awa mo na ayaw na muna kitang makita!" wala akong pakialam kahit masaktan ko si Grey, balewala lang yun sa sakit na nararamdaman ko sa ngayon. Mabuti narin ito para narin wala ng buntot ng buntot saakin.

Nakita kong yumuko si Grey at saka tumango. "Okay I'll go. Salamat sa lahat Tala and please take care of yourself." isinukbit nito ang bag nito at saka dire-diretso ng lumabas.

"Grey wait!" tumakbo si Stef palabas. Alam kong naawa ang kaibigan ko sakanya pero hello? mas nakakaawa kaya ako.

Binuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang inaalala ang mga kulitan memories namin ni Andrei my-- hindi pala may iba na syang loves. Ang sakit sakit kasi matagal ko syang minahal sa puso ko tapos malalaman ko may iba na pala sya talagang gusto? Kainis..ang tanga ko! Sobrang tanga ko! Bakit ko ba kasi pinaniwala ang sarili kong kaya din akong mahalin ng katulad nya? I hate myself! I hate myself! Bakit nya ako pinaasa??

"Umalis na si Grey Best! Tama na yan. Wala namang kasalanan si Sir Andrei kung bakit ka nagkakaganyan, buti na nga lang hindi na sila nakahalata kanina." patuloy paring tumutulo ang luha ko. Wala na akong naririnig kung hindi yung pagluha ng puso ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap saakin ni Best lalo lang tuloy akong nahabag sa sarili ko.

Kung ilang oras akong umiiyak yun ang hindi ko alam, basta naramdaman ko na lang si Best na nakatulog na kaya napapikit narin ako. I let the myself sleep para narin maka pag pahinga ang isip at puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon