--Greycus Provs--
Si Shaira ang naging matalik na kaibigan ko simula noon. Oo ngat mayroong nangyari saamin pero nilinaw na namin sa isa't isa na wala lang iyon at mga bata pa kami noong panahon na iyon.
Oo nag kakatext kami paminsan minsan nyan nang nasa Manila ako pero alam ko sa sarili ko na isa lang talaga ang minahal ko at yun ay ang Crystala Mijarez ko.
Umuwi ako sa Cebu para kay Tatay hindi dahil para kay Shaira, kahit sinabi pa nyang kami na lang daw sana at bumuo kami ng pamilya.Tinanggihan ko yun dahil para saakin kasi kaibigan lang talaga sya. Noong bumalik ako mas madalas kaming mag kasama pero wala lang iyon saakin hanggang sa dumating ang araw ng birthday ni Beige.
After Tala kissed me naramdaman kong mahal na din nya ako, kahit ayoko sanang mag assume pero ginawa ko. Nag selos ako kay Ralph ng makita kong close na sila agad agad, nakita ko pang umiiyak sya sa balikat nung tao na yun ganun kaagad sila kaclose samantalang ako noon inis na inis sya mapadikit lang ako sakanya speaking of Ralph sinuntok ko sya nung malaman kong sya ang nag hatid kay Tala sa airport para makauwi at yung isa naman na yun tatawa tawa lang hindi man lang sinabing nagseselos si Tala kaya umalis ng mas maaga.
Back to Shaira after ko syang kausapin na babalik na ako ng Alabang kasama si Tala e hindi na nya ako pinansin. That's why hinanap ko sya at ng makita ko e niyakap ko at nag sorry ako. Alam ko kasi ang pakiramdam ng narereject. Doon ko naintindihan ang feelings ni Tala. Na minsan talaga may mga pag kakataon na kahit gusto mong suklian ang pagmamahal ng isang tao e hindi mo magagawa dahil may mahal kang iba.Yun ata yung scene na nakita ni Tala kaya umalis syang bigla.
Hindi matanggap ni Shaira ang desisyon kong bumalik ng Alabang kasama si Tala kaya nung gabing hinanap ko si Tala e gumawa din sya ng paraan para hindi muna ako makaalis. Nag pakalasing sya at nag pakalunod kaya kinailangan ko syang isugod sa ospital.Sinubukan ko naman tawagan nun si Tala pero hindi ko na macontact yung number nya kaya kay Tita Ailah ako nakisuyo that time. I decided na din na di muna sya kausapin sa phone dahil mas gusto kong subukan uli syang ligawan sa personal pero hindi na pala needed dahil mahal na din ako ng mahal ko and I'm really happy with that.
Madami mang pagsubok ang nangyari saaming dalawa mananaig parin ang pag mamahalan sa puso namin ni Tala. Kaya kayo kapag mahal nyo ang isang tao never gave your 100% love instead give your 100% patience para makuha nyo ang trust at ang love nya ng buong buo..
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...