13th Chapter

27 2 0
                                    

Limang araw na ang nakalipas at talaga namang ibang-iba iyon sa mga nakakaraang araw. Pasimple akong lumalabas papunta sa dati kong area at nakikipag daldalan sa iba pero bakit tila nalulungkot ako kapag napapalingon ako sa area ni Grey tapos wala naman akong Grey na makita. Hano na nga bang nangyayari saakin? Bakit parang may iba saakin ngayon? Lalo na ngayon. Palapit saakin si Sir Andrei at Ma'm Jane pero wala akong maramdamang selos.

"Hello little kitten." nginitian ako ng killer smile ni Sir Andrei pero bakit parang ordinaryo na lang saakin yun ngayon?

"Hi Sir! Goodmorning po sainyo ni Ma'm Jane."

"Goodmorning din." bati din ni Ma'm. Ngayon ko lang aaminin ha!? maganda talaga itong si Ma'm Jane mukha pang mabait hindi tulad ko mukha akong lukaret. "Isa ka pala sa Senior Staff dito Tala, tatlo lang daw kayong Senior dito pero balita ko nagresign na daw yung isa?"

Aray bakit parang natamaan ako. "O-opo, si Grey po yung nagresign."

"Ahhhh.." iba ang ngiti ni Ma'm Jane saakin, para bang nanunukso. Naku nga may alam na siguro ito.

"Choice naman po nya yun." nagkibit balikat na lang ako.

"Hmmm.." sumingit din si Sir Andrei na halatang nang-aasar kaya nginisian ko na lang ito.

"Oo nga pala pakisabi na lang mamaya sa iba na may meeting tayo okay? Dito muna kami." tumango na lang ako at saka ko tinanaw ang dalawang naghaharutan pa papalayo.

"Best aray ang sakit nun ah!" di ko alam kung saan nanggaling ang best friend kong ito dahil wala ako sa mood na bigyan sya ng atensyon, kaya inayos ko na lang mga paninda namin sa istante. "Pssstt..aba seryoso? Wag mo sabihing iiyak ka na naman ng dahil lang sa mga visor natin ha!?"

"Best hindi!" sa wakas nagkagana din akong mag-salita. "I don't know but I think I miss him."

Lumaki ang mata ni Stef na iniharap pa ako sakanya. "Miss? Him? Sino?"

"Si..Si..Si Grey. Naiinis ako hindi ko-

"O-M-G!!!! Best namimiss mo si Grey? Are you okay? Are you alright? Are you sick?" bakit ko ba naging kaibigan ang isa na 'to? Hindi ko napigilang maiikot ang mata ko sakanya, ang oa kasi.

"Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, siguro dahil nasanay ako na lagi syang nandiyan."

"Hmmm..hindi kaya in-love ka na kay Grey di mo lang maamin." ano daw? agad-agad in-love? di ba pwedeng miss ko lang talaga yung tao.

"In-love? Best naman e.."

"O sige e ano kung namimiss mo? Hanggang mamiss mo na lang yun ngayon dahil wala na sya dito."

"Nagsisisi na nga ako sa nagawa ko e.." nakita ko na lang na umiling si Stef. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Maya-maya ay bigla akong tinapik ng luka.

"Alam ko na!" kumurap-kurap pa ang mga mata nito. "Best we all know how much Grey loves you."

"So?"

"Teka hindi pa ako tapos e.."

Hinimas himas pa nito ang baba nito. "Mahal ka ni Grey ng sobra pero sobra mo din syang nasaktan kaya dapat yung effort mo para mapatawad ka nya is sobra din, gets mo best?"

"Sobra talaga?"

"Sobra-sobra talaga!"

"Paanong sobra?"

"E san mo ba mahahanap si Grey ngayon para makapag sorry? Di ba sakanila? Kaya go ka na kila Grey neng kung gusto mong mapatawad ka nya."

"As in pupuntahan ko sya sakanila?"

"Hindi saamin, dun sya nakatira e.." umiling iling pa 'to na tila napaka henyo ng naisip nya.

"Aba! Neknek nya! Ano ako loka? Di na noh! Balita ko sa Mindanao pa province nun. Bahala na sya doon." dire-diretso akong lumakad palayo kay Stef alam ko naiiling ito sa sinabi ko pero I don't care!

Nandito na ako sa stock room namin, nakatulala at nag-iisip tungkol sa sinabi ni Stef. Dapat ko bang sundin ang loka-loka kong kaibigan? Hindi! Hindi! Hindi! naipilig ko ang ulo ko sa isiping iyon.

"Psst..Ms. Tala may problema?" nagulat ako ng kulbitin ako ni Mike, kekehiya naman nakikita pala nya na para na akong luka, pero bigla akong napangiti sakanya at nagtanong na parang nawawala lang ang katinuan ko.

"Mike, diba alam mo kung saan ang province ni Grey?"

"Oo naman, kaya nga berks kami nun dahil parehas kaming Cebuano non." Ahh..soooo hindi pala sa Mindanao kung hindi Visayas, siomai malayo parin pala yun.

"Bakit? Alam ko exact address nun, turo ko sayo gusto mo?"

"Sige pero secret lang natin to' ha?" napangiti ito saakin.

"Don't worry Tala. Ako pa ba? Alam na alam ko na ang lahat kay Grey at saiyo kaya wala kang dapat problemahin saakin."

"May alam ka?"

"Oo naman, alam ko kung gaano ka kamahal ni Grey. Yung tropa kong yun akala mo yun seryoso pero yung totoo naku! maloko din iyon pero hindi sa babae ha!? Ikaw lang naman ang minahal nun ng sobra dito e.." biglang parang naging interesado ako kay Grey, samantalang dati pangalan palang ayoko ng marinig pero ngayon. o_0

Tuwang-tuwa ako sa iba pang ikinuwento ni Mike saakin na kung tutuusin ay dapat ikinaiirita ko na. Luh! is this love? probably no.. -_-

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon