Padabog akong pumunta sa kwarto at kinuha ko na lang ang celphone ko. Guys hindi ko guguluhin ang mga friendship ko. Hindi ako magsusumbong keri ko na 'to. Pinindot ko ang radyo sa celphone ko at inilagay ko sa favorite FM station ko. Hindi na ako nagheadset at itinodo ko pa ang volume noon.
Bakit pa ba nagawa
Na saktan ko ang isang tulad mo
Na labis na nagmamahal
Di na pansin na walang
Katulad ang alay ng pag-ibig mo
Sa akin
Ako sana muli ay patawarin..
Napatalon ako sa celphone ko at agad kong hininaan iyon. Jay R parang gusto kitang isumpa ngayon. Tss.. baka akalain ni Grey sising sisi na ako sa mga katangahan ko. Infareness totoo naman yun. Bahagya kong nilagyan ng sounds ang celphone ko para kahit papaano ay may marinig parin ako.
Kay tagal akong bulag sa katulad mo
Gayong wagas yaring pag-ibig mo
Iniwan pa kita laging nag-iisa
Bakit ba nagawa ito sayo?
Araw-araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo'y di narinig pagsamo mo..
Waaahhhh.. para akong tanga alam ko dahil humihikbi na ako habang yakap ko ang unan. Nakakainis naman kasi e.. ang tanga ko! Waaahh.. T_T
Bakit pa ba nagawa
Na saktan ko ang isang tulad mo
Na labis na nagmamahal
Di na pansin na walang
Katulad ang alay ng pag-ibig mo
Sa akin
Ako sana muli ay patawarin.
Alam kong para na talaga akong shunga dahil umiiyak ako habang kumakanta pero wala namang pakialamanan, kanya kanyang trip lang yan!
"Ate Tala! Ate!!" narinig kong kumatok si Beige, pero hindi ako sumagot sa halip dumapa ako at nagkunwaring tulog. Wala kasi ako sa wisyo ngayon. "A-Ate?" narinig kong sumara ulit ang pinto at alam kong lumabas na si Beige kaya dumilat na ako. Sana man lang si Grey ang pumapasok dito.
"Tulog si Ate, Kuya." narinig kong sabi ni Beige kaya agad akong nagtatatakbo sa pinto. Pinapuntahan ba ako ng Greyie ko?? Sinilip ko sa maliit na butas kung nandyan pa yung dalawa pero natanawan ko na lang si Grey na palabas.. Saan na naman kaya ang punta ng hudyo?!
***
Pinagaan kong pilit ang katawan ko, I need to be more energized para mas matagumpay kong mapabalik saakin si Grey.
Ako na ang nag prisintang mag luto ng hapunan, sabi ni Ate Let at ni Beige sinigang na baboy daw ang paborito ni Grey. Expert ako dun basta sa mga sabaw haha..
Inayos ko na ang lamesa at mga pinggan bago ko tawagin sila Ate Let.
"Tsaran!" haha para akong bata.. pati sila Ate Let natawa tuloy
"Mukang masarap yan Ate Tala ah.." dali dali ng pumwesto si Beige.
"Oo nga, Tara na dito sabayan mo na kami." yaya ni Ate Let saakin.
"S-Sabayan ko na po sila Tito at Grey."
"Naku si Grey nandun pa sa mga barkada nya. Nakita ko dun. Mamaya pa yun," napalingon lahat kami kay Tito, nandyan na pala sya. Dali daling tumayo ang dalawang mag kapatid para mag mano tapos sumunod din ako.
"O mamaya pa nga yun Tala tara na sumabay ka na." yaya pa ulit ni Ate Let kaya wala akong nagawa kundi ang sumabay na sakanila pero di ko parin maialis na panaka naka'y lumingon sa pinto, baka kasi biglang dumating si Grey.
"Tay bukas mas lalakas pa po yung bagyo sabi sa balita, wag na po kayong pumunta sa planta." maya maya ay sabi ni Ate Let.
"Oo nga po Tay." segunda naman ni Beige.
"Mas maraming bagsak na isda doon kapag may bagyo mga anak, alam nyo yan." sagot naman ni Tatay, syempre makikitatay na ako..
"Delikado nga po Tay lumabas, kasi may kasama pong hangin yung bagyo." singit ko narin pero napangiti lang ito.
"Kapag oras mo na oras mo na, wag nyo akong alalahanin kayang kaya ko yan." sumimangot yung dalawang magkapatid.
"Ganyan talaga yan Tala, pasaway talaga kung minsan." sabi ni Ate Let.
"Naku nagsalita ang mga hindi pasaway." nagkatawanan kaming lahat tapos sabay sabay kaming napalingon dun sa pumasok. Si Grey malamlam yung mata nya, halatang lasing na.
Dumiretso ito kay Tatay tapos nag mano. "O sumabay ka na samin Grey." yaya ni Tatay dito.
"Kain na Kuya, luto ni Ate Tala yan o!" yaya din ni Beige tapos nag salubong yung tingin namin kaya niyaya ko narin sya sa pamamagitan ng pag tango ko pero umiwas lang ito ng tingin.
"Wag mong sabihing hindi ka kakain ang sarap kaya ng luto ni Tala and hello never kang tumanggi sa sinigang Grey. We know you!" sabi naman yun ni Ate Let.
"Busog ako." matipid nitong sagot. Ouch! Wag lang kumain ng luto ko talagang tatanggi sya. Leche! Hayyy..Give me patience!!
"Hay naku Greyie! Nakakabwisit ka na ha!" nagulat kami kay Ate Let ng simangutan nito si Grey tapos si Grey ngumingisi lang. Ang gwapo talaga ni Grey. Hayy.. Bakit ngayon ko lang napagtanto??
"Kumain na lang kayo ng kumain dyan, wag nyo na akong isipin." sabi lang nito tapos pumasok na sa kwarto nya.
"Let di mo mapipilit ang busog." mahinahon parin si Tatay parang balewala lang sakanya ang lahat ng nangyayari. Haha..
"Tay mana talaga sainyo si Grey, pasaway! Pano mabubusog yun e inuman ang pinaggalingan nun hindi naman handaan."
"E nakita ko dun si Shaira e di nabusog na talaga yun!" Ouch!!
"Tay!!" sabay na saway ng magkapatid sa tatawa tawa lang na matanda. Tinakpan pa nga ni Beige ang tenga ni Pinky.
Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain. "O Ate Tala tapos ka na po?" napansin pala ako ni Beige.
"Ah oo..medyo sumakit na yung tiyan ko."
"Sige na mag pahinga ka na dun kami na bahala dito." taboy ni Ate Let kaya nagpaalam na din ako kay Tatay at Beige. Ganito na lang ata ang gagawin ko kapag nasasaktan ako yung umiwas na lang at mag tago. Hayy...
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...